**Currently on edit
Nathan's POV
Tumawag ang papa ni Zoey. Ino-offer na bilhin ang company.
"Nathan, you have to consider this."
"Tito, kung ganon din lang po, isasara ko nalang."
"Why are you so afraid of selling this to us? We are helping you!"
No you're not, you're making me look like a loser. How can I face the family that I love with pride especially that I feel like I owe them something. Nakakasakal. Nakakainsulto.
Tinapos ko ang usapan, wala na akong pakialam kung nainsulto siya. Maya-maya tunawag na sa akin si Zoey.
"Love, bakit naman ganoon ang sagot mo kay Dad. He called me."
"Zoey, he insulted me."
"Nathan, hindi ganoon si Dad, baka mali lang naintinidhan mo."
"Alam mo, magsama sama kayong lahat." Binaba ko ang telepono at binagsak sa kama. Humiga ako at tinitigan ang ceiling.
Kabi-kabila na ang mga news articles tungkol sa pagkalugi ng kumpanya. Marami ring hate comments and kung anu ano pa. Umabot sa nahalungkat lahat ng baho ng pamilya namin.
Tumayo ako nagpalit ng pang jogging. Alas syete na ng gabi, tumakbo ako sa subdivision ng tatlong beses at sinunukang alisin sa isip ko ang problema. Bago ako umuwi, dumaan ako sa may 7/11 para bumili ng beer.
Nasa may dakong refrigerator ako nang nakita ko ang isang medyo hindi katangkarang babae na pilit inaabot ang gatas na nasa top deck ng ref. Naawa ako sakanya at inabot ang gatas.
"Miss ako na.",sabi ko at inabot ang gatas.
"Thanks.",sabi niya.
"No problem.",sagot ko.
Umupo ako sa upuan sa labas at ininom ang beer ko. Maya maya ay may umupo sa harap ko.
"Sinong may dahilan ng alak mo ngayong gabi?"
"I'm sorry Miss, but I want to be left alone.", sabi ko ng maayos.
"Okay, sungit." Tumayo siya.
"Are you new here? This is the first time I have seen you."
"No.",sabi niya at naglakad na palayo. Inihiga ko ang ulo ko sa braso ko at nakatitig sa sahig. Kanina pa tumutunog ang telepono ko, ayaw kong tignan kung sinong tumatawag. Si Zoey? Si Mama? Mga empleyadong may masama nanamang balita?
Nagulo ako sa pag-iisip nang may umupo sa harap ko. "Miss, sabi ko gusto kong-", iniangat ko ang ulo ko at nakita si Mr. Carenas na nakaupo sa harap ko.
"Girl problems?", sabi niya na may ngiti. Umiling ako.
"How did you find me?" Tumawa siya.
"Sabi ko naman sayo may mga solusyon 'yang mga problema mo. All you have to do is ask."
"Hindi ko magagawa 'yon kay Zoey. I love her."
"Nathan, Nathan, Nathan. Do you think your father married your mother out of love? Do you think people like us marry for love? Kung naniniwala ka don, it's time for you to wake up to whatever fairy tale you're living in now."
"My Mom loved my Dad." Tumawa uli si Mr. Carenas.
"I abandoned the love of my life to save my company and I never regretted my decision. She married someone she really loved and I got to be the richest Construction Company Owner. Everything became okay."
BINABASA MO ANG
"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)
Teen Fiction"When two hearts are meant for each other, no distance is too far, no time is too long and no other love can break them apart." Matapos ang ilang taon ay nagkita silang muli, pero sila pa rin ba hanggang huli?