wanna twenty-one

77 11 1
                                    

Continuation...


Nang makarating na sila sa amusement park, nagkanya-kanya na sila ng takbo at pila sa mga gusto nilang rides.

"Akala ko ba, bonding 'to? Bakit naghiwa-hiwalay na?" naiiling na tanong ni Minhyun and grabbed Jaehwan somewhere.

"So I'm stuck with you again." sabi ni Kaizer kay Jihoon. Silang dalawa nalang ang natirang nakatayo sa entrance ng amusement park.

"Bakit? Sawa ka na ba sa gwapo kong mukha?" nagpogi-sign pa si Jihoon.

"You're not handsome, you're cute for Pete's sake." Kai pinched Jihoon's nose bago nya ito hilain papasok sa amusement park. Nadaanan nila si Jinyoung na nakatayo lang, di kalayuan sa entrance.

"Uy, Baejin! Wala ka bang kasama?" Jihoon approached Jinyoung.

"Wala eh. Nagtatlo-tatlo sila. Naichapwera ako." Jinyoung answered, scratching his nape.

"Then let the three of us go as a group." Kai suggested. Somehow, Jihoon doesn't like the idea of his bestfriend. Iba ang pakiramdaman nya sa ikinikilos si Jinyoung ngayon.

Nagliwanag ang mukha ni Jinyoung. Pag-angat nya ng paningin, naalala nyang kasama nga pala ang Jihoon hyung nya. 'What am I thinking?'

Wala nang nagawa ang dalawang lalaki nang higitin sila ni Kai papasok sa amusement park. "What ride you want to try first?"

"Roller coaster!" Jihoon and Baejin answered in unison. Napatawa nalang silang dalawa saka naghi-five at umakbay pa si Jinyoung kay Jihoon. Winkdeep <3

'I thought, si Panlin lang ang nilalandi nitong baklang 'to. Even my bestfriend? Geez.' napapangiwi si Kai sa mga iniisip nya tungkol kay Jinyoung.

Pumila na sila para makasakay sa roller coaster, mabilis lang naman silang nakasakay dahil konti palang ang nakapila. Nakita rin nila ang maknae line na nakapwesto na sa unahan ng roller coaster. Tuwang-tuwa si Guanlin na nakapagitna sa excited na sina Daehwi at Woojin.

Pinagitnaan ni Jihoon at Jinyoung si Kaizer. Nang magsimulang umandar ang roller coaster, kinuha ni Jihoon ang kamay ni Kai at inintertwine sa kanya at napangiti sa isa't-isa.

Napatingin naman si Kaizer kay Baejin na mukhang kinakabahan. Kinuha ni Kai ang kamay ni Jinyoung at inintertwine din sa kanya. Nagulat naman si Jinyoung sa ginawa ni Kai pero ngumiti lang ang dalaga.

Nakita ni Jihoon ang magkahawak din ang kamay nina Kai at Jinyoung. Nakaramdam sya ng kirot sa dibdib dahil sa nakikita.

Nagsimula nang bumilis ang andar ng sinasakyan nila at ngayon nasa tuktok na sila. Excited na napabulong si Kai. "Here it comes."

Mabilis na bumulusok pababa ang roller coaster kasabay ng tilian ng mga nakasakay. Napahigpit ang paghawak ni Kai sa mga kamay ng dalawang lalaki na ngayon ay nakataas na sa ere.

Nag-ilang ulit pa ang pagtaas at pagbulusok ng roller coaster. Ganun parin ang nangyayari; sisigaw silang tatlo at biglang magtatawanan.

Sinalubong sila ng tatlong bata pagkababa kaya't naabutan nilang magkakahawak ng kamay ang tatlo. "Love triangle!"

Dahil sa pang-aasar ng maknae line, napabitaw silang tatlo sa isa't-isa at awkward na napangiti.

"Magsama-sama na tayong anim!" suggest ni Daehwi. "Horror house tayo!"

"Tara!" matapang na sagot ni Woojin.

Dahil walang pila sa horror house, nakapasok kaagad sila. Nakakapit naman si Daehwi kay Woojin. Si Jinyoung at Guanlin, hindi namalayan na nakakapit na pala sa magkabilang braso ni Jihoon. Winkdeep vs. Panwink na ba dis? Si Kai naman, matapang na naglalakad sa unahan nila at walang pakialam sa tilian ng mga bayot sa likod nya.

Wala namang gaanong nangyari sa loob ng horror house maliban sa pagtili at panunulak ni Daehwi kay Kaizer na nasa unahan nila kaya mabilis silang nakalabas.

"Ang lakas ng loob mag-aya sa horror house, takot naman." pang-aasar ni Woojin kay Daehwi. "Buti pa si Kai, easy lang."

"Bakit ba? Di ako prepared eh." pagtataray ni Daehwi.

"Eh kayong dalawa? Kelan nyo balak bumitaw sakin? Kayo ah. Napaghahalataan." pang-aasar ni Jihoon sa dalawang nakakapit parin sa braso nya.

'What does he mean? Does Jinyoung really likes Jigoo?' confuse na isip ni Kai.

Mabilis napabitaw sina Guanlin at Jinyoung kay Jihoon at awkward na napakamot ng ulo.

"Winkdeep vs. Panwink eh?" ang lakas talagang mang-asar ni Woojin kahit kailan.

"Kumain muna tayo, mga hyung!" sabi ni Guanlin. Gabi na rin. Hindi pa sila kumakain ng dinner.

Pumunta sila sa mga stall at naabutan rin nila ang iba na nanginginain din. "Oy, mga bata!"

Ayun nga, kumain sila ng sabay-sabay kahit street foods lang yun.

"Hindi ka ba kumakain ng fish cake?" tanong ni Jihoon kay Kaizer na nakaupo lang sa isang tabi while watching her brother's friends.

"Ah, I just don't like the taste." maikling sagot ni Kai.

"Darling, here's yours." inabutan ni Guanlin ng burger ang kapatid tapos humarap sya kay Jihoon. "Hyung, samahan mo ako mag-cr."

"Wait lang, Bilbilq ah. Samahan ko lang si Guanlin. Eat well, okay?" Jihoon ruffled Kai's hair before leaving. Kaizer just nodded dahil puno ang bibig nya.

Minutes passed, nakaramdam ng pagkauhaw si Kai. Wengyang kapatid, nagbigay ng pambara pero walang panulak.

"Here." inabutan ni Baejin ng bottled water si Kai at umupo sa tabi nito. Agad namang uminom si Kaizer.

Natapos nang kumain ang lahat. Yung iba, mga inaantok na at nagsipag-sandalan na sa balikat ng isa't-isa. Hindi pa nila magawang umuwi, hindi pa bumabalik si Jihoon at Guanlin.

"Napano na kaya yung dalawang yun?" nag-aalalang tanong ni Jisung habang pabalik-balik na naglalakad. "Nilamon na ata ng kubeta."

Si Daehwi, nakaidlip na sa balikat ni Woojin. As well as Seungwu to Daniel. Si Minhyun at Jaehwan, magkasandal ang mga ulo sa isa't-isa. Parang mga couple 'tong mga bayot dito.

Maya-maya, nakaramdaman si Jinyoung na parang may tumatama sa balikat nya. Si Kai pala na napapapikit na dahil sa pagod at antok.

By instincts, hinawakan ni Jinyoung ang ulo ni Kai at ipinatong sa balikat nya. Isinandal din ni Baejin ang ulo nya sa ulo ni Kaizer at ipinahinga muna sandali ang mga mata.

&quot;Because I'm Kaizer Isabelle.&quot; • Bae Jinyoung FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon