CHAPTER 23: New Group of Gangsters

323 38 0
                                    

Amira's POV

Nang maka pwesto na kami ay nagsimula na muli ang laban.

Takbo.. talon.. palo
Takbo.. talon.. palo

Paulit ulit lang ang ginagawa namin. Nakakapagod.

Pag dating ng bola sa amin ay agad kong pinalo ’yon pataas para sa pagkakataon na si Sandy ang papalo. Malakas na pagpalo ang ginawa ni Sandy na siyang ikinatuwa namin dahil hindi nasalo ng kalaban namin kaya lamang na ang score namin sa kanila.

"Good job, Sandy!" sabi ko kay Sandy na tinanguan lang ako.

Tumingin ako sa mga kalaban at nakita ko ang pagkadismaya ni Kevin.
Panigurado naiinis na siya. Akala niya ha.

Nakita kong pinalo ni Jeff ang bola at pumunta ’yon sa direksyon ni Zils na pinalo naman ni Zils papunta sa kalaban na pinalo naman ng malakas ni Kiel at sa lakas ng pagpalo niya ay walang nakasalo sa amin ng bola. Malayo sa akin ang bola dahil nasa center ako.

May ibubuga din pala sila pagdating sa volleyball. Akala ko pang basketball lang sila eh.

Nadagdagan na nga ang score nila. Napatingin ako kay Kevin na ngayon ay nakangisi. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Nag uunahan lang kasi talaga ang score namin.

Isang score nalang ang kulang nila at malalamangan na nila kami.

Ni-serve ni Kevin ang bola at pinalo ko naman, pinalo ni Zach pabalik sa amin na pinalo naman nung isa sa member namin ngunit hindi nakapasok hanggang sa madagdagan na ulit ng isa ang score nina Kevin kaya pantay na ang score namin.

Last na ito. Kung magawa nilang maka score ulit it means sila na ang panalo, pero kung hindi nila magawa eh ’di panalo na kami for sure.

Syempre hindi naman kami papayag na matalo kami ’no.

Nagsimula na ulit ang laban.

Ni-serve ng kalaban ang bola na nasalo naman ni Zils, pinalo niya ’yon at pinalo naman pabalik ni Kiel tapos pinalo naman ni Sandy at pinalo naman pataas ni Niel na handa na para paluin ni Kevin kaya tumalon ako ng mataas para salubungin ang pagpalo ni Kevin sa bola na pinalo ko naman ng buong lakas ang bola pabalik sa kanila. Nasilaw pa ako sa sikat ng araw kaya napapikit ako nang pinalo ko ang bola.

Nakaramdam ako ng pagod kaya napaupo ako.

*Kriiing*

May nanalo na.

"Yes, panalo tayo!" sigaw ng mga taong nasa paligid ko na nagsasaya dahil sa tuwa.

Pero ako? Ninanamnam ko ang lamig ng sahig. Nakaupo pa rin ako. Nakakapagod pala talagang kalaban sina Kevin.

"Congrats, girls!" Masayang sabi ni Prof.

Panalo pala kami. Natalo namin sina Kevin.

"Oh Mirs ba’t naka upo ka pa d’yan? Okay ka lang?" tanong ni Zils.

Iniabot naman ni Sandy ang kamay niya sa akin para tulungan akong tumayo at tinanggap ko naman ’yon. Baka mamaya magtaka pa sila kung bakit hindi pa ako tumatayo, ako lang kasi ang nakaupo eh.

Sa totoo lang nahihirapan akong huminga pero syempre hindi ko pinapahalata. Feeling cool pa rin dapat.

Naglakad kami papunta sa pwesto namin kanina at umupo.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now