"Sa wakas at binitbit mo rin yang kapatid mo, Guanlin." masayang-masayang bungad ni Woojin nang makitang dumating na si Guanlin habang nakaakbay sa nakasimangot na si Kaizer na halatang napilitan lang sumama.
"Darling, these are my friends here in Seoul." nagsimulang ipakilala ni Guanlin isa-isa ang mga kaibigan nya. Mukha namang hindi interesadong makinig si Kai.
"Tara na sa amusement park!" masayang sigaw ni Daehwi.
"Diba sine muna tayo?" singit ni Daniel.
"Teka, wala pa si Jihoon at Jinyoung." sabi ni Sungwoon kaya napatahimik ang lahat.
'What? Kasama yung gay?' isip ni Kai. Di nya inaakala na kasama pala sa barkadahan si Jinyoung.
"Andito na ako!" tumatakbong bati ni Jihoon. Napalingon sya sa pwesto ni Kaizer at Guanlin. Nakipag-apir sya sa magkapatid. "Buti napilit kang sumama ni Guanlin, Bilbilq?"
"Yeah. Walang lusot lahat ng dahilan ko sa kanya eh." napatawa ang iba dahil sa sagot ni Kai. Napangisi naman si Guanlin.
Lumapit si Jihoon kay Kaizer at umakbay. "Dalas-dalasan mo na pagsama samin ah? Para naman mag-enjoy ka sa pag-stay mo dito sa Seoul."
"Galawang Jihoon oh!" pang-aasar ng mga hyung nyang madudumi ang utak.
"Ayan na si Jinyoung!" announcement ni Seungwu na may pagturo pa sa papalapit na si Baejin.
Nakangiting tumakbo palapit sa pwesto ng barkada si Jinyoung. Nang mapatingin sya sa gawi ng magkaakbay na Jihoon at Kaizer, unti-unting nawala ang ngiti nito pero hindi nya pinahalata at tumingin nalang sa ibang direksyon.
"Ano? Tara na! Hahahahaha!" masayang sabi ni Jaehwan saka naunang tumakbo.
***
Nasa pila sila para bumili ng ticket. Horror daw ang panunuorin. Akala mo naman, matatapang. Mga bayot naman.
"Etong dalawang 'to, hindi mo na mapaghiwalay." bulong ni Jisung sa taong pinakamalapit sa pwesto nya, which happened to be Jinyoung.
"Girlfriend kasi ni Jihoon hyung si Kai." bulong ni Jinyoung pero hindi sya narinig ng hyung nya. Nabusy sa pagbibilang ng tickets eh.
"Oh, pasok na!"
"Yung popcorn ko!"
"Ikaw nga magdala netong inumin."
"Bakit kasi dala-dalawa yung bitbit na popcorn?"
"Partida, large pa. Hahahahaha!"
Nagkagulo ang lahat. Unahan na sa pagpasok sa sinehan. Magkatabing naupo si Jihoon at Kai sa bandang gitna sa unahan ng iba kaya kung titingnan mo yung dalawa, para silang magsyota.
"Hyung, saan ako?" tanong ni Jinyoung na syang huling pumasok dahil pinabili ulit sya ni Seungwu ng popcorn.
"Sa tabi ni Kai, may bakante pa." pagturo ni Minhyun sa katapat na upuan sa unahan nya.
Nagdalawang isip pa si Jinyoung kung uupo ba sya o hindi. Napilitan na rin syang umupo sa tabi ni Kai dahil magsisimula na ang palabas.
Habang nanunuod, hindi maiwasan ng mga bayot na mapatili dahil sa gulat at takot. Nangingibabaw ang boses ni Jaehwan na laging naka-high pitch.
Pasulyap-sulyap naman si Jinyoung sa katabi nyang si Kaizer. Wala man lang reaksyon sa mukha ang dalaga at patuloy lang sa pagkain ng biniling popcorn ni Jihoon.
"Omo, jinjja!" sa sobrang focus ni Jihoon sa pinapanuod, pati mismo sya, nagulat at napakapit sa braso ni Kai kaya tumapon ang hawak nyang inumin dahil iinom sana sya. "Ay, hala sorry, Bilbilq."
"Nah, it's okay." kalmadong sagot ni Kai habang pinipilit punasan ang damit nyang namantsahan na ng cola.
"Wala akong panyo dito, baby." nag-aalalang sabi ni Jihoon.
"Ayos lang, Jigoo."
Nagulat naman si Jinyoung sa tinawag ni Jihoon kay Kaizer. Kanina pa sya nakikinig sa usapan ng dalawa at nang maalala nyang meron syang panyo, kinuha nya ito mula sa bulsa nya at iniabot kay Kaizer.
"Oh, thanks." sabi ni Kai nang hindi man lang tinitingnan si Jinyoung.
Natapos ang movie nang walang naintindihan si Jinyoung at bagot na bagot na naglakad palabas ng sinehan.
"Anyare dun?" tanong ni Daehwi at nginuso si Jinyoung na nauna nang naglakad palabas ng mall.
"Selos ata." nakasmirk na sagot ni Woojin habang nakatingin kay Jihoon at Kai na walang kamalay-malay sa hulihan.
"Mga kabataan nga naman." napapailing nalang si Jisung dahil sa inaakto ng mga bata.
"Mga hyung, may gusto ba si Jinyoung hyung kay Sabel?" inosenteng tanong ni Guanlin. Kunwari, walang kaalam-alam sa paligid.
"Ano sa tingin mo, bunso?" Minhyun patted Guanlin's shoulder.
"Eh? Kakikilala lang naman ni hyung kay Sabel about a week ago ah?" confuse na tanong ni Guanlin. Ang sarap lang kurutin ng pisngi ng batang ito.
"Ewan lang natin." pagkibit-balikat ni Daniel at naglakad na palabas ng mall.
Nauna nang lumabas ang iba pero wala pa si Jihoon at Kaizer kaya naghintay muna sila, tutal maaga pa naman.
"Ayan na sila!" napatayo si Daehwi nang makita nya ang dalawa na naglalakad na papalapit sa pwesto nila.
"Bakit ang tagal ninyong dalawa makalabas ng mall? Nagdate pa ata kayo eh." nakapamaywang na talak ni Jisung kay Jihoon at Kai na kalalabas lang ng mall.
"Binilhan ko lang ng damit si Isabelle. Natapunan ko kasi ng softdrink yung damit nya kanina sa sinehan." paliwanang ni Jihoon.
"Amusement park na tayo!" excited na sabi ni Daehwi.
BINABASA MO ANG
"Because I'm Kaizer Isabelle." • Bae Jinyoung FF
FanfictionIn which, Kaizer Isabelle is such a hard-headed young lady wherein President Bae Jinyoung fall for her the first time he saw her. But then there's her cousin who like Jihoon that much but fell for Jinyoung eventually. Story format: •epistolary •narr...