"Good afternoon po" nakangiting bati ng dalaga kay Jm at Jam, inimbitahan kasi siya ng mag-asawa para sa munting salo-salo nila dahil sa pag-uwi ng ate Vironica nila, nakita ko din na andito ang ilang mga pinsan nila na sa ibang school nag-aaral ang ilan naman ay mga kaibigang malapit nila.
"Mabuti naman at nakapunta ka ija" nakangiting salubong sakanya ni Jam at nakipag beso, ganun din ang ginawa ni Jm.
"Keir! Halika dito anak" tawag ni Jam kay Keir na nakikipag kwentuhan sa mga barkada . "Ikaw muna ang bahala sa bestfriend mo" paalam ng ina at pinuntahan ang ibang bisita.
"K-kamusta kana?" Tanong niya sa binata, pakiramdam niya nag iba na ang bestfriend niya. Parang hindi na niya ito kilala. Hindi man lang siya kinausap ng binta, hinila lang siya para samahan nila Luna. Ang kasama niya ngayon ay si Caren,Czerina,Vironica at si Jash na sa ibang school nag aaral, ang iba naman ay nasa ibang grupo nagkkwentuhan.
May mga grupo din ng mga batang naglalaro, may mga mas nakakatanda din naman pero magaganda at matitipuno parin sila kahit na may edad na. Ganito ba ang lahi ng bestfriend niya? Parang nasa lugar siya nila ganda at lakas.
"Nicola!" Tawag sakanya ni Luna na patakbong lumapit sakanya sabay yakap. "Buti naman nakapunta ka, namimiss na kita,hindi kana kasi dinadala ni Kuya dito nakakainis lang" nakapout pa na sabi niya, ang cute lang talaga ni Luna.
"Ang ganda mo sa dress mo" manghang nakatingin siya kay Luna ngayon lang kasi ito nagsuot ng cocktail dress na sleeve less, pure black sa top at black and white stripes sa palda niya, na tenernuhan ng white shoes, ngayon lang din ito nag make up.
"Hmpt, gwapo dapat Nicola" bulong niya sakanya, napangiti nalang siya kay Luna, hindi man halata pero may pagkatiboom ito.
"Wait! Dinadala ka ni Keir dito?" Manghang baling saakanya ni Veronica.
"O-opo" nahihiyang saad ko sakanya.
"So, are you his girl?" Natutuwang tanong niya sakanya sabay hawak sa dalawang kamay niya, bahagyang napatalon pa si Veronica sa saya.
"H-hindi po, bestfriend lang po kami kaya pumupunta ako rito" panigurado namumula nanaman ang muka nito sa hiya, ang ganda ganda kasi ng ate nito parang magkasing edad lang sila.
"Kumain kanaba?" Lumapit sakanya si Calvin.
"Bakit siya lang ang tinatanong mong bata ka? Pinopormahan mo ba siya?" Pagtataray ni Vironica na nakapamewang.
"Hehehe, ate naman, utang na loob ko lang ang pagiging care kay Nicola at syempre mahala siya saakin.... bilang kaibigan" pambibitin pa talaga niya at napakamot sa batok.
"Naku tama na nga yan Calvin magpapalusot kapa" angal parin ni Vironica, napatingin sakanya si Calvin na nagsasabing tulungan siya.
"T-tama naman po iyon ate Vironica magkaibigan lang po kami ni Calvin" pagtatanggol ko.
"Woohhh wooahhh woaaaahh!" Sabay sabay na napatingin kami sa mga kalalakihang papalapit saamin. Andito nanaman ang mga magbabarkadang ito.
"Ano ito aminan portion naba sa pagitan nila Calvin at Nicola?" Pagsasaad ni Allen na tinuro pa silang dalawa isa-isa na parang pinapakilala sakanila. Napatingin siya kay Keir na hindi na maipinta ang muka.
"Okay everyone" agaw pansin ni Jam na ngayon ay may hawak nang mic. "Let's celebrate our welcome party for our panganay na si Vironica" Lumapit naman si Vironica sa kaniyang ina na katabi ang kaniyang ama na nakatayo sa puno ng hagdan, sa sala kasi ito ginanap malawak naman ito, pero binuksan parin sa may garden incase na doon nila gustong pumwesto at para na din sa mga batang naglalaro.
Lahat sila ay bumaling sakanila Jm, Jam at Vironica , lalapit na sana si Nicola para makisalamuha ngunit may biglang humila sakaniyang kamay.
