CHAPTER 9: S. Fire

433 55 0
                                    


Arzila's POV

"Zils, una na ako." Nabalik na lang ako sa sarili ko ng tawagin ako ni Ch- Jeff.

Tumango na lang ako nang hindi pa rin tumitingin  sa kaniya hanggang sa tuluyan na nga siyang makalabas ng infirmary.

Sa tuwing makikita ko ’yong pagmumukha niya bumabalik ’yong sakit ng nakaraan eh.

"Anong drama yan ha?" tanong sa ’kin ni Mirs.

"Uso naman ang salitang “move on” ba’t hindi mo subukan Zils? Dali, try mo lang." Sandy said sarcastically.

"Tigilan niyo nga ako." Humiga na lang ako dito sa kama at itinaklob sa mukha ko ’yong unan. "I'm sleepy!"

"Okay, sweet dreams." Pang aasar ni Sandy at nagtawanan lang ’yong dalawa. Hinayaan ko na lang sila.

Naalala ko tuloy ’yong kanina sa Cafeteria.

**Flashback**

"Hey guys, hindi niyo man lang ako ni-inform na may trouble pala dito. Abot pa ba ak---" Naputol ang sasabihin nung lalaki nang sumigaw si Sandy.

"Jeff?"

Wait.. Jeff?
Tumingin ako sa lalaking nagsalita. Oh My Gosh! Si Jeff nga. Si Ch-Chester, ’yong bestfriend ko na iniwan ako.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Ang laki lalo ng ginwapo niya.

**Lab dub, lab dub**

’Yong puso ko, feeling ko sasabog na.

"HUWAG!" nabalik na lang ako sa sarili ko dahil sa pagsigaw ni Chester este Jeff na umecho sa loob ng Cafeteria. Sanay lang talaga akong Chester ang tawag sa kaniya, I miss him so mu-

Nagulat na lang ako ng makitang nakahundasay sa sahig si Amira.

"Amira!" sigaw namin ni Sandy.

Napanganga na lang ang lahat sa nangyari.

Hanggang sa nagulat na lang muli ang lahat ng buhatin ni Kevin si Amira.

"Ang tagal niyo kasi eh, nakakahiya naman sa inyo." Inip niyang sabi at dirediretsong lumabas ng pinto para dalhin si Amira sa infirmary.

"Let's go, Zils." pag aya sa ’kin ni Sandy at inalalayan akong tumayo, kaso...

"Ouch!" Inda namin ni Sandy ng sabay kaming mapaupo dahil nawalan kami ng balance.

Napatingin samin ’yong mga lalaki pati si Ches- Jeff.

"Are you both okay?"

"Yeah, we’re okay!" sagot ko.

Tumalikod na ’yong mga lalaki hanggang sa tuluyan ng makalabas para sundan sina Kevin.

"Oh Zils, are you okay?" May pag aalalang tanong ni Sandy nung matutumba sana ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Yeah, I’m fine. Let's go!" sagot ko sabay ngiti.

Nagulat na lang ako ng makitang papalapit sa amin si Jeff at...

At umupo sa harapan ko.

"What are you doing?" may pagtatakang tanong ko.

"Sakay."

"Huh?" Tinitigan ko lang siya.

"Ano? Hindi ka pa ba sasakay at tititigan mo lang ako hanggang sa matunaw ako?"

"No, I can handle myself."

"Zils, sumakay ka na nga h’wag ka nang mag inarte d’yan." Inis na sabi ni Sandy.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now