Sandy's POVNandito kami ni Zils sa dorm habang si Amira naman ay nagpaalam kanina na maglilibot libot lang daw sa labas. Nabobored daw kasi siya eh.
Nagbabasa si Zils ng wattpad habang ako ay nag lalaptop.
Nang maboring ako ay inaya ko si Zils na lumabas para hanapin si Amira.
Nang makalayo na kami ni Zils sa dorm building ay tsaka naman siya nakaramdam ng pag ihi kaya dumiretso kami sa cr pero hinintay ko na lang siya sa labas.
Habang naghihintay ako kay Zils ay may isang grupo ng mga babae na akala ko ay gagamit ng comfprt room but they stop in front of me na ikinataas ng kilay ko.
Tiningnan ko ang mga mukha nila na sobrang kapal ng make up.
"Oh the transferee. You’re a friend of Amira, right?" tanong ng isang babae na maikli ang buhok.
"Yes, I am."
"I heard kinalaban niyo daw ang Demonic Eye?"
"You know what, you have potential. Why don’t you try to join in our group? By the way, I’m Thea." Sabi nitong babaeng maikli ang buhok at iniabot ang kamay niya pero hindi ko tinanggap. Sino ba sila? Eh hindi ko naman sila kilala.
"Well, I am NOT interested in your group and even to your name. In short, I don’t really care. So, pwede na kayong umalis." Seryosong sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata nila na tila nagulat. Ano ba ang nakakagulat sa sinabi ko. Ayoko sa lahat iniistorbo ako.
"Hindi mo ba kami kilala? We are the Dark Angel Gang and you? Bago ka lang dito. So watch your words, bitch."
"I don’t care who really think you are, bitch and Dark Angel? Tss, Evil will do." Nakangisi kong sabi para mas mainis sila.
"Nagkamali ka ng binangga, bitch" sabi niya at sisipain niya sana ako pero nakailag agad ako. I know it will happen.
"At nagkamali ka ng kinalaban, bitch." Sabi ko naman sa kaniya sabay ngisi at mabilis ko siyang sinipa and I know na hindi niya inaasahan na gagawin ko ’yon kaya tumalsik siya ng konti at napaupo. Nice one, Sandy.
Sinugod ako ng dalawa niyang alipores at tinulungan naman siyang tumayo nung isang babae. Apat kasi sila eh. So four vs. one. Sisiw lang ang mga ito ’no. Ang dami na namin nina Mirs at Zils nakalaban pero heto pa rin kami, buhay na buhay.
Pinagtutulungan na nila ako ngayon.
May humigit sa buhok ko mula sa likod kaya hinigit ko ang braso niya papunta sa unahan ko at binalibag siya.
Sinipa ako nung isa kaya napaupo ako.
Teka, bakit parang ang tagal yata ni Zils mag cr. Nasama na ata sa flash ’yon ah.
Tumayo ako at sumugod sa kanila kaso lahat sila pasugod din sa ’kin. Eh eksaktong nasa may basurahan ako kaya kinuha ko ’yon at inihagis sa kanila. Akala niyo ha.
Puro basura na sila ngayon kaya tumitili na sila sa kaartehan.
"’Yan, mas bagay sa inyo ’yan. Ang gandang design." Proud kong sabi sa kanila habang nakangiti dahilan para mas mainis sila. Tumingin ng masama sa akin si Thea ba ’yon? Pero nabaling ang tingin ko sa nagsalita.
"Sandy? Anong nangyayari dito? At kayo, sino kay---"- Naputol ang sasabihin ni Zils dahil...
"Ugh!" Pag inda ko ng maramdaman ko na may tumusok sa tagiliran ko at napatingin ako kay Thea na nakangisi ngayon pati ang mga alipores niya.
"Be thankful dahil ’yan lang ang nakuha mo. Magkikita pa tayo." Sabi niya at umalis na kasama ang mga alipores niya.
Kinuha niya talaga ang pagkakataong nakatingin ako kay Zils. Humanda kayo Dark Angel.
YOU ARE READING
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Teen FictionJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any trouble. And now, she want to live with a normal life. Without fighting with others, without a mess. She wanna be a normal teen now. But how i...