Keir's Pov
"Keir,, I love you" luhaang sabi ni Jesica nang maabutan niya ako dito sa rooftop at inaabutan niya ako ng Chocolate.
"Gusto kita noon pa Keir, pero kahit anong pagpapansin ko sayo parang wala lang" humihikbing dugtong niya.
"Pwede ba Jesica hindi kita gusto at wala akong balak na mag ka gf, magpapare ako" iyon nalang ang sinabi ko kasi hindi ko na makeri ang pinagsasabi ng babaeng ito. Nakakasuka na. Tinalikuran ko na siya bago pa humaba ang usapan.
"Hindi ako susuko Keir alam kong mamahalin mo din lang ako!" Narinig ko pang sabi niya bago ko isara ang pinto. Ano ba yan nakakainis talaga.
"Hi" bati ni Jun saakin na nasa baba ng hagdan at nakaupong nakatingala saakin.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Hindi ko ba pwedeng dalawin ang mahal ko?" Nakangiting saad niya.
" wag tayong magkita dito , baka magtaka sila kung bakit ka nandito" Keir
" Ede, sabihin nalang nating magbarkada tayo" nag- aaral si Jun sa NPU o National Pacific University na pag mamay-ari naman ng mga Agustin na kamag anak ng de-Guzman .
"Bahala ka" at nauna na akong naglakad.
"Tara sa condo ko" yaya niya saakin.
"May klase pa ako, hindi ko pwedeng mamiss ang klase ko" -keir
"Matalino ka naman, hindi maapektuhan ang grades mo sa isang araw lang na wala ka, I miss you" napahinto ako sa sinabi niya.
"Jun, itigil mo muna nga yan, magtxt ka nalang sakin o tumawag, ako mismo ang pupunta sa condo mo"
"Okay sige, pasensya na" at nagpaalam na siya uoang umalis.
" Si Jun iyon diba?" Gulat ako sa pagkakasalita ni Luna.
"K-kanina kapaba dyan?"
"Hmpt. Kakadaan ko lang twinee, nung nakita ko si Jun na papaalis, bakit siya andito?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala" sagot ko.
"Naku naman kambal, ako pa lilihiman mo, ano bang meron sainyo ni Jun at parang madalas kayong magkasama?" Saad niya na yumakap sa kanang braso ko. "Pinagpapalit mo naba si Nicola?" Nakalabing sabi niya.
"Pwede ba hindi ko siya Girlfriend, best friend ko lang yung babaeng yun!" Nakakairitang sagot ko.
"Hihihi, kung ayaw mo sakanya, pwedeng ligawan ko nalang siya?" Nakangiting saad niya.
"Ulol ka talagang babae ka! Lalaki ang gusto niya hindi babae"
"Ehh, crush ko si Nicola, ang pretty niya,. Gusto ko siya Kambal"
Ano ba to, tomboy ba tong kakambal ko? Haixt. Bulong ko sa sarili ko. Bading na nga ako ito ba naman tomboy, nagpalit nalang pala sana kami ng kasarian.
_______________
"Em!" Tawag ko sa magaling kong kaibigan na ngayon mukang pinupurmahan ni Calvin.
"Uyy, Keir, kanina pa kita hinahanap, saan ka galing?" Saad niya saakin na may hawak na isang puting Rosas. "Hi Luna" baling niya sa kakambal ko.
"Wow naman, tara double date tayo" yaya ni Luna saamin.
"H-huh? D-double date? Bakit? Pano?" Pagtataka ko, bakit? Dalawa naba sila ni Calvin? Tanong ko sa sarili ko.
"Wala naman twinee advance celebration kapag sinagot na ni Nicola si Calvin" nakangiting sabi ng magaling nakakambal ko na hanggang ngayon ay nakakapit sa braso ko.
"At tayo naman ang pertner? Ano kaya yun?" Naiiritang sagot ko.
"Okay lang yan, atleast may partner ka" - Luna
"Ewan ko sayo, loka loka kana talagang kapatid ko" pero imbes magsalita ay hinila na ako ni Luna.
"Let's go!" Tawag niya nang lingunin ang dalawa.
Hinila naman ng mokong ang kamay ni Nicola para sumunod saamin.
______________________
Pumunta kami sa malapit na Shakey's dahil gusto daw ng kapatid ko ng mojos at Pizza.
"Ikaw Calvin ahh, hindi ka man lang nagsasabi na may gusto ka pala kay Nic" nakangiting pambasag sa katahimakang sabi ni Luna.
"Ha? Hehehe" namumulang sabi nalang ni Calvin sabay kamot sa batok.
"Ikaw Nic, may gusto kaba kay Calvin?" Tirahan naba ng tanong nitong kapatid ko? Talagang deretsahan ahh.
"Ha? Hindi naman ganun agad-agad na magkakagusto saakin si Nic, ngayon nga lang kami nagkakakilala" namumulang sagot ni Calvin, siya na ang sumgot dahil halata namang naiilang na si Nic sa mga tanong ni Luna.
"Chesmosa kang babae ka" sabat ko sa magaling kong kapatid.
"Eh, ano naman ngayon? Para habang maaga pa alam na natin" sabay subo sa pizza na inapatan lang ang kagat. Grabi ang takaw parang hindi talaga babae.
"Bakit ikaw Luna? Wala bang nanliligaw sayo?" Sabat na ni Calvin.
"Tsk. Wala akong pakealam sa mga lalaking iyon" sabay subo ng apat na mojos sabay sabay.
"Uhhmmm. So hindi ka interesado kay Alex?" Napaubo nalang si Luna dahil sa tanong ni Calvin. Bahagya ko namang hinaplos ang likod niya at binigyan ng tubig.
"Pwede ba Calvin sa lahat ng pangalan wag na wag mong ipaparinig yan!" Singhal niya kaya napatingin na saamin ang ibang kumakain.
"Pst. Tumahimik nga kayo" pakialam ko na ,dahil nakakahiya naman.
"Speaking twinee, kelan mo naman ipapakilala ang girlfriend mo? Hindi ba siya nagseselos kay Nic?" Nagtatakang tanong niya.
"Huwag nga ako ang pakialaman mo" naiiritang sagot ko.
"Kaya nga Keir" dugtong naman nitong Calvin na to.
"Lalaki naman kasi gusto niyan" mahinang bulong ni Nic na nababasa naman sa bibig niya kung anong pinagsasabi kaya sibipa ko ang paa niya, dahil baka marinig pa siya.
"Ouch!" Bakit kaba naninipa. Nakakunot noong tanong niya.
"Ha? Sorry may kumagat kasing langgam sa paa ko kaya napasipa ako sa gulat" nakangiting pagdadahilan ko.
"Tsk"-Nic.
" Buuuuurrrrrppp" napatutup ng bibig si Luna dahil sa lakas ba naman ng pag burp niya. "S-sorry" nag- peace sign pa ito.
"Matakaw , tara na nga busog kana" kaya tumayo na ako. Mamaya niyan kung ano-ano pang mapag-usapan dito.
"Tara Nics" yaya ni Calvin at inilahad ang kamay. Inabot naman bg bruha kong best friend. Ewan nakakairita.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
RandomMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...