"K-keir" tiningala niya ang binata na tuloy parin sa paghila sakaniya, dumaan sila sa likod bahay upang hindi sila mapansin, tinititigan niya ang muka ng binata habang nagpapahila lang ito pero madilim ang kaniyang muka na mistulang nagbabaga sa galit ang kaniyang mga mata, habang nanggigigil itong nakahawak sa kanya na halos bumaon na ang kuku niya sa balat ng dalaga.
"B-bakit ba Keir pwede ba bitawan mo ako, masakit na" pagpupumiglas niya pero hindi parin siya binitiwan hanggang makarating sila sa silid ng binata tinulak siya papasuk bago ilock ang pinto. Naiiyak na siya sa sakit ng pulsuhan niya dahil sa higpit ng pagkakahawak.
"Ano bang problema mo Keir? N-nag-iba kana hindi na ikaw ang bestfriend ko" umiiyak na saad niya habang nakatingin sa sahig, hindi na niya kayang pigilan ang luha ng pumatak ito, hindi na niya maramdaman ang beatfriend niya, hindi niya alam kung bakit bigla itong nag iba sa pakikisama.
"N-namimiss ko na ang bestfriend ko---" Nicola.
"Stay away from Calvin, especially Jun!" Maotoridad na saad niya habang papalapit sakanya, nakikita ang panggigigil sa bawat paggalaw ng panga niya, mging ang mga matang nagbabaga sa galit, ngunit hindi mabasa kung ano ba talaga ang nais niya, hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
"A-ano bang ibig mong sabihin?" Hindi siya makatingin sa mata nito dahil sa takot, hindi niya maintindihan ang binata sa mga nagiging galaw niya, nag-iba na talaga siya.
"Nagseselos ako!!!" Atubiling sigaw niya, nanlaki ang mata ni Nicola sa pagkabigla sa narinig . "Nagseselos ako dahil...." Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa balikat niya, nag aabang lang si Nicola sa susunod na sasabihin niya, hindi siya makakilos nakatitig siya sa mata ng binatang unti na ding napapalis ang galit.
"K-keir ---hmmmmppp" napalaki ang mata niya sa pag-angkin ng kaniyang mga labi. Hinapit siya ng binata sa bewang habang ang mga dila nitong kumakatok na pagbuksan siya nito, napahawak siya sa balikat ng binata dahil sa panghihina ng tuhod niya hanggang sa nakapasuk na ang binata sakanya, nakikipaglaro ang kanilang mga dila.
"H-hindi ko kayang mapahamak ka, h-hindi ko kayang may ibang nagbibigyan ka ng atensyon mo" habol ng binata sa kaniyang hininga nang pakawalan nito ang labi niya.
Hinapit siyang muli ng binata at pinangko patungo sa kama, hanggang unti-unti nang bumababa ang mga halik niya sa leeg nito, hanggang sa tumigil ang binata at pinagmasdan ang kaniyang muka na ngayon ay nakapit na.
Tumayo si Keir upang mas lalong mapagmasdan ang muka ng dalaga, napakaamo ng muka nito, unti-unti namang iminulat ni Nicola ang kaniyang mata, nakita niya ang lalaking nakatitig sakanya.
"T-tumayo kana dyan" nauutal na yaya ni ya na hindi ngayon makatingin sa dalaga na nakatulala lang sakanya na unti-unting bumabangon at naupo sa kama.
"K-keir bakit mo ginagawa ito?" Tanong biya sa binata habang nakaupo parin sa binata.
"Mahal kita. ... Mahal kita higit pa sa akala mo" mabilis na sagot niya. Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig, siya mahal siya ng beatfriend niyang bading? Seryoso ba ito? Anong nangyayari sakanila, maslalo na sakanya, habolin naba siya talaga ng mga bading?
"Labas na" nagising siya sa malalim na pagtataka ng pukawin siya ng boses ng binata na ngayon ay nakatayo na sa pintuang nakabukas .
_______
Boring naba? Wala na talaga lame na story na ito, but still tatapusin ko to, panindigan nalang, hihihi. Basta gustong matapus kahit kunti lang ang magbasa nito. Masyado na ding makaluma ang flow ng story.Marami na ding typo error, informal writing, hindi ko na din ineedit basta matapus ko lang ang story.
Chacha.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
De TodoMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...