wanna forty

66 11 0
                                    

J I N Y O U N G



Mga walangyang hyung ko, iniwan akong mag-isa dito sa kusina para hugasan yung mga pinagkainan namin ng hapunan. Ang dami kaya nito tapos wala pang tumulong sakin. Sinamahan ko na nga si Guanlin mamili kanina eh. So unfair, man!

Habang naghuhugas ng mga pinggan, hindi ko maiwasang isipin si Kaizer.

I wonder, umamin na kaya si Jihoon hyung sa kanya? May chance pa kaya ako kung sakaling sabihin ko na gusto ko sya? Gumawa na kaya ako ng move? Matagal ko nang pinag-iisipan 'to kaso wala akong lakas ng loob gawin. Aish.

"Uy, liit ulo." pinitik ni Jisung hyung ang noo ko.

"Mukha ko lang yung maliit, hyung, hindi yung ulo." I complained.

Inilagay ni Hyung dito sa lababo yung baso na ginamit nya. "Ilang beses na akong dumaan-daan sa tabi mo, di mo parin ako napansin? Iba 'to, Baejin. Anong iniisip mo?"

"Wala naman, hyung." mabilis kong sagot.

Tumango-tango naman si Hyung and patted my shoulder. "Pagkatapos mo dyan, sumunod ka na dun sa sala. Inuman na."

Nagdadalawang-isip pa ako kung mamadaliin ko ba 'tong hinuhugasan ko o hindi na dahil ganun din naman, baka pagdating ko sa sala ubos na lahat ng soju. Tambak kaya yung hugasin, kakasimula ko lang dito oh.

Kumanta-kanta nalang ako habang naghuhugas ng plato. Wala eh. Bored. "I miss you so much, ijeseoya neukkyeo uri gonggan. I miss you so much, ireoke nunmuri naneunde wae nan..."

"...mollasseulkka." napalingon ako sa likod dahil may narinig akong nakisabay sa pagkanta ko.

And there, I saw Kaizer Isabelle while crossing her arms over her chest na nakasandal sa pinto ng kusina.

"Why did you stop singing?" nagsimula syang lumakad palapit sakin. "Your voice is somewhat nice. It fits on my favorite song. Continue."

Favorite song? Favorite nya yung Beautiful ng Wanna One? It's my favorite too. Destiny na ba 'to?

Wait up. Narinig nya akong kumakanta? Did she just compliment me? Nakakabakla pero puta kinikilig ako.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman, nagsimula nang maghugas ng pinggan. "Y-Yah. Ako na ang maghuhugas ng mga plato. Pumunta ka nalang dun sa sala."

"Nah. I can manage. It's my house, anyways. Just sing for me." sabi nya habang patuloy paring nagbabanlaw ng mga plato.

Bakit ba hindi ako makakilos ng maayos? Magkatabi lang naman kami ah? Bakit bigla-bigla namang bumibilis ang tibok ng puso ko? This is gayshit.

"Ano na?" huminto sya saglit sa ginagawa nya at humarap sakin at iwinagayway ang kamay nya sa harap ko.

"Uh..." Bakit natatahimik ka, Baejin? Ang bakla mo! Salita-salita rin pag may time!

Napansin ko namang hinahawi nya yung mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nya using the back of his palm. Nahihirapan syang ilagay sa likod ng tenga nya yung mga buhok dahil may sabon ang kamay nya.

I unconciously lifted up my hand para iipit sa likod ng tenga nya ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nya.

Mukha naman syang nagulat dahil medyo nanlaki ang mga mata nya. Why so cute, Kai?

"Ehem." sabay kaming napalingon ni Kaizer sa pinto. Si Daniel hyung. "Matatapos ka nga sa ginagawa mo, Baejin."

Nakangising dumiretso sa ref si Hyung para kumuha ng yelo. If I know, nilulumot na naman ang utak nyan.

Lalabas na sana sya ng kusina pero parang may nakalimutan sya at bumalik. Lumapit sya sakin at bumulong. "Amin-amin din pag may time. Enjoy sa moment nyo."

Sinipa ko yung likod ng tuhod nya bago sya makalayo sakin but he just laugh all his concerns out. Sira ulo talaga si Daniel hyung. Paano kaya sya natagalan ni Ong hyung?

"Yah. What did he say?" nagulat ako nang magsalita si Kaizer sa tabi ko.

"Ah, t-tapusin ko na daw yung ginagawa ko dito. Baka daw ubusan nila ako ng soju." pagdadahilan ko.

Nagpatuloy lang sya sa paghuhugas ng plato. Tinulungan ko naman sya para mabilis matapos.

"Jinyoung."

Napatingin ako kay Kaizer nang bigla nya akong tawagin. "Hmm?"

"I just wanna know," she started. "How will you know that you already liked someone."

Muntik ko nang mabitawan yung plato. Hindi ko inaasahang itatanong nya yan sakin. May nagugustuhan na kaya sya? Si Jihoon hyung kaya?

"Uhm. Ano, masaya ka kapag nakikita, nakakausap or nakakasama mo sya." nag-isip pa ako para naman hindi kahiya-hiya yung maging sagot ko kung ganito lang kaikli. "Lagi mo syang iniisip at gumagawa ka ng paraan para mapansin ka nya. Plus, namimiss mo sya kahit isang araw palang kayong walang communication."

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin lang sya sakin. Ako naman, pinagpapatuloy lang ang naghuhugas ng plato para hindi ganun kaawkward. Ayoko ring makita nya yung pamumula ko. This is really so gay.

"Tapos minsan, kapag kaharap mo sya, mahihiya ka nalang bigla pero hindi mo ipinapahalata dahil dapat cool ka lang." kagaya ng ginagawa ko ngayon. "Kapag tumatawa sya, hindi mo namamalayan na sumasabay ka na pala sa kanya. Natutulala ka minsan kapag malapit sya. Kung ano yung mood nya, minsan ganun ka din. Yung mga ganun."

"Very well said, Mr. President." she smiled. "Your ears were red. I'm pretty sure, you're in love. Am I right?"

Inilagay ko na sa lagayan ang huling plato na hawak ko. Nararamdaman kong sinusundan nya ako ng tingin. Aish!

"Ah—"

"Darling! Oh, hyung." Hay, Guanlin! Thank goodness you came. "Are you done washing the dishes?"

Binuksan ni Guanlin ang ref at kumuha ng tatlo pang bote ng soju. "Tara na dun sa sala. Gusto maglaro ng mga gurang. Mag-truth or dare daw tayo."

"Because I'm Kaizer Isabelle." • Bae Jinyoung FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon