Kabanata Anim

38 8 0
                                    

1 Marso 2019

Kalmadong naka higa ang isang binata sa kanyang silid ng salubungin siya ng maraming mensahe galing sa mga kaklase at mga kaibigan niya. Puro sila kamusta kay Rave Ashton kung ayos lang ba ito. 

Yung iba naman todo send ng mga links ng news reports na hindi naman maintindihan ng binata kung bakit. 

Tinapos muna ng binata ang kumain ng hapunan bago napag-isipan na tignan kung ano nga ba yung mga sinisend na links ng mga bahalang kaibigan at mga kaklase. 

Hindi man makapaniwala sa mga nababasa pinili ng pawis na pawis na binata ang tumahimik at pilit na kinalma ang sarili habang di-nial ang numero ng isang kakilala.

"Nakita mo na ba yung balita tungkol sa akin?"

"Oo, anong plano mo ngayon?"

"Ngayon, hindi ko pa alam, siguro nga magtatago na lang muna ako o di kaya­--"

Naputol ang tawag ng biglaang pumasok ang kanyang ina sa loob ng kaniyang kuwarto na may dalang isang paper bag. Pangiti-ngiti pa ito na galing trabaho na siguradong wala pang alam sa mga nangyayari. 

"Alam kong gusto mo yung bagong hoodie nilang ni-release kahapon lang, regalo ko na iyan sayo para sa kaarawan mo sa susunod na linggo."

Hindi na rin naman nagtagal ang ginang ng mapagtanto na may pinagkakaabalahang importante ang anak at nakakadistorbo lamang siya rito. Hindi alam ng binata kung ano ang gagawin sa puntong ito. 

Ayaw niyang malaman ng ina ang lahat ng kalokohang pinanggagawa niya. Ayaw niyang magsinungaling rito ngunit ay ayaw rin naman niya na bigla na lang lumayas sa kanila.

Hindi kakayanin ng konsensya niya ang makitang malungkot ang ina. Lalo pa't sila na lang dalawa ang magkasama. 

Iniwan si Rave Ashton at ang ina niya ng kanyang ama noong labing-apat na taong gulang pa lamang siya. Siya na lang ang natatanging pamilya ng ina na nagtatrabaho sa isang law firm bilang isang Paralegal

Ngumiti ng peke ang binata habang hinahawakan ang regalo ng ina at pinahiran ang mga luha gamit nito. Lumabas ang binata at ngumiti ng malaki sa kanyang ina na naghahapunan. 

Dumiretso siya sa banyo para doon maghilamos at ng hindi mahalata ng kanyang ina ang kanyang pagiyak.

#

8:23 pm

Habang kumakain ng masigla ang ginang ay sinalubong siya ng maraming mensahe galing sa mga katrabaho niya at ng isang tawag galing sa pinakamalapit sa kanya sa trabaho. 

"Nakita mo na ba yung balitang kumakalat tungkol kay Ashton?" bakas sa boses ng tumawag ang pag-aalala.

"Hindi, bakit ano iyon?"

"Nag send ako ng link para malaman mo ang sagot sa tanong mo."

Sabi ng nasa kabilang linya saka pinatay ang tawag, nanginginig ang kamay ng ginang na pinindot ito at hindi makapaniwala sa nabasa at mabilis niyang pinunasan ang mga luha ng marinig ang pagpihit ng door knob ng anak, sinyales na lalabas ito sa kuwarto.

 Hindi man sinabi ng ginang ngunit ay nakita niya ang lungkot sa mga mata ng anak habang tumingin ito sakanya ng mga ngiti sa mga labi na kanyang sinuklian ng parehong ngiti. 

Ng dumiretso ang kanyang anak sa banyo ay mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang luha ng ginang at kanyang niligpit ang pinagkainan. 

Habang hinuhugasan ito ay hindi alam ng ginang kung paano kakausapin ang binata, hindi sinasadya ng ginang na mahulog ang baso na hinuhugasan, nabasag ito at mabilis niya namang hinugasan ang mga kamay na may sabon para pulutin ang nabasag na baso. 

Akmang pupulutin niya na ito ng inunahan na siya ng kanyang anak na halatang kakahilamos lang ng mukha. Agad naman na umiwas ang ginang at pinilit na hindi maiyak sa harapan ng binata, pumunta siya kaagad sa sala at pinaandar ang telebisyon para pakalmahin ang sarili.

