Chapter 48: Painful

227 16 0
                                    


Amira's POV

"Kinikilabutan ako sa mga nangyayari at sa pwedeng mangyari." Rinig kong sabi ni Zils.

"Seriously?" tanong ni Sandy kay Zils.

"Kung anu-ano na kasi ang naiisip ko. Masyadong malawak yung mga imagination ko. Hindi maganda." sabi ni Zils.

Papunta kami ngayon sa Hospital kung saan dinala si Kienna. Kotse ni Sandy ang gamit namin at siya rin yung nagdadrive. Kinulit namin si Jeff kagabi para malaman kung nasaang hospital si Kienna. Gusto ko siyang makita. Nag aalala ako. Sino kaya ang may gawa noon kay Kienna? Ako kaya talaga ang pakay nila? Pero imposible dahil pwede naman nila akong barilin o batuhin ng kutsilyo nung natamaan nila si Kienna. Hindi kaya ayaw nilang malaman ko yung susunod na sasabihin dapat ni Kienna sa 'kin? Tama, si Kienna nga ang target nila para hindi siya makapagsalita. Pero sino ang gagawa noon? Sino ang nag utos noon?

Posible kayang si Karlo Steeford?

Kaya bang saktan ng isang ama ang sarili niyang anak? Pero bakit naman niya gagawin 'yon? Para sa pansariling kapakanan?

Ang isang anak na babae ang kahinaan ng isang ama.

Ano ang dapat kong malaman, Kienna?

"We're here."

Bumaba na kami sa sasakyan nang makarating kami sa Hospital. Nakasalubong pa namin si Kiel at Zach.

"Where's the room of Kienna Steeford?"

"Anong ginagawa niyo d---?" tanong ni Kiel.

"Where?" seryoso kong tanong.

"Room 105. Second floor." sagot ni Zach.

Naglakad na ako papuntang elevator habang kasunod ko naman yung dalawa.

Naabutan namin sa labas ng room 105 si Niel at Jeff.

"Amira, anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ni Niel.

"How's Kienna?" balik kong tanong.

"Stable na ang kalagayan niya, wala na kayong dapat ipag alala." sabi ni Jeff.

"Ano ba talagang nangyari?" naguguluhang tanong ni Niel. "Nagawa mo ba talaga 'yon kay Kienna?"

"Sa tingin mo?" balik kong tanong.

"Wala namang kasalanan si Mirs. May sasabihin lang kasi si Kienna kay Mirs kaya sila nagkita kahapon." sabi naman ni Zils.

"So, anong sinabi ni Kienna?" tanong ni Niel.

Biglang nag ring yung phone ni Jeff.

"Huh? Paakyat na?.. Sige sige."

"Paakyat na daw si Kevin sabi ni Kiel. Kailangan niyo nang umalis." sabi ni Jeff.

"No. Hindi kami aalis." matigas na sabi ko.

"Pero galit sa 'yo si Kevin, baka kung anong magawa nun sa 'yo."

"Hindi ako natatakot."

"Amira, h'wag na makulit."

"Mirs, alis na tayo. Okay naman na daw si Kienna eh." pag aaya ni Zils.

"Ano bang kinakatakot niyo?" tanong ko sa kanila.

"Mahirap na. Ayaw namin ng gulo." sabi ni Jeff.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Where stories live. Discover now