Amira's POVIlang araw na rin ang nakakaraan simula nang matanggap ko ’yong Card na ’yon, pero hanggang ngayon wala pa rin namang nangyayari.
Pananakot lang yata ang alam nila eh.
Nung araw ding ’yon itatapon ko na sana ’yong card kaso nakita ni Zils at Sandy kaya wala na akong nagawa kundi ikwento sa kanila kung saan nanggaling ’yon.
"Oy Mirs, tinatanong ka ni Miss M." Nabalik ako sa sarili ko nang kulbitin ako ni Zils.
"Ms. Salvador?" tawag sa ’kin ni Ms. M.
"Po?"
"Nakikinig ka ba Ms. Salvador?" tanong ni Ms. M. Naku! Strict pa naman ito. Ganoon ba talaga kapag matandang dalaga?
Badtrip naman."Kung nakikinig ako eh ’di sana ho nasagot ko na ’yong tanong niyo kanina pa." Seryoso kong sabi na ikinagulat naman niya. Aba, atleast nag “ho” ako, magalang pa rin.
"What?" gulat niyang tanong.
"Nagpatingin na ho ba kayo ng tenga niyo? Mukhang nabibingi na ho kayo eh." Nagsitawanan ang mga kaklase ko maliban dun sa limang boys. ’Yong dalawang bruha naman nagpipigil ng tawa.
"Ikaw bata ka, hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal? Mukhang nagkulang sila sa pagpapalaki sa ’yo ah." Napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit di mo sila tanungin?" Seryoso kong sabi sabay kuha ng bag ko at naglakad palabas ng pinto. Narinig ko pang tinawag ako nung dalawa pero hindi ko na sila nagawang lingunin. Nawalan na ako ng gana.
Feeling ko babagsak na ’yong luha ko.
Ba’t gano’n? Ang konti lang naman ng sinabi ni Ms. M. pero ang laki ng epekto sa ’kin.
Lalo na ’yong part na nagkulang sila sa ’kin.
Oo, nagkulang sila sa ’kin. Feeling ko nga ang layo na ng loob ko sa kanila.
Hindi na ako sanay kapag nandyan sila. Nasanay na kasi ako na hindi sila kasama. Pero si kuya Mike close pa rin naman kami.
At parang okay na kay kuya ’yong mga nangyari noon eh.
I feel that they’re hiding about something at aalamin ko ’yon.
Actually, mababaw lang talaga ang luha ko pero nagagawa ko naman siyang pigilan kapag kaya ko.
Dinadaan ko na lang sa pag ngiti o pag tawa para di halata, ’di ba?
Relate ka ba? Aminin mo, pag nasasaktan ka, itinatago mo na lang ang sakit sa pamamagitan ng pag ngiti o pagtawa mo ’di ba? ’di ba? Sagot!
Minsan mas maigi pang hindi ka nila makitang nasasaktan, umiiyak, dahil gagamitin nila ’yong kahinaan mo.
Wag mong ipakita sa kanila na mahina ka, be strong.
Masabihan ka pang OA, kainis lang, alright?
*Boogsh*
Dalawa kami ngayong nakaupo sa sahig dahil sa pagkabunggo namin sa isa't isa.
"Ah.. sorry!" sabi ng isang babae.
Tumayo na ako pero nanatili pa rin siyang nakaupo at nakatitig sa ’kin.
Nakakaawa naman kaya inabot ko na ’yong kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. Tinanggap naman niya, dapat lang, wala pang sinoman ang nakakapagreject sa ’kin ano! Except to my family.
Nang makatayo siya ay tumalikod na rin ako at naglakad palayo.
"Salamat!" Rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya pinansin at naglakad na palayo.
YOU ARE READING
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Teen FictionJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any trouble. And now, she want to live with a normal life. Without fighting with others, without a mess. She wanna be a normal teen now. But how i...