Chapter 25

9 3 0
                                    


Sora's POV

Mabilis na binalik ng lalaki mula sa pagkakasara ang kahon ng napansing pumasok ang limang lalaking nakaitim.

Agad nilang binigyan ng daang ang limang lalaki palapit sa kahon at pumalibot silang muli. Sa pagkakaalam ko ay nagrerecruit lang sila ng members ng gang pero hindi naman ganito? Bakit may kalansay? Bakit may ritwal? Wtf?

Binuksan ng isa sa mga lalaking nakaitim ang kahon at doon tumambad ang isang kalansay na nakahiga at may taklob ng jacket ng
Queens and knights.

"Ito si Queen Larvadia! Sya ang dahilan kung bakit nabuo ang ating grupo! Handa ba kayong ialay ang inyong sarili para sakanya?!" Sigaw ng isang lalaki na isa sa mga limang bagong pasok kanina. Mukhang silang lima ang boss ng mga ito.

"Opo!" Sabay sabay na sigaw ng mga kalalakihang nandoon.

"Kung ganon... Nasaan ang mga bagong miyembro?"

"Nandito po sila boss!" Sagot naman ng isang lalaki at pinalapit ang pitong lalaki sa kahon.

"Handa na ba kayo?!"

"Opo!" Sagot naman ng pitong lalaki.

Naglabas ng kutsilyo ang isang lalaki habang ipinosisyon naman ng pitong lalaki ang kanilang mga pulso sa tapat ng reyna. Hiniwa naman ng lalaking ang pulso ng pitong lalaki at pinatulo ang kanilang mga dugo sa katawan ng kalansay ng reyna.

Jusko po ano ito? Bakit sila gumagawa ng ganpng ritwal?! 

Tahimik kong pinapanood mula sa malayo ang kanilang ginagawa ng makarinig ako ng kalabog mula sa earpiece.

"Arghh! *boogsshh* Bwisit ka!" Boses ni saya (farrah).

"Hoy! Anong nangyayari sayo?" Tanong ni marcus mula sa linya.

"May umatake sakin dito sa cr! Argh! Tatlo sila! Alam nila na nasa paligid tayo umalis na tayo dito!"

"Teka magpatulong ka! Hell? Firefly? Kayong dalawa ang pinakamalapit kay Luci yung iba lumabas na! Hihintayin nalang kayo!" Sabi naman ni lucas mula sa linya.

"Firefly to! Nasa taas ako ng bangin! Bababa pa ako para makapunta sa loob!"

Totoo nga yun dahil may bangin sa gilid nang lugar na yun at nasa gitna ang mga lalaking nagriritwal. Ang tanging daan lang papasok ng eskwelahan ay yung nilabasan ko kanina at nasa kabilang dulo pa yun mula sa bangin.

"Sige ako na bahala. Umalis na kayo susunod kami ni Luci. Scorpion! Ihanda mo ang van sasakay kami lagpas sa cafe." Pabulong kong sagot sa earpiece dahil baka may makarinig sakin.

Patuloy pa din ang ritwal na nagaganap sa gitna at abala ang kalalakihan sa pagluhod habang nakayuko at may inuusal na dasal sa salitang latin.

Sinigurado ko munang walang makakapansin sa akin at mabilis na tinakbo ang pagitan ng lagusan papasok sa pasilyo ng eskwelahan. Dumiretso ako pakaliwa papunta sa cr na pinagpaalaman sa akin ni Saya kanina. Doon ay nakita ko si saya na nakikipaglaban ng hand to hand combat at ang mga armas nya aty sira na. Tumakbo ako habang kinakapa ang shockbuds sa tenga ko at agad na idinikit yun sa lalaki. Sinaksak ko naman sa tagiliran yung lalaking kakatayo lang at agad naman na napatumba ni saya ang kalaban nya. Lima pala ang nandito hindi lang tatlo.

Mukhang alam nila na dadating kami.

          -END OF FLASHBACK-

Nandito na kami sa van papunta sa HQ ni Regina. Agad kaming nakalabas sa eskwelahan kanina ni Saya at nakatakbo papunta sa van namin. Hanggang ngayon ay nakakapagtaka pa din yung nakita ko kaya naman si jaizel nalang ang pinagmaneho ko dahil wala pa din ako sa ulirat.

Every Nerd Has A Demon [ON GOING]Where stories live. Discover now