"Anong sabi mo?!" Malakas na saad ni Jm sa anak, sabay hampas sa table. "Akala ko barkada mo lang ang lalaking iyon! Ibig bang sabihin nito ay bakla ka?" Maalingawngaw na sigaw niya sa anak.
"Honey tama na yan" awat sakanya ni Jam sa asawa habang hawak ang kanyang braso.
"I'm sorry dad ito talaga ako, pero dad wala na kami ni Jun, ayaw kong masira ang misyon ninyo dahil saakin" matiim kong sagot sakanya.
"H-hindi totoo yan, matatanggap ko pa na barkada mo siya o ano pa man, pero itong malalaman kong bading ka-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bumagsak na si Jm.
"Homey/daddy!" Sabay na sigaw nila ng nawalan ng malay si Jm.
"Twinee hindi ko akalain iyon! Ayeehhh may twin sister pala ako!" Sigaw niya at tumabi kay Keir "so pwede na twinee ikaw ang girl ako ang boy" bulong niya sa binata.
"Tumahimik ka nga dyan" naiiritang bulong niya.
"Ano bang pinagbubulungan ninyong magkapatid huh?" Tanong ni Jam.
"Waaahhhhh!!!!" Gulat kami sa sigaw ni Jm.
"Ano ba yan dad bakit kaba sumusigaw?" Naiiritang tanong ni Luna habang nakahawak sa dibdib.
"M-masamang panaginip" sabay tingin kay Keir. " anak b-bading ka daw? At nagkarelasyon ka sa anak ng illegal arm dealer" nagpapawis na paliwanag ng ama.
"H-hindi...-"
"Sabi ko na nga ba panaginip lang iyon" putol ni Jm sa sinasabi niya.
"D-dad hindi po panaginip iyon, t-totoo po lahat ng iyon" nahihiyang saad ni Keir.
"A-anong-" hihimatayin nanaman sana siya ngunit hinampas siya ng malakas ni Jam.
"Subukan mong himatayin nanaman at talagang bubugbugin kita para mawalan ka ng malay.
"P-pero, bakit Keir? Kailan pa naging kayo?" Naguguluhan paring tanong niya sa anak.
"Three years dad, but don't worry it will not affect your mission, wala na kami, tinapus ko na" Keir.
"Mabuti naman kung ganun, ayaw kong masangkot ka dahil lang sa relasyon ninyo nang lalaking iyon, madamay kapa sa kalokohan ng mga Acosta, at the same time malalaman nilang ang nag iisang lalaki ko ay bading pala" malungkot na tugon ni Jm.
"Okay lang iyon dad atleast may sister pala ako - Ouch!" Sigaw ni Luna dahil sa pagkakahampas sakanya ng ama ng unan. "Mommy ohh si daddy" parang batang sumbong niya sa ina.
"Itigil na nga ninyo iyan, tara na bumaba na nga tayo para makapag haponan na" yaya ni Jam sa mag-aama.
____________________
"Nicola Alonzo gising!!!" Nakakabinging sigaw ni Keir sa sarap na sarap palang ang tulog na si Nic.
"A-ano ba ang sarap sarap paring matulog ehh" nakapikit paring sagot niya at mas lalong niyakap ang unan.
"Grabi kang bakla ka, bumangon kana nga dyan!" Naiiritang tawag niya kay Nicola. "Araw-araw ko bang gagawin ito sayo na maging alarm Clock mo?" Sabay hila sa kumot niya. Natigilan siya ng makita ang hubad na katawan ng dalaga. Nakapanty lang siya. Buti nalang ay bahagyang nakadapa siya kaya hindi niya nakita ang dalawang bundok ng dalaga.
Bigla niyang itinapon pabalik sakanya ang kumot at mabilis siyang tumalikod.
"P-pwede ba Nic kapag natutulog ka huwag ka ngang ganyang nakahubad, kababae mong tao" ngunit nakatalikod parin siyang umupo sa upuang nakaharap sa bintana.
"Hihihi, bakit naiinlove kanaba saakin beshy? Sexy ba ako?" Natatawang tanong niya sa binata nakakatawa kasi ang reaksyon niya at tumayo na siya para tumungo sa banyo.
"Tigilan mo ako Nicola, nakakasuka ka. Kahit beshy tayo may respeto parin naman ako sayo" naiinis na pahabol niya. Mahabang napabuntong hininga siya nang marinig na sumara na ang pinto sa banyo kaya tumayo na siya upang tignan ang kabuuan ng kuwarto. Pero napako ang tingin niya sa kabuuan talaga.. ng katawan ng dalaga, hindi siya makagalaw sa nakikita, nakaharap ito sakanya kaya kitang kita niya ang dalawang kalakihang bundok niya, hindi siya makagalaw maging si Nicola.
Agad namang tinakpan niya ang dibdib ng nakabawi siya sa pagkabigla at patakbong pumasok sa banyo.
Akala niya ay ang banyo ang isinara niya, iyon pala ay ang lalagyan ng mga damit ng dalaga.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Nicola na nakabihis na.
"T-tara na" nahihiyang yaya niya sa dalaga. Ano ba yan pinagpapawisan na siya ng malamig dagil sa nakita.
Nakakainis pa lalo pinulupot pa ng dalaga dalaga ang kamay niya sa braso nito kaya ramdam niya ang bundok nitong nakadikit sa braso niya. Oo noon normal lang pero ngayon para siyang naaasiwa dahil sa nangyari.
______________
"Hoy! Keir kanina kapa namin hinahanap andito ka lang pala sa tambayan!" Sabay hampas ni Angelo sa muka anh sarap na sarap na natutulog sa sofa, kasama niya ang kakambal na si Lord.
Dumeretso naman si Lord sa mini ketchen para maghanap ng makakain.
"Akala ko patay na ako dahil andito kayong dalawa" namumungay na sabi ni Keir at naupo sa sofa.
"Ganon naba kami kapoge, at muka kaming anghel?" Nagpoge sign pa talaga itong Angelo.
"Hindi! Akala ko mga demonyong lilitis saakin sa impyerno!" Naiiritang sagot niya.
Ngunit tumawa lang itong si Angelo. "Hinahanap ka saamin ni Nicola, namiss ka yata ng syota mo"
"Pwede ba hindi ko siya syota, kaibigan ko lang siya" naiiritang sagot niya kay Angelo.
"Ganun, kaya pala mukang pinupormahan siya ni Calvin, sinamahan na siya ni Calvin, kasama ng kakambal mo" nakangiting wika ni Angelo.
Hindi na siya sumagot at muling humiga, ngunit andoon ang iritasyon sa utak niyang, naiisip na magkasama ang dalawa. Bakit ba siya naiinis.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
RandomMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...