Hii chirughvery! Lovelots!❤️
Crystal's POV
Months pass by and everything went smooth. Sometimes we'll fight in the heaven stadium, sometimes we'll have a mission but other than that. Everything's cool... not until today.
Struggling my ass off just so i can pass these people in front of me. It's early monday and i am fucking haggard! Like i know that i shouldn't really care because I'm a nerd here at school and that's normal but the level of haggardness now is different!
It's our Exam Week.
"Woi tumabi ka naman sikip sikip na nga nakaharang pa!" Sigaw sa akin ng babae sa likuran ko sabay tulak sa akin patagilid.
Bwisit naman! Malamang nakaharang ako masikip nga eh siksikan nga diba? Bobo ba to? Tsk!
"Oh my god bahala na.." i whispered to myself before pushing all the people in front of me.
I need to our room! Im late na! oh my gosh!
Ang daming masama ang tingin sakin pero di ko nalang sila binigyan ng attention. Im so late na talaga!
Nakarating na ako sa room and i saw my teacher na papunta pa lang sa room nakita nya rin ako kaya naman tumakbo na ako papasok at inunahan ko sya. She have this rule pa naman na if she comes first in the room then everyone after her are late.
"Ano ginawa mo kagabi bakit late ka? Hmm.." naniningkit ang matang tanong sa akin ni farrah.
"Woi excuse me! Ikaw kaya ang mahilig pumarty at manlalake sating tatlo kaya wag mo kong pagbintangan no!" Sagot ko sakanya sabay irap.
"Ay te? Wala pa akong sinasabi! Masyadong defensive napaghahalataan!" OA na sabi nya sa akin habang nakahawak pa ang kamay sa dibdib at nanlalaki ang mata.
"Yes Ms. Dy? Ms. Colden? Care to share what is it that you two talking about?" Nagulat ako ng may sumigaw sa unahan. Nakatingin pala sa amin si mam.
"Nothing mam! Sorry.." Umirap nalang ito sa amin ni farrah.
After several hours nag dismiss na din para makauwi. Good thing about exam day is yung maagang nagpapauwi. We still have time to make gala. Pagkalabas ng room ay napansin namin na nagmamadali si Elli. Palibhasa mahaba ang bias nya kaya nauuna sya sa amin. Sa aming lahat sya ang pinaka matangkad sumunod si farrah at dolley na magkasing-height, ako at si jaziel na pinakamaliit sa amin. Kaya tuloy halos tumakbo na si jaziel makahabol lang sa amin.
Ang kyut parang penguin. Hahahahaha.
Sa canteen kami dinala ni elli. Grabe makalakad nagugutom lang naman pala. Kung sabagay nakakagutom nga naman talaga yun, wala kasing break na naganap 4 hours straight kami na puro take lang ng exam.
Pagkaupo namin sa table ay may lumapit agad sa amin na tindera sa canteen at naglagay ng pagkain sa harapan namin. Nakakapagtaka?Ayun tuloy at panay ang tingin sa amin ng ibang mga estudyante. Hinainan kami ng iba't ibang ulam at may kanin na din.
"Dianne anong meron? Diba mga nerd yan? Bakit sila pinagsisilbihan?" Rinig kong bulong ng isang estudyante sa kabilang table.
"Ewan ko rin daisy eh." Sagot naman nito habang nakatingin pa sa amin. Di ko nalang pinansin dahil kahit ako di ko din alam. Pinagtitinginan tuloy kami.
"Elli anong nangyayari? Bakit may pa-special treatment?" Ani Dolley kay Elli.
"Oo nga! Diba pang famous lang yung mga ginaganto tsaka may pera." Sabat naman ni jaziel.
Tumingin naman sa amin si Elli bago sumagot. "Oh ikaw na nga ang nagsabi diba? Bakit wala ba tayong pera?"
"Pero mahahalata tayo nito eh." Sabi ni farrah sa kanya. Ngumisi lang sya dito at sumandal sa upuan nya, parang nauubusan ng pasensya. "Farrah, nagpapanggap tayong nerd dito, hindi mahirap."
