Amira's POV
Napatingin ako sa paligid ko at halos manlumo ako sa nakita ko.Anong... Paanong... Bakit?...
Hindi... Hindi ito pwede... Hindi ito maaari.
Sinong may kagagawan nito? Bakit... bakit nila kailangang gawin ito? Ano bang kasalanan ng mga estudyanteng ito at nangyari sa kanila ang mga bagay na ’to? Anong kasalanan ng pamilya ko sa mga taong gumawa nito? Wala silang awa.
Kitang kita ng dalawang mata ko ang mga estudyanteng nakahandusay ang katawan at wala ng buhay.
Nag iiyakan na rin ang lahat dito dahil sa mga nakikita nila. May mga galos ng sugat pa ang iba.
Nanlambot ang mga tuhod ko sa nakikita ko. Puro dugo.
Ang kaninang mga puting lamesa na ngayon ay kulay pula na. Ang mga estudyante na kanina’y nagkakagulo dahil sa kasiyahan, ngayon ay nagkakagulo na dahil takot. Ang kaninang masasayang estudyante, ngayon ay naliligo na sa sarili nilang dugo. Ang kapaligiran na kanina’y makulay, ngayon ay nangingibabaw na ang pula.
Nakakalungkot isipin na ang isang kasiyahan ay magdudulot pala ng labis na kalungkutan. Ang daming nadamay sa kaguluhang pinasok ng pamilya ko.
Bakit kailangang mag sacrifice ng mga taong wala namang alam sa kasalanang ginawa ng ibang tao?
At ang pinakamasakit pa ay ang wala man lang akong nagawa para iligtas sila. Pero sisiguraduhin kong magsisisi sila. Kung sino man ang may kagagawan nito.
"Mirs, are you okay?" Napatingin ako kay Zils na nagtanong habang akay akay siya ni Sandy. May mga galos din sila.
Pati ang mga kaibigan ko ay nadamay. Kung dati pa lang sinabi na sa akin nina dad ang totoo eh ’di sana nakapaghanda ako. Eh ’di sana maiiwasan mangyari ang mga bagay na ’to. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang may kagagawan nito. Magbabayad sila sa ginawa nila.
"Sandy, ayos lang kayo?" Rinig kong tanong ni Jeff pero hindi ko na lang sila pinansin.
Napatingin ako sa labas kung saan may isang lalaki na nakatayo at itim na maskara. Alam kong nakatingin siya sa ’kin tulad nung lalaki kanina. Pero mukhang iisa lang ang taong ’yon.
Hindi ko na pinalampas ang oras at mabilis na tumakbo ako sa direksyon niya.
Narinig ko pang tinawag ako nina Sandy pero hindi ko na sila nagawang lingunin.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa lalaking ito habang tumatakbo ako papunta sa direksyon niya. Naglalakad lang siya kanina at ngayon ay tumakbo na rin kaya pinagpatuloy ko ang paghabol sa kaniya.
Lumiko siya kaya lumiko rin ako.
"Sino ka ba? Bakit mo ’to ginagawa? May kasalanan ba ’ko sayo?" Sigaw ko dahilan para tumigil siya. Ngayon ko lang napansin na nasa gubat pala kami at ngayon ko lang rin napagtanto na naka gown at naka heels pa rin ako. Sinong mag aakalang mapapalaban pala ako ng ganto ang suot ko? How nice? Sa totoo lang sanay naman talaga ako makipaglaban eh dahil nga sinanay ako nina dad simula bata pa lang ako. Kaya pala. Now I know pero sana sinabi na nila sa ’kin lahat.
"Ikaw, wala, pero dahil Salvador ka damay ka na."
"Bakit? Ano bang kasalanan ng mga Salvador sa ’yo?"
"Desperada ka na talaga ’no? Well, madami. Mahirap kung iisa isahin ko pa."
"Pero bakit dinamay niyo pa ang mga estudyante dito?"
"Pag aari ng Salvador ang University na ito ’di ba? So malamang sa malamang, damay damay na." Sabi nya sabay ngisi.
"At talagang hindi kayo naawa sa mga inosenteng estudyanteng ’yon ano?"
YOU ARE READING
Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|
Teen FictionJune 13, 2020 Rank #1 Unreliable June 3, 2023 Rank #1 wpawards Amira had always been close to any trouble. And now, she want to live with a normal life. Without fighting with others, without a mess. She wanna be a normal teen now. But how i...