Chapter 9

12 0 0
                                    

Grabi ang hirap nga talagang mag isip ng mga plot at scene's, ang gulo gulo na hindi ko na alam kung anong magiging flow, wahahaha, kung meron parin man nagbabasa nito, sige lang i push mo kung kaya pang tiisin ang walang kabuluhang plot niya, gusto ko lang isulat kung anong maisipan ko.

For that one na nagtitiis thank you po. Pero sa mga hanggang umpisa lang, thank you parin.























____________________

Nicola's Pov

"Hi" isang ngiti mula sa matipunong lalaki ang nasilayan ko.   "Mag-isa ka yata? Can I join you?" Sabay hila ng upuan na nasa harap ko. Nasa star bucks ako na malapit lang sa bahay namin, wala akong magawa dahil umalis din sila mama at papa, itong beki na bff ko naman hindi man lang sagutin ang tawag ko, busy din naman daw sila Amanda.

"Yes, sure" isang ngiti ang sagot ko sakanya at itinago ang Samsung J7 pro ko sa bulsa ng Jaket ko.

"Hndi mo yata kasama si Keir?" Tanong niya habang iniaabot ang order niya sa isang waiter.

"Hmpt, hindi sa lahat ng oras ay magkasama kami ng lalaking iyon" pagsisinuplada ko, pero nakangiti parin naman ako. "Ehh, kayo? Bakit hindi kayo magkasama , dib close kayo?" Balik tanong ko sakanyan.

"Hahaha, katulad nga ng sinabi mo hindi naman palagi kaming magkasama" bahagya tawa niya, ang gwapo naman niya , mas lalo ngayong nakikita ang mapuputi at pantay pantay na ngipin niya, sabay kagat sa ibabang labi na mapupula parang ang sarap halikan, ano ba yan ang gwapo talaga niya, kung hindi ko lang alam na may relasyon sila ng bff ko, alam kong namumula na ang buo kong muka sa kilig kaya napayuko ako at napakagat sa ibabang labi.

"May boyfriend kanaba?" Sabay tanong niya saakin na mas lalo kong ikinapula, ang gwapo kasi nito sa mga smile niya. Mahuhulog na yata ako sakanya.

"H-ha? W-wala pa, nakakahiya man aminin pero, NBSB ako" hindi parin ako makatingin ng deretso sakanya kaya uminum ako ng kapeng inorder ko kanina, pampawala ng nerbyos, pero kape eto, mas lalo akong mahihimatay neto ehh.

"Good" -napatingala ako sakanya ng may ibang ibig sabihin ng sinabi niya. "Kung ganun may pag-asa ako sayo"

"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ako sa mga pinag sasabi ng mukong na ito, alam ko namang beki ito katulad ng bff ko, pero hindi mawala ang kilig saakin.

"Can I have your number?" - inabot niya saakin ang cellphone niya kaya tinype ko ang number ko.

"Iyan na, Nicola ang nilagay ko sa phonebook mo, kung magttxt ka saakin magpakilala ka, okay" sabay abot sakanya.

"Ha? Sige, pero dapat pretty ang inilagay mo, hahah" nakakadala ang mahinang tawa nito, ang cute lang talaga, ibang-iba siya kay Keir,hindi siya boring na kasama. "So this will be the start to court you?"

"H-ha?!" Napalakas yata , kaya ang ibang costumer ay napatingin na saamin. Tumawa naman itong mukong. Wag mo akong pakiligin, baka makalimutan kong kasintahan ka ni Keir, hayop ka pagsasabayin mo pa kami.

"Uyy, Nicola, andito ka din pala" lumapit saakin ang kambal na Angelo at Lord. " Jun Acosta right?" Sabay baling kay Jun na nakakunot naman ang noo ng makita sila. Pero inabot ni Angelo ang kaniyang kamay kay Jun, inabot naman ng binata ang kamay nito at nakipag shake hands.

"Yeah, akala ko hindi ninyo makikilala ang simpleng estudyante sa University na iyon" - Jun.

"Simple nga lang ba?" Sabat ni Lord na nasa likuran lang ni Angelo. Napangisi labg si Jun sa sinabi niya. Parang may pumapagitan sa mga ito.

"Kaya nga naman, habolin ka din naman ng mga chiks kaya imposibleng simpleng estudyante ka lang" - Angelo.

"Alangan namang sainyo lang sila" nakangiting tugon ni Jun.

"Hahaha, you're right, kung sabagay hindi naman namin sila kayang lahat" natatawang saad ni Angelo.

"Sige Nicola, alis na kami, mag-iingat ka" makabuluhang tumingin saakin si Lord bago sila umalis.

"Sige Nicola mauna na din ako, thanks to your company, nag enjoy ako, magttxt nalang ako sayo" tumayo na siya umalis, ngunit isang ngiti muna ang ibinigay niya saakin, isang matamis din na ngiti ang isinagot ko.  Ang guwapo talaga niya, kahit paulit-ulit kong sabihing guwapo siya hindi ako magsasawa dahil totoo naman talaga ehh. Hihihi.


___________________________

"Hello Luna" masayang bati ni Angelo sakanya, kasama nito ang kakambal at sina Caze at Conan.

"Ano naman ang nalanghap ninyong masamang hangin at napadpad kayo dito?" Mataray na tanong ko at nakapamewang.

"Hahahaha, tama, may nalanghap nga kaming masamang hangin na nagmumula dito, kaya pumunta kami dito para masiguradong wala nang iba pang madadamay mamaya mainffect din sila" pang-aasar ni Caze.

"Tse!" Pagtataray ko at pumunta sa kusina, nakakaubos lang ng dugo ang mga ito, buti pa sila Kuya Conan at Lord matinong kausap.

"Suplada mo talaga" narinig ko pang sigaw saakin ni Caze bago ako makarating sa kusina.

"Ohh, andito ang mga matitipono kong pamangkin" bati sakanila ni Jm na kasunod naman sila Jam at Keir.

"Yes tito namiss din kasi namin ang anak ninyong si Keir, hindi na namin siya nakakasama ehh, kahit sa school mailap na" sagot ni Angelo.

"Alam kong hindi dahil doon kaya kayo andito"- Jm.

" Tara sa veranda doon tayo", yaya ni Jam sa mga kalalakihan. Nagpahatid naman ito ng meryenda sa katulong para sakanila.

"Hoy, Keir bantayan mo yong bestfriend mo kung ayaw mo siyang mapahamak" pagbabanta ni Angelo na nasa kanan ni Lord, sa kaliwa ni Lord ay si Caze at Conan, sa harapan nila ay si Jm na nasa gitna, nasa kaliwa niya si Keir at sa kanan naman ang asawang si Jam.

"Kasama niya si Jun Acosta kahapon , mukang may plinaplano ang mukong" sabat ni Lord na iniinum ang lemon Juice. Napatingin naman si Jm sa anak na ngayon ay hindi alam kung anong iniisip dahil madilim ang muka.

"J-jm Daddy, ito na nga ba ang kinatatakot ko, maaaring nakita nila si Keir sa operarion at ngayon ay idadamay pa nila si Nicola para magantihan kayo" kinakabahang tugon ni Jam na nakahawak sa braso ng asawa.

"Tumahimik ka nga Jam, alam nating hindi siya mapapahamak, kailangan lang siyang bantayan ni Keir kahit na nasa misyon pa siya" palihim parin kasing binabantayan ni Keir ai Nicola kahit saan ito magpunta dahil alam nilang magiging alas siya ng kalaban upang hawakan sila sa leeg, kung hindi man siya makapunta sakanila ay may ilang bantay silang inuutusan, hindi pwedeng mainvolve si Nicola sa nangyayari, hanggat maari ay wala dapat malaman si Nicola dahil mapapahamak siya sa malalaman niya.

"Andito din naman kami nila Lord at Conan kaming boys para protektahan siya lalo na si Calvin, mukang nagkakamabutihan din ang dalawa----aray! Tae ka naman Caze masakit!" Napalakas yata ang pagkaabatok ni Caze kay Angelo, bigla kasing nag iba ang timpla ni Keir sa narinig. Gagantihan din sana siya ngunit tinitigan siya ng masama ng kakambal.

"Basta hanggat maaari ay walang malalaman si Nicola para hindi siya mapahamak" -Jm.

Astig Na Bestfriend Kong BadingWhere stories live. Discover now