"Sabi ko nga. Sorry na nga eh." Nakangusong sagot nalang si farrah kay elli. Kahit kailan talaga walang nananalo jan kay elli. Tsk. Ibang klase.
Tahimik kaming kumakain ng dumaan ang grupo nila Cassey. That bitch feeling queen bee ng school. Buti nalang at tapos na kami ng dumating sila. Umalis na kami agad sa lugar na iyon bago pa kami makita ni cassey at mapagtripan. Ang lakas pa naman ng topak ng babaeng yun.
Nakauwi na kami sa kanya kanyang tinutuluyan namin. Sa condo umuuwi si Farrah,Doll at Jaziel habang ako naman ay sa bahay. Si Elli naman, alam ko nasa apartment eh pero for now nandoon sya sa bahay nila tumutuloy. Bumalik kasi ang pangit nyang kuya galing sa ibang bansa kaya nandoon nanaman siya.
Nakipagbatian lang ako kanila mom and dad bago umakyat sa kwarto. 4:30 pa lang ng hapon, medyo maaga pa kaya naman tumawag ako sa group chat namin na umalis mamayang gabi. Kaso nga lang tumanggi silang lahat dahil marami pa raw kailangang i-review dahil first day of exam palang ngayon.
Nag-agree nalang ako sa kanila dahil makatuwiran naman yung dahilan nila. Hayst gusto ko talaga lumabas eh.
Makatulog na nga lang.
Elli's POV
Nasa kotse ako papasok na sana ng village ng mapansin kong may kotseng kanina pa sunod ng sunod sa akin. Nakita ko na tong nakasunod sa akin bago palang ako makalabas sa school gate. Akala ko nagkataon lang pero hanggang dito ay nakasunod pa rin siya.
Mabilis ko niliko ang kotse at iniwasan na pumasok sa village, pinaharurot ko ang sasakyan ko papasok sa squatters area dahil alam kong maraming liko ang lugar na iyon. Pwede ko siya iligaw para makauwi na ako ng matiwasay kung sino man iyon. Tutal naman ay kabisado ko na ang lugar na iyon dahil sa dalas na pagkikita namin ng isang kaibigan.
Pumasok ang kotse ko sa isang magulong kalsada. Napakaraming bata na naglalaro sa lansangan at napakausok dahil sa nagtitinda ng barbecue. May nagtumpukan din na mga kababaihan sa labas ng isang tindahan na halatang nagchichismisan. Nang makita nilang nasa bungad ang sasakyan ko ay agad silang nagsitabi, kilala din ako dito dahil sa kaibigan ko na iyon. Mababait naman ang mga tao dito kaya wala din sa aking problema. Nakita kong nakasunod na naman sa akin ang sasakyan kaya naman agad akong lumiko sa kanan pagkatapos ay lumiko naman ako sa kaliwa na may mas maliit na daanan kaysa sa nauna ngunit mahaba ang daan na ito.
Napangisi ako nang makita ang pangalan ng aking kaibigan na tumatawag. Agad ko itong sinagot tutal naka bluetooth earphone naman ako.
"Elli? Nandito ka daw ah... anong meron?" Tanong nito.
"May sumusunod sa akin ililigaw ko lang. Nandito ako sa Sanduan street."
"Ganoon ba? Sige.. Lumiko ka sa kanan pagtapat mo sa tindahan nila aling eba tapos kumaliwa ka sa pangalawang kanto... kami na bahala jan." Mahabang paliwanag nito. Napangisi ako sa kaniyang sinabi. Baka kung ano nanaman ang gawin nito.
"Wag nyong kuyugin, alamin nyo lang kung sino bago nyo paalisin."
"Sige."
A/N: My eyes are hurting already so i'll just rest a bit then i'll go with the next chapter. Anyways, Stay safe guys!❤️ Always wear a mask and wash your handssss🤘🏽
![](https://img.wattpad.com/cover/136129303-288-k377539.jpg)