Trace's POVNandito kami sa harap ng isang abandonadong building at kanina pa kami kinakapkapan nitong mga bodyguards dito sa labas at ayaw kaming papasukin.
"Ano ba!? Pinapapunta nga kami dito ni Regina eh! Bat ba ayaw niyo kaming papasukin!?" Isa pa yang si Faris. Isa siya sa mga kaibigan ko at pinagkakatiwalaan ko pagdating sa gang maliban kay red at reflor. Siya din ang pinaka-mainipin sa amin at pinaka-mainitin ang ulo.
"Pasensya na po.. Ngunit hindi kayo maaaring makapasok sa lugar na ito hanggat wala pa si Mam Regina at dahil na rin sa kadahilanang hindi kayo pamilyar sa amin."
"Gago! Malamang! Ngayon palang kami nakapunta dito eh! Malamang di kayo pamilyar sa amin!" Gigil na sigaw naman ni Walter sa guard. Kaibigan ko rin siya.
Magsasalita na sana ako ng may natanaw kaming mabilis na van na tumatakbo ng matulin papunta sa amin. At dahil ako ang malapit sa kalsada ako ang tatamaan pero nagulat nalang ako ng swabe itong umikot sa harap ko at agad na huminto. Bale ang posisyon ngayon ay kaharap ko ang driver seat.
"Hoy!! Bumaba ka jan! Punye----" Naputol ang iba ko pang sasabihin ng bumaba sa mismong harapan ko ang driver ng van. Si Blood Star. Tinignan niya lang ako at bumaling na siya agad sa guard.
"Good Evening Blood." Sabi ng lalaki sabay yuko. Fuck!? Kilala niya sila?
"Good Evening Miss Blood."
"Good Evening.... Pwede na ba kaming pumasok?" Sa unang pagkakataon narinig ko ang boses ni Blood Star. Hindi ko man nakikita ang buong mukha niya ay nasisiguro ko namang siya ay nakangisi ngunit walang emosyon ang kanyang mga mata. Dahil na rin siguro sa pagtitig ko sa kanya kaya napansin niya ako, agad niya akong binalingan nang tingin at kinausap.
"Hello Mr??"
Inayos ko muna ang sarili at tindig ko bago ako magsalita. "Blaze Haveuni." Sabay abot ko sa kamay ko para makipag kamay sa kanya. Ang pangalan kong yon ay code name ko lang sa underground society. Hindi parin ako pwede na magpakilala sa kanya dahil hindi ko rin naman siya kilala pa ng totoo kahit pa may gusto ako sa kanya.
Nagulat ako ng bigla nyang bitawan ang kamay ko. Doon lang ako nagising sa aking pag iisip.
"I guess you're the Black Carnival Gang's leader?"
"Yes..."
"That's good.. Let's go. Follow me."
Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Kahit na nakikipag-usap siya sa akin wala pa ring emosyon sa kanyang mukha kaya nakakapagtaka lang. Samantalang yung mga kasama niya naman ay hindi ganon at ngumingiti pa nga sa amin.
"Huy! Ano natulala ka na kay Blood Star?" Rinig kong bulong sa akin ni Red.
"Oo nga.." Singit naman ni Walter.
"Hoy! Walang ganon ah!"
"Meron, napansin nga namin yung parang na-a amaze ka habang nakatingin kay Blood Star samantalang wala naman siyang ginagawa." Epal ni Reflor
"Tigilan niyo nga ako!" Sigaw ko sa kanila.
"Hindi pwede dito ang maingay kaya pwede ba? Manahimik tayong lahat?" Malumanay na sabi ngunit nakataas ang kilay na sabi nung tinagurian nilang Blade Girl sa amin.
Sasagot na sana si Faris kay Blade Girl ngunit biglang nagsalita si Blood Star.
"Bago ba kayo dito BCG?"
"Ahh.. Oo eh." Sagot ko
"Kung ganon sasabihin ko sainyo ang mga gagawin sa loob."
"Una, Bawal kang sumingit kapag nag uusap ang mga matataas.
Pangalawa, Palagi kang magbigay galang.
At pangatlo, Hindi pwedeng mag ingay kung hindi ka kinakausap."
"Yun lang naman pala e... Easy.."
Isang mahabang hallway ang dinadaanan nila ngayon at sa pinakadulo nun ay ang isang itim na pinto na may apat na bantay sa labas. Sa bandang kaliwa naman ng pinto ay ang pulang pinto na may dalawang bantay din sa labas.
Lahat nang nadadaanan namin na pinto ay kulay brown at tanging ang dalawang yun ang naiiba. Agad na dumiretso doon si Blood Star.
"Inaasahan ba kayo ngayong gabi?"
"Oo."
"Code name?"
"Sora/ Blood Star."
May tinawagan ang lalaki sa walkie talkie na hawak nya, ilang sandali pa ay agad na kaming pinapasok sa pintong yun. Agad kaming namangha nang mga kasama ko dahil sa ganda ng loob nito. Kung ordinaryong kwarto lang ito sa labas iba naman ito sa loob.
Pagkabukas na pagkabukas mo ng pinto ay bubungad agad sayo ang isang dalawang baitang na hagdan. Sa loob ng kwarto ay may isang malaking chandelier sa taas, isang hagdan sa kaliwang bahagi at mayroong sofa at malaking tv sa baba. Ang taas naman ay tanging bakod lang ang harang kaya makikita ang pitong kwarto na nandoon. Mistulang bahay na ang nasa harapan namin ngayon kaya naman manghang- mangha kami.
Ang sinasabi kong sofa ay parang ang living room at kapag linagpasan mo ito ay makikita mo ang kusina na napakalinis, pati ang tiles ay napakaputi pwedeng pwede ka na magsalamin dun.
"Sumunod kayo sa akin." Nagising ako sa pagmumuni- muni ko ng marinig ko ang boses ng lalake kanina na napag alaman naming butler pala dito.
Huminto kami sa tapat ng isang pinto. Huminto ang lalake at itinapat ang kanyang daliri sa scanner na nakakabit sa nun. Nang mabuksan ang pinto ay nakita namin ang isang napakahabang lamesa na halatang ginagamit tuwing may meeting at sa dulo nun ay si regina na kampanteng nakaupo habang nakaharap sa amin at panay ang hithit ng sigarilyo niya habang naka krus ang braso.
"Good Evening Angels." Nakangising sabi nya sa amin.