Chapter Sixteen

14 8 0
                                    


Trace POV

Naglalakad ako papunta sana sa classroom namin nang makarinig ako ng mga nag sisigawan. Parang nag bubugbugan o ano. Kaya naman Dali Dali akong pumunta sa kabilang hallway salungat sa dapat na dadaanan ko.

Nakita kong nagtutumpukan ang mga tao doon at parang may pinag tutulungan. Hindi Ko na sana ito papansinin ng makita ko si elli na lumalaban din sa kanila.

Ang ipinagtataka ko lang ay paanong ang nerd na katulad niya ay nagagawang makipaglaban sa mga kaklase namin na ang iba ay mga kasale sa Underground Society.

"Ahhh!!"

"Aray! Letse ano ba!?"

Doon ko lang napansin na may kasama rin pala siyang mga katulad niyang.... Nerd.

"Ahhh!!!" natigilan ang lahat dahil sa malakas na sigaw ni elli. Nagsipagtabihan silang lahat at pinalibutan sila elli.

"Ohhhh... Masakit ba?" Rinig kong sabi ng isang lalake.

"Wag niyong ganyanin si nerd kawawa naman oh!" Sabi naman ng isang Babae.

"Uy guys tingnan niyo oh! Iiyak na siya!" Sabi pa ng isa.

Sa pagkakatanda ko siya si Angeline Lockard. Siya ang Leader ng Gang na 'HALI'
ito ang pang apat sa nangungunang gang sa pilipinas.

Binalik ko kay elli ang paningin ko at nakita ko na mas marami siyang sugat at mga pasa kesa dun sa apat niya pang kasama.

"Ano bang gusto niyo sa amin!?" Rinig kong sabi ng isang babae.

"Gusto namin mawala na kayo dito!!"

"Oo nga!"

"Oo! salot lang kayo dito eh!!"

"Lumayas na kayo dito!!"

"Anong meron jan?" Tanong ng isang pamilyar na boses. Si Cassey.

"Ohh... The nerd is here? And she got her new friends? How funny."

"Tss.. Ano naman ang funny dun? Palibhasa wala kang friends.." Sagot naman ni elli.

"How dare you!? I have friends! So many friends!"

"Ahhhh... The question is.... Are your 'Friends' true to you?... You know some of them tell me a little secret of you and they said you call it 'My Big Dear Devil'." Diniinan niya pa ang Friends At My big dear devil habang ang mga daliri niya ay naka form ng qoutation mark.

Nakita kong namutla si Cassey at iiling iling na tumakbo. Takot na takot ang mukha niya at para bang nakakita siya ng multo sa sobrang pagkagulat nya sa sinabi ni elli.

"Hoy nerd! Ano yang Dear devil, dear devil na yan!?" Rinig kong tanong ng isang lalake.

"Wala kang pake..." Sagot niya sa lalake ng walang mababasang kahit anong emosyon sa mukha.

Lahat kami ay nagulat ng bigla siyang tumayo at parang walang nangyareng inaya ang mga kasama niya na pumunta sa Medic station habang nagpapagpag ng kanyang pang-upo.

Seriously!? Is she really a nerd?

Walang sabi sabing nilampasan nila ako dahil nasa likod ko ang daan papunta sa Medic Station.

"Ano pang tinitingin-tingin niyo jan!? Magsi-alis na nga kayo!" Sigaw ko sa kanila ng makita kong hindi parin sila umaalis at pinagmamasdan pa rin ng tingin sila elli.

Nang makita kong nagsi alis na sila ay sinundan ko na ng tingin sila elli at nakita kong nakikipag-usap siya doon sa mga kasama niya na para bang walang bugbugan na naganap. Pati ang mga kasama niya ay ganun din.

I mean they're acting really cool... And the way they talk and they walk in the middle of the hallway looks like they're not just a nerd....

So weird... Something's off

Every Nerd Has A Demon [ON GOING]Where stories live. Discover now