22 Pebrero 2019
Jasper
Iba talaga ang kutob ko sa mga nangyayari, lalo pa na lumabas na ang semen examination na isinagawa ni Faye sa suspek sa paggahasa at pagpatay kay Marianne Sumalang at ng hindi pa nakikilalang biktima. Tumugma ito, kung kaya't mas naging malaki ang kutob ko na magkakaroon na ng sagot sa aming mga katanungan.
Una na akong pumunta sa staff room ng eskwelahan, partikular na sa departamento ng high school kung saan nagtuturo si Marianne Sumalang. Walang masyadong guro ang nandidito maliban sa isang nakatutok sa computer at ang punong guro sa sarili niyang opisina.
"Magandang araw po!"
Masiglang bati ko sa punong guro at siya namang pag tango lang nito na para bang naiintindihan niya na kaagad ang pakay ko. Iginaya niya lamang ako sa upuan sa harapan ng kanyang mesa, "hindi na po. Nais ko lang naman na malaman kung may estudyante po ba na nawawala o hindi na pumapasok."
Nakita ko naman ang pagkadismaya ng mukha niya sabay ang pag-iling niya. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit para tapikin ang likod ko nang bahagya, "patawad na kung hindi ako masyadong makatulong. Gustuhin ko man, ngunit wala rin akong alam. Marami ng estudyante ang hindi na pumapasok at kadalasang walang pasabing lumilipat na lang ng eskwelahan."
Hindi na rin naman ako nagpumilit pa sa kanya. Siguradong marami rin ang laman ngayon ng utak niya lalo pa na kakaunti na lang talaga ang mga makikita mong estudyante sa bawat silid na papasukan mo. Naglakadlakad pa ako nang mas matagal. Nilibot isa-isa ang bawat silid na makikita at madadaanan. Isang silid ang nakakuha sa atensyon ko. Room 7- Section 1 kung saan isang upuan lamang ang may puwang. Kumatok ako sa may pintuan para makuha ang atensyon nila lalo na ng isang lalaking propesor. Napatingin ang lahat sa akin, lalo na ang propesor, nakuha ko na ang atensyon nila. Wala namang pagdududang lumapit sa akin ang propesor at nagpaalam muna sa mga estudyante.
"Magandang araw! Ano po sana ang kailangan niyo?"
Naguguluhan pero kalmadong tanong niya. Maaaring inakala niya na isa akong magulang o kaya naman ay kapatid ng isa sa mga estudyante niya.
"Magandang araw rin sa iyo. Ako nga pala si Jasper Fuentabella, isa akong detektib, gusto ko sanang malaman kung meron ba kayong estudyante na hindi na pumapasok sa klase."
Pagsasaad ko. Kaagad niya naman akong naintindihan at bumalik sa silid nila at nagpaalam na sa kanyang mga estudyante baka matagalan pa ang paguusapan naming dalawa. Iginaya niya ako sa upuan malapit sa mesa kung saan siya naka upo sa kanilang staff room, "yung totoo, merong isang estudyante na hindi na nga bumabalik sa mga klase ko. Marahil baka napagod lang lalo pa na malapit na ang finals. Para sa isang STEM student na graduating, maraming pwedeng mangyari."
Patango-tangong pag saad niya habang kumukuha ng isang parang libro na bagay mula sa ilalim ng mesa niya.
Yearbook.
"Baka maka tulong ito, baka maging mas madali ang trabaho mo."
Natigilan kaming dalawa dahil sa isang pagkatok sa may pintuan. Isang binata ang nakatayo dala-dala ang libro saka pumasok at umupo sa katabi kong upuan nang walang pag aalinlangan.
"Mr. Taylor, ano ang kailangan mo?"
Nag buntong hininga naman ang binata. Hindi purong pinoy ang itsura niya, base narin sa apelyido niya na sinabi nang profesor na suspetya ko ay Fabio Vallente ang pangalan na naka lagay sa desk kung saan ako ngayon naka upo, katabi ang binata.
BINABASA MO ANG
Bloody Crimes (Completed)
Mystery / ThrillerA teacher and a student, both raped and murdered on a different day, with suspicions of having the same suspect, two detectives tries to solve the case and somehow starts to discover something more. story written in filipino.