Dolley's POVTime check: 7:00 pm
Nakahanda na agad kami para sa pag alis namin. Medyo may kalayuan kasi ang black house sa condo ni elli kaya naman ngayon palang aalis na kami.
Actually, yung lugar na yon ay isang malaking barn na kulay itim. Iyon lang ang alam ko dahil hindi pa naman kami nakakapunta doon bukod kay elli. Tanging mga pinuno lang ng bawat grupo ang pinapapunta ni regina doon.
"Uy doll! Ano tulala nalang forever?" Rinig kong sabi sa akin ni jaziel.
"Tss.. Imposibleng mangyari yun." Sabat naman ni Crys. Pustahan tayo iiral nanaman ang ka'Bitter'an ni crys. Palibhasa narinig nanaman yung salitang forever.
"Paano mo naman nasabi?" Nakapamewang at taas ang kilay na sabi niya. Palibhasa silang dalawa lang ang maingay kaya di na sila nagkakalituhan kung sino ang kausap nila.
"Wala kasing forever." Sabay walkout.
"Bitter!!" Sabay sabay na sabi naming tatlo. Hindi kasama si elli nasa cr pa. Nagbabawas ata ng kasalanan.
"Hoy tara na." Elli
"E! 7:05 palang naman eh. Kain muna tayo." Nakangusong sabi ni farrah kay elli.
"Daan nalang tayo sa Juvebians Resto masarap pagkain dun. Bilisan nalang natin kumain."
"Oo nga!! Namiss ko na pudss don!!" Sigaw naman ni crys habang papunta kami sa elevator.
(AN: pronounce the resto's name as Juvibiyans but it's okay if you don't. It's in you by the way. Enjoy reading!)
Nang makababa kami papunta sa parking lot 2 ay agad kaming sumakay sa van na niregalo ni tito sakanya noong nag fifteen siya. Dati palang kasi alam na ni tito na palagi kaming gumagala.
Nang makarating kami sa Juvebians Resto ay pumasok na kami. Since good for two lang yung door ang pwesto namin ay nauna si elli at crys, sunod ako at si jaziel, at ang huli ay si farrah na kanina ko pa napapansin na hindi mapakali.
Farrah's POV
Ngayon ko hinihiling na sana hindi ko na lang sila niyaya kumain.
Pagkababa ko galing sa van ay agad na tumama ang paningin ko sa isang magkasintahan na masayang kumakain. Isang sopistikada't magandang babae at isang gwapong lalaki na pamilyar na pamilyar sa amin. Lalong lalo na kay crys.
"Psstt! Rah! Anyare sayo? Bat kanina ka pa di mapakali?" Mahinang bulong sa akin ni dolley. Malamang mahina bulong nga eh.
"Wag kang maingay!"
"Gaga! Kaya nga bumubulong para di maingay eh!" Maarteng sabi niya pa.
"Atsaka.. Wag mo ngang iniiba yung usapan! Ano nga??"
"Tss.. Ang kulit mo naman eh!"
"Di ka kasi sumasagot!"
"Wag mo akong sigawan!"
"Ikaw kaya nauna!"
"Nakita ko si mike.." Bulong ko sa kanya.
"A-Ano?"
"Nakita ko si mike.." Bulong ko uli.
"What?"
"Puta bingi ka ba!?"
"Na shock lang ako gaga!"
"Nashock sa alin?" Tanong ni Crys.
"A-Ano..." nauutal pang sagot ni Dolley kay crys. Hahahaha muntanga
"Ano?"
"A-Ano... Chismosa ka!"
"Nagtatanong lang chismosa na!?"
"Uy guys! Wala na pala dito sa menu yung mga gusto nating pagkain eh." Biglang sulpot ni jaziel sa kung saan. Silang dalawa kasi ni elli ang pumunta sa counter habang si crys naman nag cr.
"Bayaan niyo na kumain nalang tayo. Masarap naman yung mga bago jan eh."
Nagkwentuhan kami habang kumakain kaya naman medyo naging mabagal bago kami matapos. Palabas na sana kami ng biglang nagsabi si jaziel na magsi-cr sandali.
"Uy rah!" Bulong sa akin ni dolley.
"Oh problema mo?"
"Nanjan parin si mike oh!"
"Tss.. Oo nga no? Kanina pa yan ah?"
"Bilisan nalang natin na lumabas para hindi na magpangabot yung dalawa. Masasaktan nanaman yan si Crys."
Ilang saglit lang ay agad nang bumalik si jaziel kaya naman lumabas na kami agad. Bago kami lumabas napansin ko na wala na si mike kaya naman nakampante na ako.
Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana dahil papasok na sana kami nang makita namin si mike na nakikipaghalikan sa parking lot at ang masaklap... Sa katabing kotse pa namin!!
Agad naming tinignan si crys na nakatingin lang at parang nanonood lang ng movie. Ilang minuto lang ay may dumating na sexy at magandang babae.
"Mike!!" Napatigil si mike sa paghalik sa babaeng halos mahubaran na.
"Carmela?"
"Sino yan ha!? Bakit kayo naghahalikan! Babae mo ba siya!?"
"Who are you?" Maarteng sabi naman ng babaeng kahalikan ni mike.
"Celine!"
"Tell me who are you first then i'll tell you who i am."
"Carm.."
"What? Tinatanong ko lang naman siya kung sino siya ah?"
"Well for your information Miss Scandalous my name is Celine Oscar and i'm mike's girlfriend, How about you?" Taas ang kilay at noong sabi nang kasama ni mike na celine pala ang pangalan.
"My name is Carmela Wensly and i'm mike's wife."
"What!? Mike!! Is it true!?"
"Celine n-no.. O-Of course not!" Nauutal na sabi pa ni mike kay celine na para bang nagmamakaawa ang boses.
Bago pa man makapag-salita yung celine ay agad nang hinila ni Carmela ang kamay ni mike at ipinagtabi ang kaliwang kamay niya dito at itinaas. Doon nakita ang magkaparehas na singsing sa pareho nilang kamay.
"Oh my god..."
"Don't worry dear, Magkakaroon pa naman kayo ng forever nitong lalaking to." Mataray na anas niya kay celine tsaka siya bumaling kay mike na nakatunganga lang sa kanila. "Hintayin mo nalang ang divorce papers, ipapadala ko sa bahay niyo." Tsaka siya tumalikod at sumakay sa isang blue na sasakyan.
"Wait! Carm no!!" Hinabol ni mike yung asawa niya pero di siya pinapansin nito. Paalis na sana kami nang may magring na cellphone.
"Oh bat?... O sige.. Maghintay ka anong oras palang naman.. Ge! Parating na kami." Sagot ni elli sa cellphone niya.
Doon ko lang napansin na nakatingin na pala kaming lahat kay elli pwera nalang dun sa carmela na nakaalis na pala.
"Sino yun E?" Tanong ni crys para lahat kami ay mapunta ang atensyon sa kanya.
"Si RM pinapapunta na tayo."
"Crys?" Rinig kong epal ni mike. Nilingon naman ni crys si mike at tinignan. Nginitian niya lang ito at tsaka nagpamaunang pumunta sa van namin.
Boom panes! Im back!!! I mean i'm a human but... nevermind.
d-,-b
Enjoy reading!!
![](https://img.wattpad.com/cover/136129303-288-k377539.jpg)