Chapter 6

8 0 0
                                    

Third Pov

"Arrgghh" nainis na singhal ni Luna, at napatingin sa kapatid. Napangiti naman siya sa nakitang nasa gilid ng labi ng kaniyang kapatid.

"Aheem.. Ang lalim ng iniisip ng twinee ko, hihihi" natatawang saad niya.

"Huwag mo nga akong pakialaman" walang ganang sagot niya, na nakatingin parin sa labas.

"Ohhh" sabay abot naman ni Luna ng tissue sakanya.

Tinitigan niya ang inaabot sakanya ni Luna." Aanhin ko naman yan?" Nagkakatang tanong niya.

"Punasan mo yang lipstick sa labi mo bago pa tayo umuwi" nakangiting sabi ni luna na pinipilit na huwag tumawa.  Kaagad namang kinuha niya ang tissue na iniabot sakanya.

"Mukang lalaki na ang kuya ko, hihihi" natatawa ngunit mahinang sabi ni Luna " o baka naman nagppractice kang maglagay niyan?"

"Tumigil ka nga dyan Luna" naiinis na sabi niya. Buti nalang ay hindi na nagtanong ang magaling niyang kapatid.

___________

"Maupo ka Nicola" alok sakanya ni Calvin sa upuan na nakaharap naman kay Keir na busy sa paglalaro sa cellphone niya. Ngunit bigla itong tumayo at pumasok sa isang silid na mayroon sa sa office ng ama nila Calvin. Nagpasadya sila Calvin ng silid sa office ng kanilang ama para sakanilang magpipinsan dahil minsan ay maaga pa silang nagigising para pumasok ehh si Caze at Czerina ay mahilig matulog kayat kinulit nila ang kanilang ama para magpalagay ng silid na kumpleto sa kagamitan na pwede nilang pagtuluyan kapag naiinip, may mini kitchen din sila dito upang hindi na sila pumila sa canteen at mga maliliit na kuwarto na pwede nilang pagtulugan.

"May LQ yata kayo ahh" usisa ni Lord na kakalabas lang mula sa kitchen na may bitbit na piatos.

"H-ha? W-wala naman" nahihiyang sagot niya.

"Pansin ko kasing nitong nakaraang araw ay hindi kayo nagpapansinan, madalas pa naman na nakikita ko kayong sabay na pumapasuk sa school, dibat sinusundo ka niya sa bahay ninyo?" Nagtatakang tanong ni Lord.

"Woow, ang haba nun ahh Lord!" Nakangiting sagot ni Allen. Sanay kasi silang tahimik lang si Lord.

"Wala kana doon" - pinagpatuloy nalang niya ang pagkain, kung ano pang mapansin nila s sinsabi niya, nakakainis lang.

Napabuntong hininga naman si Nicola, mabuti nalang at sumingit si Allen, kung hindi paniguradong mag-uusisa ang mga ito.

"Tara, Nicola, kain na tayo" yaya ni Calvin sakanya.

"Woow, pinupormahan mo Calvin? Kaya naman pala dumistansya na si Keir sakanya para hindi makaisturbo sayo" nakangiting sabi ni Alen.

"Huwag ka ngang makialam dyan alien" naiiritang sabi ni Calvin.

"Hoy, Allen, A.L. L.E.N ang pangalan ko hindi Alien!"  Inespell pa niya nang nakapasok na ang dalawa sa kitchen.

"Uyy, Keir andito si Nicola" tawag ni Allen nang nakita siyang lumabas sa kuwarto. Pero hindi ito sumagot at tumuloy sa kusina. Bahala na basta nagugutom na siya, kanina pa sana siya kumain, hindi naman kasi niya alam na pupunta siya dito.

"Kain" yaya ni Calvin habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ng dalaga, pero walanh imik ang dalagang nakatingin sa daliring nilalaro.

Kumuha siya ng pinggan at nilagyan ng kanin at adobong manok at lumabas na para sa sala nalang kumain.

"Bakit dito ka kumakain? Doon ka sa kusina" saad ni Gino na kakarating lang, as ussual walang kaalam-alam dahil lagi naman siyang wala at andoon kumakabilang school sa NPU. Mukang andoon ang tinitipuan niya.

"Wala kana doon, gusto kong manood habang kumakain" saad ni Keir.

"Buti naisipan mo pang umuwi dito, ha, Gino?" Tanong ni Keir na naka indian sit na habang may unan sa lap. "Akala ko magtatransfer kana sa NPU?" Nang-aasar na tanong niya.

"Malapit na" walang ganang sagot ni Gino para matapus na ang kakulitan.

"Hahaha, truth lagi nga namin siyang kasama doon ehh" Allen

"Waaahhh, bilisan ninyo!!!"" Narinig nila ang mga mag-aaral na nagtatakbuhan sa labas. Mukang may hinahabol.

"Ano ba iyon? Ang iingay? Naiiritang lumabas si Caze dahil mukanh nagising sa ingay ng mga estudyanteng nagsisigawan sa labas.

" Ewan" tipid na sagot ni Alen. Kaya sabay-sabay silang napatayo maliban kay Keir na kumakain at lumabas silang lahat para makita kung anong nangyayari sa labas.

" I LOVE YOU SUZETH!!!" Narinig nilang sigaw ng lalaking nasa labas ng open field ang dami ng mga estudyanteng nasa labas na nanunood at nagbubulbulungan. "Please suzeth, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko, patawad, mahal na mahal kita!" Sigaw nito habang nagmamakaawa sa babaeng nakatayo kasama ang dalawang babae.

"Umalis kana Jerome!" Tanging sinabi ng dalaga, na pinipilit na huwag sumigaw.

"Umalis kanang lalaki ka kung sino ka man, nakakaisturbo kana!"

Napatingin silang lahat sa lalaking nagsalita na may baritonong boses. "Alam mo bang naistorbo mo ang pagtulog ko dahil sa gulong ginagawa mo, at lahat ng mga ginagawa ng mga estudyante dito" walang emosyong saad ni Caze. Nakakainis lang dahil ang sarap-sarap ng tulog niya ngunit ang ingay- ingay nila.

"Hoy miss" sabay tingin sa babaeng nasa gitna ng dalawang babae, kaya upang matigil na ang nangyayari ay hinila niya ang kamay nito upang ilayo ito doon.

"Sandali! Wala kang karapatang ilayo si Suzeth saakin! Oo kilala kita Caze de Guzman, kayo ang may-ari ng school na ito, pero wag mong panghimasukan ang buhay ng ibang tao!" Matapang na sagot niya. Kaya napahinto si Caze sa mga narinig at napangisi siya.

"Nasa loob ka ng teretoryo ko, at inestorbo mo ang pagtulog ko, kaya umalis kana dito, hindi ka taga dito diba? Sa FEU ka ayon sa uniform mo? Hindi ka welcome dito kong mang gugulo ka lang!" Naiiritang sagot niya at hinilang muli ang kamay ng dalaga.

"Hindi ako nanggugulo, pinapakita ko lang kung gaano ko kamahal si Suzeth!" Pahabol na sabi nito, ngunit hindi na siya pinansin na patuloy parin ang pag alis.

( Credits po, sa pag gamit ko ng FEU :) hehehe, isa kasi sa gusto ko na university pagdating sa basketball )

Astig Na Bestfriend Kong BadingWhere stories live. Discover now