Anyway this is for you Ann Zerin14
Thank you for supporting my story. :)))))))Elli
I'm here at the HS now because of the battle. 8:00 pumunta dito pero yung pesteng si farrah ay wala pa. Kanina ko pa siya tinatawagan pero she's busy.
It's already 8:37 deymm!!
Calling Farrah.....
"Hello?" sagot niya nang may inaantok na boses.
"Anong hello?! 8:30 na!! Ang usapan nine dapat nandito ka na! Anong oras na?! Paano ka pa makakapasok ha?!"
"Hala! Sorry... N-nakalimutan ko sige... Sige hahabol nalang ako."
" Bilisan mo! Wag ka ng maligo, tawagan mo nalang ako kapag nasa labas ka. Papasok na ako sa loob."
"Sige..."
*toot-toot-toot*
Pagkatapos kong patayin ang tawag ay sinuot ko na ang aking mask at itinirintas ko ang aking buhok. Naka-make up na ako ng pumunta ako dito kaya naman hindi na problema ang hitsura ko.
Nakasuot ako ng jeans na itim at simpleng t-shirt na itim din. Umibis na ako palabas sa aking kotse at sinimulan ko ng pumasok sa loob ng HS at doon sumulpot si farrah Na mukhang kakagising lang dahil namamaga pa ang mata.
"Hoo! Buti naka abot ako!"
"Tss..."
Mabilis naming naagaw ang atensyon ng iba kaya naman halos lahat ay nag sisitabi kapag dadaan kaming dalawa. Actually, lima talaga kami sa grupo wala lang yung tatlo dahil may family reunion daw sila ng mga kamag- anak nila.
Kami ang gang na Kōni Nō Ichi
First- Elli Kin Pyth/Blood Star
Second- Farrah Dy/'The Blade Girl.'
Third- Jaziel Huxley/ 'The Axe Woman.'
Fourth- Dolley Takahashi/ 'The Barbie Doll.'
Fifth- Crystaline Cate Colden/ 'The Shuriken Tracker.'
Yup. Kasali ako sa gang. Who would have thought right? Sa school inaapi api lang ako pero dito? Ako ang reyna.
"Oh?! Akalain mo nga namang manonood pala ang dalawa sa miyembro ng gang na Ice Blood?!"
Napansin kami ng Emcee doon kaya naman nagsipag lingunan sa aming dalawa Ni Farrah ang mga tao dun pero di nalang namin sila pinansin at nag dirediretso nalang kami papasok sa Bloody Room. (This is just like some kind of a VIP Room.)
Ang room na iyon ay nakalagay sa gilid ng Stadium sa bandang itaas at kitang kita lahat mula sa pwestong iyon dahil wala nang upuan pa sa baba non. Ang mga nakakapasok lang doon ay ang mga Supreme at ang Male and Female Division Rank 1 kaya naman iilan lang ang nakakatuntong doon at yun na ata ang pinakamalinis na lugar dito sa stadium.
Mga balahura kasi ang mga tao dito kung saan saan sila nag kakalat kaya naman laking pasasalamat nalang dahil uso ang janitor dahil kung hindi ay siguro nag mukha na itong tambakan ng basura.
"Grabe ang ganda ko talaga.." Tinignan ko si Farrah sa sinabi niyang yon.
"Oh?! Anong tinitingin- tingin mo jaan?" Sabi niya sa akin dahil nakatingin ako sa kanya na para bang nasusuya ako. "Ano? Hindi mo matanggap na maganda ako?" aniya pa.
"Maganda ka naman talaga eh..."
"OMG! Talaga?! Inaamin mo nang maganda ako?!"
"Oo naman..... Pag nakangud-ngod nga lang yung mukha mo sa putikan."