Chapter 18: Baguio Again

16.2K 183 56
                                    

Zoey's POV

"Good morning ma'am Gen." Bati ng mga staff habang naga-almusal ako sa hotel restaurant. Inoobserbahan ko ang mga guests at mukhang satisfied naman sila sa service. Inilapag nila ang Eggs Benedict at fresh Arabica Coffee sa table ko. "Enjoy your breakfast ma'am Gen. Just let us know if you want anything.", sabi ni Elaine, isa sa mga waitstaff. 

"Thank you Elaine." Maya-maya pa, nagsibabaan na sila Dani at Carol. Bukas pa dadating sila Reg at Rick dahil sa trabaho at mamaya naman darating si Ram. "Oh kain na kayo. Gusto niyo ba ng Eggs Benedict?", tumango sila at kumuha ng pagkain sa breakfast buffet. 

"Bakit ang aga aga naka-corporate ka na?", tanong ni Dani. 

"Alangan namang naka pambahay ako diba? I'm not here for a vacation, technically I'm still working." 

"I see, ang sarap ng food oh my gosh. Anong itinerary natin today?"

"Uhm, pwede niyong ikutin ang buong camp sa umaga. I can only join you in the afternoon, may meeting ako sa staff ng 10 am. May horseback riding diyan at paintball." 

"Ang boring naman kung kami lang. Hintayin ka nalang namin. We'll just hang out in the pool this morning. Sa makalawa na siguro yung paintball kapag nanjan na yung mga boys para mas masaya."

"Okay, kayo bahala." Nag-almusal na kami. Nagulat ako nang biglang may mga nagsibasag. Pinuntahan ko agad 'yung mga 'yon at nakita ko ang isang staff na dumudugo ang kamay. Pumunta ako kaagad sa nurse station at naabutan ang nurse na nakikipag-tsimisan. 

"Mr. Arvin, hindi mo ba narinig 'yon?", tanong ko sa nurse na nabigla. Get some bandages, may sugat siya. Nagmadaling binitbit ng nurse ang first aid kit at pumunta sa kung saan nangyari ang incident. 

Hindi ba sila attentive dito? I mean, ganito ba sila pagdating kay kuya Carlo? Binabantayan ba talaga ni Kuya Carlo mga tao niya? Nang humupa na ang sitwasyon at nawala na ang atensyon ng mga guests doon sa aksidente, kumalma na rin ako. 

Napansin nila Dani ang inis kong mukha. "Huy, ang aga aga galit ka na." 

"Hindi kasi sila attentive eh. Nagtsi-tsimisan pa." 

"Girl, okay lang ba? Sobrang iksi ng pasensya mo ngayong mga nakaraang araw ah."

"Ha?" Totoo ba? Hindi ko namalayan na ganoon na pala tingin nila sa akin. "Paano mo nasabi?"

"You're becoming the scary Gen again."

"You know me, I've always been like this."

"Uhm no. You handle situations like this with grace.", sabi ni Dani at tumango si Carol. Huminga ako ng malalim. "Are you thinking about Nathan again? Sabi ko kasi sayo lumayo ka na kay Paige eh. You don't have to be good with her. You can actually tell her the truth that you and Nathan dated before and its awkward that you and her to be friends. Hindi mo kailangan magpaka-plastic."

"Aside from her being Nathan's girlfriend, she's okay. She's a very nice girl."

"Really?" Tumango ako. 

"Bakit mo ba sinasaktan sarili mo? Just cut ties with her and move on girl. You know that being friends with her will just make things worse!", sabi ni Dani na dahilan para magtinginin sa amin ang ilang nasa kabilang table. 

"Alright, I get it. I'll tell her after all of these are through. Next year na okay? Let's just enjoy the holidays.", sabi ko na may pilit na ngiti. 

"Good morning girls." Nagulat ako nang lumapit sa amin ang isang lalake. Inalis niya ang shades niya. 

"Ram!", bati ko. "Akala ko ba mamaya ka pa?" 

"Napaaga dating ko eh, though di ako pinayagan mag early check in kasi may naka check in pa sa room ko."

"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon