Chapter Thirteen

40 10 0
                                    


"O? Asan na kayo?" rinig kong tanong ni Farrah sa ear piece.

"Nasa Second Floor ako" rinig kong si Dolley naman

"Ayyy ako din wait lang pumunta ka dito sa akin sa library may weird feeling ako dito e..." Pakinig ko kay Crys

"Sige hintayin mo ako"

*Boogggshhh*

"Teka! Ano yun?" sabi ko dahil nandito ako sa baba at papalapit na sana sa hagdan ng may narinig akong kumalabog.

"May nalaglag dito sa kabilang room katabi ng library.... Parang mabigat siya base sa pagkakabagsak..." Rinig kong sabi ni crys

"Malakas talaga pakiramdam kapag daga e no?" Si farrah

"Hahahahahahahaha"

"Pfffft"

"Pffftt. Ha-ha-ha funny... Tss"

"Tigilan niyo nga yan." sabi ko sa kanila dahil baka may makarinig

"Farrah saan ang daan papunta jaan sa library?" tanong ni Jaziel

"Bakit? Pupunta ka dito?

"Oo titingin ako ng libro baka may maganda dyan."

Anak nang! Nasa mission na kami't lahat lahat nandito pa rin yung katangahan niya!?

"Umayos ka Jaziel babatukan kita. Magbantay ka lang jan sa labas sabihin mo kung may parating."

"Sabi ko nga eh..."

Nandito ako sa baba naghahanap ng mga bantay para matodas ko na at makaakyat na ako sa taas.

Halos nalibot ko na ang buong lugar sa ibaba kaya naman umakyat na ako. As if on cue, i saw a man standing at the dark part of the door exactly next to the stairs.

Kinuha ko ang aking dalang baril it's 'IMI Desert Eagle. na kanina pa nakalagay sa likod sa loob ng jacket ko at sinimulang tahakin ang daan papunta sa pinto kung saan ko nakita ang lalaki.

Pinihit ko ang doorknob gamit ang kanang kamay ko na walang hawak na baril at dahan dahang binuksan iyon.

Nang makita kong walang tao ay pumasok ako sa loob pero nakikiramdam pa rin. Nakaka-tatlong hakbang palang ako ng maramdaman kong may papalapit sa akin kaya mabilis ko itong nilingon.

Saktong pag lingon ko ay ang pagsipa niya sa akin kaya naman tumama ako sa lamesa na nasa gilid nitong kwarto.

"Who are you?" Tanong niya sakin with a husky voice.

"You don't wanna know..."

"I don't wanna know huh? How about seeing your face?" he said sarcasticly while playing with my hair.

Sobrang lapit niya sa akin dahil kinorner niya ako sa lamesa gamit ang kanyang dalawang braso pero hindi ako natitinag mula sa pagkakatayo ko at diretsong nakiki-pagtititgan sa kanya.

"You don't wanna see too..." i said at him sarcasticly too

"Oh... If that's the case... Go see my bullet then?" naka ngising saad niya sa akin at inilabas niya ang baril niya at itinutok sa sintido ko.

Bago pa man niya maikalabit ang gatilyo ay mabilis ko nang itinutok sa kanya ang baril ko at pinaputukan siya sa tiyan.

Sinigurado ko rin na medyo malapit sa bituka niya ang tama pero hindi sakto para naman mahirapan siya unti. Well, you can call me a bad person, i didn't deny it but that's life. Kung hindi ka gagawa ng paraan malamang nasa kabilang buhay ka na ngayon.

Umakyat na ako taas para puntahan sila Dolley.

"P*ste naman tong matandang hukluban na to.. Hindi ko makita yung file..." rinig kong sabi ni Crys.

"Ako nga din e... Wala naman dito sa pinto farrah e..."

Nang makarating ako doon ay agad kong binuksan ang pinto nakita ko silang tatlo na nandoon. Si farrah naghahanap sa Office Table habang si dolley ay sa book shelves. Si crys naman ay naghahanap pa rin sa isang kwarto na kadugtong nitong library.

"Wala pa rin kayong makita?"

"Wala nga first e.."

"Sige hanap na kayo dun sa baba... Ikaw crys ikaw magbantay dun sa likod nakalimutan ko e..."

"Hahahahaha buset ka talaga first 30 minutes na tayo nandito pero ngayon mo lang naisip yan..."

"Sige g*ga mag ingay ka pa para marinig pa tayo...."

"Joke lang.. To naman di na mabiro"

"Lumayas ka na nga..."

Nagkanya kanya na sila ng lakad at ako naman ay iniikot ang paningin ko sa loob ng library. Pumasok ako dun at pumunta sa pinto na kadugtong sa kabila para tignan kung anong meron dun at nakita ko ang napakaraming papel.

Hindi naman siguro ilalagay dito ni tanda yung papel na yun diba? Importante yun e... Mga papeles yun ng lahat ng pag aari niya kaya imposibleng ilagay niya dito yun.

Lumabas na ako at pupunta na sana sa hagdan ng may mapansin akong kakaiba sa kabilang dulo ng hallway kaya naman bumalik ulit ako doon. Nasa gitna kasi ng mag kabilang hallway ang hagdan kaya naman hindi ko ito masyadong napansin.

Pumunta ako sa kaliwa at pinuntahan ang rebultong nakakuha ng atensyon ko. Isa itong rebulto ng isang malaking Lobo na may hawak hawak na ulo ng tao at nakatingin ng diretso sa akin. Pati yung lobo ay feeling ko nakatingin din sa akin.

Yung mata ng lobo ay mayroong mga kulay pula at parang may natuyong dugo sa pisngi nito. Mayroon din itong natuyong dugo sa mga pangil nito pati na rin sa buong katawan nito. Hahawakan ko na sana ang lobo ng may lumabas na laser.

'Gotcha...'

Nakapalibot sa Rebulto ang Laser kaya naman nahihirapan ako. Pero napalitan ng screen ang kaninang mukha na hawak ng lobo at may nakalagay na 'Enter Code.'

5673696......

Code Fail...

267839....

Code Opened...

'Oh yeah!'

Nawala ang mga lasers at nahati sa dalawa ang ang katawan ng lobo nakalagay doon ang isang vault. Kinuha ko agad iyon at iniopen.

647820034....

Nang mabuksan ko ito ay kinuha ko ang limang makakapal na folder na nasa loob at agad agad na ibinalik ulit sa loob ng lobo ang vault at ini activate kong muli ang laser.

"Jaziel?"

"Bakit first?"

"Wala bang paparating?"

"Wala first bakit?"

"Farrah.. Ihanda mo na yung kotse aalis na tayo..."

"Pero hindi pa natin nakukuha yung file..."

"Ako nang bahala..."

"Sige sige..."

"Jaan ka lang muna jaziel dadaanan ka namin..."

"Sige..."

Pababa na ako at papunta na sana sa pinto sa harap nang makita kong nasa dulo ng hagdan si tanda at inaayos ang neck tie niya habang naka yuko.

Umakyat siya sa taas kaya bumalik ako at nagtungo sa madilim na parte ng hallway. Nakita ko siyang kumanan at dumiretso sa loob ng kanyang kwarto.

Every Nerd Has A Demon [ON GOING]Where stories live. Discover now