Isang Binata ang tinaguriang ng gahasa sa kanyang sariling guro at pumatay sa kanyang kaibigan na napag-alaman kanikanina lamang--

Agad namang pinatay ito ng ginang at matiim na pinagmasdan ang kanyang anak na pinupulot ang bawat parte ng nahulog na baso. 

Pinilit nitong ngumiti habang nakatingin rito, "M-ma, alam mo na no?" Tanong ng binata na may pagpiyok sa boses. Mabilis namang tumayo ang ginang at nilapitan ang kanyang anak saka biglaang niyakap.

"Hindi ka ba natatakot sa akin ma?"

"Hindi, at hinding-hindi ako matatakot sa iyo. Saka, nagsisinungaling lang naman sila diba? Diba anak, alam ko na hindi mo kayang gawin ang mga iyon."

Sabi ng ginang na hindi parin napigilan ang sarili na mapaiyak. "Paano kung sabihin ko sa iyo na totoo yung nakalagay sa balita, hindi ka pa rin ba matatakot?" Humiwalay ng kaunti ang ginang sa pagkakayakap sa binata saka tumango rito.

"Rave, anak kita at kahit pa anong nagawa mo legal man yun o hindi. Hindi nito mababago ang katotohanang ina mo ako at hinding-hindi ako susuko sayo." 

Mas umiyak lamang ang binata habang niyayakap ang ina, "Sorry ma, patawad. Ni hindi ko man lang naisip kung ano ang magiging reaksyon mo o kung ano yung pwedeng mangyari, pasensya kung--"

"Hindi, ako dapat yung humingi ng tawad, patawad kung parati akong wala. Sorry Rave, alam kong mahirap pero gagawan ko to ng paraan."

#

10:22 pm

Ng mas lumalim ang gabi ay napag-isipan ng binata na ituloy ang kanyang naunang balak. Tahimik siyang pumunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo, hindi siya nagdalawang isip na turukan ang sarili ng anesthesia sa katawan at saka sinaksak ang sarili sa may tiyan at sa kanyang dibdib. 

Hindi man lang siya napasigaw sa sakit na dulot nito ng dahil sa epekto ng anesthesia. Mabuti na ito ng hindi niya magising ang inang natutulog ng mapayapa.

#

9:54 pm

Lumabas ang ginang sa kanyang kuwarto para makipagkita sa kanyang kaibigang abogado para sakaling tulungan siya sa kaso na haharapin ng kanyang anak. Nagkita sila sa isang 24 hour cafe malapit sa bahay niya.

"Mahihirapan tayo sa kasong ito, ang tanging mapapayo ko lang muna sa'yo ay yung hayaan ako na makita at makausap ang anak mo para malaman ko ang storya niya. Sa narinig ko pati ang natatangi at nag-iisang witness ay namayapa na rin at walang CCTV footages na nakuha sa lugar, sa madaling salita imposible na makalaya si Rave at ang tanging pwede ko lang maitulong ay yung babaan ang oras niya sa kulungan."

Matapos ng ilang minuto pang pag-uusap ay napagkasunduan na ng dalawa ang umuwi dahil sa gabi na rin ay hinatid na lang ng kaibigan ang ginang sa bahay nito at tuluyan ng nagpaalam.

#

10: 52 pm

Dumiretso ang ginang sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ng makita ang kulay pulang likido na dumadaloy palabas ng banyo nito. Pilit na iniwasan ng ginang ang mga maling iniisip at pumasok sa banyo. 

Nanlumo ang ginang sa nakita, pinilit niyang gisingin ang binata at naramdaman na wala ng pulso ito. 

Hindi alam ng ginang kung ano ba ang dapat na gawin. Siguro nga ay nababaliw na siya ng dahil sa mga nangyari sa araw na ito. 

Nakaupo sa upuan na pinanag-masdan ng ginang ang katawan ng anak na nakahandusay sa sahig ng kanilang banyo at puno ng dugo ang paligid nito ng walang malay siya pumunta sa liblib na parte ng kanilang bahay. 

Agad niyang kinuha ang lubid na naka sabit sa gilid nito at hinanda ang dapat gawin at habang umiiyak at inaalala ng ginang ang masasayang memorya kasama ang anak at ang mabilis na sandali ng kanilang huling pagyayakapan--buo na ang desisyon niya. 

Sinipa niya ang upuan na kinatatayuan at hindi rin nagtagal, namaalam na rin siya sa mundo kasama ang kanyang anak.

Bloody Crimes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon