"Tignan mo nga Jm kung anong nangyari sa muka ng anak natin! Sinabi ko na sayo huwag mo siyang isali sa operasyon ninyo sa mga Acosta na iyan!" Naiinis na saad ni Jam. Dahil nagkaroon ng ingkwentro sa pagitan nila at ng Acosta, ginamit si Keir upang manmanan sila at makisalamuha sa mga kabataang kasali sa pagtatransport.
"Okay lang iyan,mommy kasi tignan mo kung paano makipaglaban ang anak natin lalaking lalaki na, ready na din siyang sumabak sa mga ganyang operasyon tulad ko" mapagmalaking wika bi Jm.
"Papatayin mo naman ang anak natin!" Singhal niya. Ngayon niya lang ulit kasi nakita ang mga anak, dahil dalawang linggo siyang pumunta sa U.S para sa pag aayos ng ilang negsyo nila.
"Abat buti nalang sinabi saakin ni Arthur na nagkaroon kayo ng engkwentro, kung hindi, hindi ko pa malalaman, kaya eto mabilis akong bumalik para makita ang Keir ko" naiiyak na saad ni Jam sabay yakap sa anak. Na ngayon ay naghihilom na ang mga pasa sa muka.
"Mommy tama na nga yan, okay lang ako, kaya kong tumulong sa misyon ni Daddy" naiiritang sabi niya. O.A lang talaga ang ina nila.
"No! Baby, hindi ako papayag na masaktan ka" malambing na sabi ni Jam at hinawakan anv magkabilang pisngi ng anak. "Bakit, hihintayin paba ng magaling mong ama na mamatay ka bago ka niya ilayo sa misyon na ito?" Sabay baling sa asawa at tinitigan ito ng nakakasugat na titig.
"Mommy naman, okay lang naman ang anak natin.Ehh after ng course niya magpupulis iyan. Ikaw talaga, kung nakita mo lang kung paano humawak ng baril at makipaglaban ang anak mo, mabibilib ka, well trained ko yata ang anak natin, mas magaling pa iyan kaysa sa mga mas bihasa kesa sakanya" nakangiting saad ulit ni Jm. Na ngayon ay katabi na si Luna na nakikinig lang at nakatitig kila Keir at ina na nasa kabilang upuan.
"Naku, mommy kayang kaya naman iyan ni twinee, lalaki na kaya yan" nakangiting sabat niya sabay subo ng pop corn.
"Tse! Tumigil nga kayong mag-ama dyan, hindi na kayo naawa sa anak ko" naiiyak nanamang saad ni Jam.
"Mommy naman, wag kana kasing umiyak, sisiguraduhin kong hindi mapapahamak ang anak natin"-Jm
"P-pero daddy" -Jam
"Wala ng pero-pero, halika na sa itaas ipahinga mo na yan" sabay tayo at hinila na ang asawa. "Alam mo namang namiss na kita diba?" Narinig nilang bulong nang daddy nila sa ina. Naku mukang alam na nila kung anong gagawin. Itong ina nila kunting lambing lang ni daddy maamo nanaman. Bilib din sila sa pagsasama ng kanilang magulang, give and take lang.
"Alam mo twinee curious ako" basag ni Luna sa katahimikan, kaya napatingin ang binata kay Luna na hanggang ngayon ay tuloy-tuloy parin sa pagkain.
"Saan naman?" Nagtatakang tanong niya.
"May problema ba kayo ni Nicola? Kung may L.Q kayo sabihin mo lang sasaluhin ko naman siya, hihihi" pang aasar lang sa bading kong kpatid, ang ganda kasi ni Nicola mala anghel lang, simple lang nman ang ganda niya
"Ede sayo na,wala namang kami, at hindi ko siya type." Isa pa tong kapatid niya na mukang may binabalak. Tibom nga talaga. Wala pa kasi itong narinig na may crush itong lalaki o sinabihan man lang na gwapo.
"Oo na berde. Hahahhaha" hindi na niya napigilan ang tawa ng makita ang subrang naiinis na muka ng kapatid. Kulang nalang ay mamula pati eye balls niya.
"Arayy naman twinee!!" Sigaw niya habang hinihimas ang ulo na tinamaan ng plastic bottle na binato ng binata na ngayon ay paakyat na sa hagdan.
Pabagsak siyang nahiga sakanyang kama ngunit nakalaylay lang ang mga paa. "Nakakainis!!! Ano bang nangyayari saakin, ito namang jr na ito hindi man lang makisama, bakit tumatayo sa babaeng iyon" kinuha niya ang unan at itinakip sa muka. Pinipilit niyang matulog ngunit muka ni Nicola ang nakikita sa bawat pagpikit niya.
"Waaahhhh!!! Ano ba!" Bigla siyang napabangon, nang muka ni Nicola ang nakita na humahalik sakanya. "Nakakainis ka Nicola, nakakainis talaga" tumayo siya upang pumunta sa shower room upang malamigan ang kaniyang isipin.
"Baby Keir, Anak?" Pumasuk si Jam sa silid ng kaniyang anak upang kausapin ito. "Asan na siya?". Biglang bumukas ang pinto ng shower room at iniluwa nun si Keir na nakatapis lang ng tuwalya sa bewang at basa pa ang buhok.
"Ohhh, mommy, why are you here?" Lumapit siya sa kama upang umupo, tumabi naman ang kaniyang ina at hinawakan ang kaniyang kanang kamay.
"Baby, please huwag ka ng sumama sa oparation ng Daddy mo, hindi ko kaya na may mangyaring masama sayo" nakikita ang pag, aalala sa muka ni Jam habang nakatitig sa mata niya.
"Mommy, sorry buo na disisyon ko, I already part of that group, training ko na din ito in case na magpulis na ako" umiwas siya sa mga mata ng kaniyang ina, naaawa siya dito.
"P-para na din sa pangalan ni daddy--- ouch! Mom naman masakit iyon" hinampas siya ng ina sa balikat dahil sa katigasan na din ng ulo niya.
"Ikaw bata ka ahh, magpakatotoo ka nga, dalawa na kayo ni Luna na Princess ko hindi ako papayag na masugatan ka!" Naiiritang tumayo si Jam upang makita ang kabuoan ng kaniyang anak. Ang macho ng anak niya, may eight packs na abs at napakatipuno pa nito, walang makakaisip na bading ito.
"Tsk" pagsisinuplado niya, alam naman niyang pusong tigasin ang mayroon sa kapatid niya. "Sige na mommy matutulog na po ako, pagod ako, tyaka sorry, I have my discission" tumayo siya upang maghanap ng maisusuot sa dresser, narinig niya ang mahabang buntong hinga ng kaniyang ina.
"Okay good night,baby" isang malungkot na boses ang narinig niya mula sa ina, hanggang tuluyan na itong lumabas.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
RandomMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...