Zoey's POV
Nag mall ako para mag shopping ng mga damit na gagamitin ko sa Baguio. Puro mga pang-mainit kasi ang damit ko na dala. Nasa Korea lahat ng winter clothes ko. Malamig sa Baguio ng ganitong panahon.
"Ate Gen?" lumingon ako at nakita ko si Paige na may dalang mga shopping bags. "It's you!"
"P-paige!" Tumingin ako sa paligid pero mukhang wala siyang kasama. "Ikaw lang?", tanong ko.
"Yes, my boyfriend can't join me today ate eh. You know naman he's busy. Sayang di ka naka attend sa birthday ko, ipapakilala ko sana siya sayo."
"Ah, yeah sayang." Sinusubukan ko siyang iwasan pero sunod siya ng sunod sa akin at nagk-kwento. Nagyaya siyang mag lunch at wala na akong naiwang palusot para sabihin sakanya. As long as hindi ko sila makikita ni Nathan na magkasama, okay lang.
"So ate Gen, when's the wedding?"
"Huh? Wedding?"
"Oh, there's this rumor kasi with you and Kuya Ram."
"No, no- we're just good friends.",sabi ko at uminom nalang ng juice. I thought I could mask my pain with my superiority complex but its not enough.
"I see. Ate, if you don't mind me asking, wala ka bang boyfriend ngayon? I mean, you are Gen Mercado, men are literally falling in line to court you." Maraming nanliligaw at nagpaparamdam pero hindi ko sila pinapansin.
"Career muna kasi ako ngayon."
"Ganon ba? Ako ate, tanggap ko naman nang I'm not fit to be an heir of the company. I'm not that smart, that's why I'm going to focus on being a good wife."
"Wife?"
"Yes, when Nathan and I will be married." Parang may bloke na nakatakip sa lalamunan ko nang sinabi niya 'yon.
"Ikakasal na kayo?" Are you stupid Zoey? You're digging your own grave!
"Well there's really no date yet but, we'll eventually going there."
"D-did he propose? Parang bago palang kayo magkakilala ha?"
"Well, we're already talking about it and actually proposal nalang niya ang hinihintay ko. Hindi naman dapat pinapatagal ate eh. And we really think that we are fit for each other." Para akong mahihilo pero kailangan kong ipakita na okay lang ako.
"I'm gonna go to the bathroom.", dali-dali akong pumunta sa CR para umiyak. Apat na buwan. Apat na buwan lang may bago na siyang gustong pakasalan?! Ano ba ako para kay Nathan? Nag retouch ako ng make up para hindi halatang umiyak ako.
Lumabas ako at nakita kong may katabi si Paige na lalaki. Likod lang ang nakikita ko. Babalik na sana ako sa table nang nakita kong hinalikan niya 'yung lalaki sa harap niya. Si Nathan ba 'to? Napa-hakbang ako patalikod nang nakita ko ang side niya. Si Nathan nga.
Lumabas ako ng restaurant at naglakad lang. Wala akong pakialam kung may mabangga ako kung pinagtitinginan akong umiiyak. Wala akong paki-alam. Dali-dali akong pumunta sa kotse ko, buti nalang iniwan ko na 'tong mga pinamili bago pa man din kami kumain.
Wala na si Nathan.
Nathan's POV
Nagulat ako nang bigla akong hinalikan ni Paige. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at ngumiti siya.
"Okay, what is that? Hindi ba sobrang bilis nito?"
"Nathan, it's just a kiss. I'm just trying if there's a spark. Ang pogi mo ngayon eh.", sabi niya at tumawa. Pinunasan niya ang labi ko at inalis ang lipstick.
"How was it?"
"Don't ever do that again."
"Sorry sorry. Not gonna happen again."
"Asan na 'yung kasama mo?"
"Hindi ko nga alam eh, busy kasi 'yun kaya baka natawag sa office. Ano? Tara na? Nakapag impake ka na ba? Pick me up early in the morning para makapag side trip pa tayo."
"Okay.", hinatid ko na siya sa bahay niya kasama ng mga pinamili niya.
"Can I leave this in your car?", may itinuro siyang paper bag na may box ng sapatos."Since you're my boyfriend na, there should be something that I own in your car." Natawa ako sa sinasabi niya.
"Whatever.", Iniwan ko ang paperbag sa likod ng sasakyan.
"Kidding, gagamitin ko 'yang sa Baguio. Iwan ko na diyan." Pagkatapos namin magpaalam sa isa't isa, dumeretso na akong umuwi at nag-impake na rin.
There's a lot of memories of me and Zoey in Baguio. This is where she agreed to be my girlfriend. This is where we had our first fight. This is where I realized that I really like her. But I can't afford to avoid this place for too long just because of her.
I have to face it.
BINABASA MO ANG
"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)
Teen Fiction"When two hearts are meant for each other, no distance is too far, no time is too long and no other love can break them apart." Matapos ang ilang taon ay nagkita silang muli, pero sila pa rin ba hanggang huli?