Nagaalalang pumunta sa ospital si Andrea. Ngunit bago pa man siya makapasok doon ay napahinto siya sa tunog ng kanyang teleponong selular. Tumatawag ang kasamahan niyang si Niel. Hindi naman siya nag dalawang isip at sinagot ito.
"Niel, napatawag ka?" Tanong ng dalaga at pinatuloy na ang paglalakad.
"Dre, kailangan mo atang pumunta dito."
"Ha? Bakit? Anong nangyayari?" Sunod-sunod niyang tanong. "May Jasper Fuentabella bang dinala dito?" Tanong niya sa babae sa reception area.
"Sandali lang po ma'am," mahinang sabi ng babae at nagsimula ng mag type sa computer doon. Tumango lang naman si Andrea sa babae at numiti.
"Niel?" Muling tanong ni Andrea sa kasamahan ng hindi pa rin ito sinasagot ang tawag.
"Tatawag ako ulit," yun lang ang sinabi ni Niel at saka naputol ang tawag.
Napakunot naman ang noo ni Andrea, sigurado siyang may problema. Binaliwala niya lang ito dahil mas nag-aalala siya kay Jasper. Sigurado naman siya na kung may problema ay nandoon naman ang iba niya pang kasamahan para tumulong.
"Nasa operating room pa po yung hinahanap niyo po ma'am," sabi ng babae sa reception at saka nagpatuloy sa pagturo kay Andrea ng direksyon papunta doon.
Ng makarating siya doon ay nakita niya ang isa niya pang kasamahan na nagdala kay Japer dito. They saluted at each other and sat down. May dalawang upuang pagitan sa dalawa.
"Malala ba?" Tanong ni Andrea.
"Malalim raw yung sugat at natamaan raw yung atay kaya kinailangan niyang operahan, gagawin naman raw nila lahat ng makakaya, magtiwala lang tayo."
Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay lumabas na ang doktor na siyang nag opera ka Jasper. They all greeted each other, pagkatapos 'nun ay pinaliwanag na ng doktor ang nangyari. Sinabi niya na wala ng dapat na alalahanin, kailangan na lang nilang maghintay na mawala yung anesthesia sa katawan ni Jasper.
Pumunta sila sa ward kung nasaan si Jasper. Ngunit bago pa man makarating doon ay tumunog nanaman ulit ang telepono ni Andrea. Agad niya itong kinuha, pinauna niya na lang na pumasok sa loob ang kasama at nagpaalam na may gagawin muna siya. Hindi naman na nagtanong ang kasama siya at pumasok na lang.
Parang kailangan mo munang pumunta dito.
Sabi sa text ni Niel. Napakunot naman ang kilay ni Andrea at pumasok sa ward para tignan si Jasper saglit.
"May gagawin ka pa ba?" Tanong ni Andrea.
"Wala na po, bakit po?"
"Pwedeng ikaw na muna magbantay kay Jasper. Pinapatawag ako e, kailangan ko ng umalis."
BINABASA MO ANG
Bloody Crimes (Completed)
Mystery / ThrillerA teacher and a student, both raped and murdered on a different day, with suspicions of having the same suspect, two detectives tries to solve the case and somehow starts to discover something more. story written in filipino.