Amira's POV
*BLAG*
Nagulat kami ng biglang kumalabog ng pinto at bumukas kasabay ng pag pasok ng isang lalaki.
Si Kevin ba 'to?
"Mr. Steeford, your late again!" Ms.V.
"Obviously!" Kevin said sarcastically.
Nalaglag 'yong ballpen ko na nakapatong sa desk, nasagi ko kasi ng kamay kaya pinulot ko.
Nang makuha ko na 'yong ballpen ay umayos na ako ng upo. But I was shocked when I saw Kevin standing in front of me, pero syempre chillax lang ako.
"What?" I ask seriously.
"It's my territory, so back off." He said seriously while pointing the chair.
"Lahat na lang ba teritoryo mo?"
"Of course."
Lahat ng atensyon ay nasa amin na naman.
"Well, do you know about "first come first serve"? Sa susunod kasi agapan mo. H'wag kang pabagal bagal." Sabi ko habang pinaglalaruan ko 'yong ballpen sa kamay ko.
"Well, hindi uso sa akin 'yon. But do you know the word "mine is mine"?"
"Oh, sorry?! I thought that was a sentence not just a word." Pang iinis ko sa kaniya.
"Ugali mo ba talaga ang mang agaw ng isang bagay na hindi sa 'yo, o sadyang ugali mo lang talaga ang maging isang harang sa daan ko?" may pag iinsultong sabi niya. "O baka naman ugali mo lang talaga ang magpapansin sa mga gwapong katulad ko?"
What the? Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Eh ang pangit pangit naman niya and wow lang ha lakas ng confidence.
"Excuse me? Hindi kasi isang tsonggong katulad mo 'yong tipo ko eh. I'm not interesting about you but don't worry, ikaw naman 'yong pinakagwapong tsonggo na nakita ko." Nagulat siya noong una dahil sa sinabi ko pero nabawi naman agad niya 'yong ganoong reaksyon.
Tahimik ang lahat, walang nagsasalita maliban sa amin.
Nagulat ako ng hampasin niya 'yong arm chair ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Nakatitig lang din siya sa akin, halatang nagpipigil.
"Aalis ka o aalis ka?" seryoso niyang sabi at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Pero nilabanan ko lang 'yong tingin niya. Akala niya siguro magpapatalo ako, pwes nagkakamali ka boy.
"NONE of the above." Sagot ko habang nakikipaglaban pa rin ng tingin sa kaniya.
"Aalis ka o kakaladkarin kita?" Matigas niyang sabi. "Okay, madali naman akong kausap eh." Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at hinila patayo dahilan para mapatayo talaga ako. Ikaw ba naman ang higitin. Ang sakit kaya. Puputulin 'ata nito ang braso ko eh.
Ba't ganito ang kamay niya? Ang bigat, parang 'tulad nung dati, ang higpit ng pagkakahawak niya.
Pero seryoso pa rin ang mukha niya, as in walang emosyon.
Ang hirap niyang basahin.
Hindi ko pinahalata na nasasaktan na ako. Kaya ngumisi lang ako.
"Tss, ang lambot mo namang humawak dude. Tell me, are you gay?" Pang aasar kong tanong sa kaniya.
Sasagot pa sana siya nang biglang bumukas 'yong pinto at iniluwa si Ms. V? Lumabas pala siya kanina? Hindi ko napansin, kaya pala walang sumasaway sa 'min kanina.

YOU ARE READING
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Teen FictionJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira has always been close to any trouble. And now, all she wants is having a normal life. Without fights, without any mess. She wants to be a normal teen now. But how it will...