Nakarating na kami sa tapat ng HQ at nakita namin na nakatambay ang Koni No Ichi sa labas. Kahit na di namin makita ang mukha nila dahil sa mask, alam kong seryoso sila ngayon.
"Uy! Bakit nandito kayo sa labas?" Maligalig na tanong ni Alaric. Agad na nag angat ng tingin si Sora sa kanya na may malamig na mata kaya napatigil sya, Actually kaming lima sa paglapit sa kanila.
"Tsk. Kalahating oras lang kaming naghintay dito sa labas para abangan kayo kasi ayaw ni regina na pumasok kami na hindi tayo kumpleto."
"P-pasensya na." Sagot ni Jax.
Halata ang takot sa mga mata namin dahil hindi namin alam ang kaya nyang gawin. Para sa amin mas nakakatakot yung taong wala kang kaalam alam sa kaya niyong gawin. Hindi tulad kapag may alam ka maaari ka pang makabuo ng plano laban dito pero kapag wala para ka lang nangangapa sa dilim.
Agad na tumayo si Sora at pumasok kasunod ng mga kagrupo nya habang kami ay nakasunod na din sakanila. Kinapkapan kaming lahat ng gwardya sa labas bago kami tuluyang nakapasok.
Pag pasok namin ay nasa loob na ang Board Of Directors kasama si Regina na nasa gitna."Where have you been? You're 30 minutes late!" Tanong nito na nakatingin sa akin. "Something important came up."
"What?! This is imp—" Hindi na natapos ni Regina ang isesermon nya sana sa akin ng sumenyas si Ms.Choi.
"Forget that. Seat and tell me what you noticed."
Umupo kaming lahat sa table at nagkwento ang mga kasamahan namin. Silang lahat ay nagsasalita ngunit iisa lang ang sagot "Nothing Important."
"Sora? Blaze? How about the two of you?" Tanong sa amin ni Mr.Qwerdragsky.
"Do you know Queen Larvadia?" Tanong ni Sora sa Board Of Directors.
"Queen Larvadia? Who is she? What about her?" Nakakunot noong tanong ni Ms.Choi kay Sora. Habang tipong nag iisip namin si Regina. "Queen Larvadia? Hmm... i think i heard it somewhere."
"Oh i remember!" Sabat naman ni Mr. Zack
"What? Who is she?"
"She's King Vendrick's wife! King Vendrick of France." Sagot ni Mr.Zack kay Ms.Choi. Seriously? Anong kinalaman nun? Ang nakita ko lang ay kalansay masyado akong malayo para marinig sila at nasa itaas pa ako ng maliit na bangin.
"And then?"
"She died two years ago."
"Then what's the connection between the mission and Queen Larvadia Sora?"
"Sa gilid ng school ko nakita ang parerecruit. I saw them slitting their own wrists and put the blood at the top of the Queen's Body. I mean, I don't consider it body anymore cause it doesn't have any muscles just bones."
"Is that it?"
"Their black leather jackets have the same sign. An insignia. A skull with a crown and a knife."
"Yun lang ang napansin ko." Dugtong pa ni Sora ng nakitang nag-aabang pa din ng karagdagang sagot mula sakanya si Ms.Kim.
"Okay. Dismiss everyone."
Umalis na kami kaagad pagtapos nyang sabihin yun. Habang naglalakad kami palabas sa HQ ni Regina ay nakita ko si Sora na nagce-cellphone habang naglalakad habang ang mga kasama nya nama'y nasa likuran nya lang. Ang galing lang kung paano nya nagagawang lumakad ng tama kahit na tutok ang mata sa cellphone.