Keir's Pov
Anong ginagawa ni Jun dito, manggugulo nanaman ba siya? Tanong ko sa sarili ko ng makita si Jun na naghihintay sa labas ng gate.
"Uyy kumakain din pala kayo dito?" Paalapit saamin sina Angelo at Allen ay andito, ano nanaman bang trip ng mga ito at laging andito.
"Bakit andito nanaman kayo ha? Alangan namang dito lang may nagtitinda ng fishball?" Pagsisinuplada ni Caren sakanila.
"Hahaha, wala naman mas namiss namin dito ehhh" sabay tusok ni Allen ng fishball.
"Tsk! Palusot!" Bulong ni Lord na nakikitusok na din sa fishball.
"Si Nicola ohh" turo ni Angelo habang sumusubo ng fishball. Shit! Bakit sila magkasama ni Jun? Hindi maari.
Nagkatinginan kami nina Angelo at Lord, mukang alam na din nila kung ano ano ang iniisip ko na pwedeng mangyari kay Nicola, pero ngayon hindi pa kami pwedeng kumilos dahil maaring makatunog sila saaming mga under spy.
"Sige guys mauna na kami, mukang may kailangan pa kaming ayusin ngayon" kaya umalis na si Lord at Angelo.
"Ehh, ikaw? Hindi kapaba aalis?" Naiiritang baling ni Caren kay Allen na prente paring kumakain ng fishball.
____________
Third's Pov
"Hoy umayos ka nga Lord, parang wala kang natututunan ahh" naiinis na itinakip ni Angelo ang dyaryong hawak upang takpan ang kaniyang muka.
"Tanga ka talaga, kakambal ba kita?" Parang timang lang ang kakambal dahil sa pagtatakip ng muka. Ang ganda ng usapan nilang act normal, pero ang ginagawa ng kapatid ngayon ay act crazy.
"Aba oo, ako yata ang pinakamatalinong kapatid mo?" Pagmamalaki niya sa sarili habang binubutasan ng maliit ang dyaryo upang pagsililan niya. "Takpan mo yang muka mo" naiinis na pakukumbinsi niya sa kapatid, pero imbis magtakip at tumayo ito upang pumunta sa counter.
"Miss dalawang slice ng ube cake" habang nag oorder ay pinapakiramdaman niya ang dalawang nagtatawanan, mukang kinukuha nito ang loob ni Nicola para mas madali nila itong mapiga, pero nagkakamali sila, kahit walang alam si Nicola ay hindi nila hahayaang mapahamak o madamag ito.
"Andito din pala kayo? Sumabay nalang sana ako " tanong ni Keir na kakapasuk lang at tumabi kay Lord na nasa counter. "Miss isang lemonade at ube cake. Miss nag oorder ako" napakunot nalang ang noo niya na tinignan ang nasa counter na babaeng nakatulala sakanilang dawa na palipat lipat ang tingin sakanila.
"Bakit hindi mo sinabi saakin Lord na temang pala ang mga nagtatrabaho dito? Ikaw na bahala sa order ko" tumalikod na siya para puntahan si Angelo sa isang table na nasa dulo, ngunit hindi niya hahayaang makalagpas ang dalawa sa paningin niya na ngayon ay nagtatawanan. Hindi niya hahayaang mapurnada ang misyon nila dahil lang kay Nicola. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi siya madamay sa mga halang ang sikmura. Bahagya namang napatingin sa gawi niya si Nicola pero bigla niyang iniwas ang mata, kitanf kita niya kung paano mamula ang pisngi ng dalaga.
_______________
Nicola's Pov
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong saakin ni Jun.
"H-huh? Oo, medyo sumakit lang ang ulo ko" pagdadahilan ko, bakit andito ang tatlong magpinsan na ito, mas lalo na si Keir, sinusundan ba siya? Pero kanina pa sila dito ni Jun, maaaring napadaan lang ito dahil andito ang kambal.
"Nicola, are you still here?" Nakakunot ang noong nakatitig saakin si Jun. "Dahil ba andito si Keir? I know alam mo kung anong tungkol saamin bestfriend ka niya kaya alam mo, pero ang totoo niyan wala na kami, we felt na hindi pala ito ang gusto namin, na hindi pala siya ang mahal ko" may senseridad sa mata niya ang nakikita ko pero hindi ako pwedeng magpadala sa sinasabi niya dahil hindi ko naman talaga alam ang tunay na nangyari sakanila. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko na nasa ibabaw at tinitigan ako sa mata na walang pag aalinlangan "Nakakahiya mang aminin p-pero i-ikaw ang mahal ko" gusto ko mang hilain ang kamay ko pero wala akong mahanap na lakas, nanghihina ako sa sinabi niya, no way ako ang mahal ng bading na ito? Pero andun ang kilig sa puso ko.
"When I first saw you Nic biglang nag iba lahat saakin, bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko, and then I realize kung ano ang totoo nang makita ulit kita sa coffee shop na iyon, you're so pretty Nicola" iniangat niya ang mga kamay ko at dinala sa mga labi niya.
"Ohh Shit!" Napatingin kami sa ingay ng bumagsak na upuan dahil sa pagkakatayo ni Angelo.
"H-ha? S-sorry sumakit lang kasi ang ngipin ko, s-subrang tamis kasi... nitong cake" putol niya sa sasabihin. Ngunit mas pumukaw saakin ang mga matang nagbabagang nakatingin saakin, mata na maaari akong mamatay kung nakakamatay man ang tingin na iyon. Tumayo na siya upang umalis, ngunit parang may senenyas pa siya kay Lord bago tumayo at lumabas na hindi man lang ako nilingon.
"Tsk, papansin" bulong ni Jun na hindi nakaligtas sa pandinig ko pero hindi ko na pinahalata, nakakakilig lang din talaga dahil nainis siya sa inasal ni Angelo. Hihihi.
"Tara na, for sure hinahanap na din ako ng parents ko" mag sisix na din kasi ng hapon, hindi ako pwedeng maabutan ng takip silim okay lang sana kung ihahatid ako ni Amanda o si Keir.
"Ihatid na kita" alok niya saakin nang nakalabas na kami.
"Okay lang magtataxi nalang ako, baka pagalitan kasi ako kapag makita ka" pinara niya ang isang taxi na paparating.
"Mag-iingat ka" sinara na niya ang pinto, ngunit binaunan parin niya ako ng matamis na ngiti, kaya napangiti nalang din ako. Iba talaga ang naramdaman ko sa lahat ng ngiting iyon, pero sana lang ay hindi ako umasa, pero kahit ganun pa man pangit parin tignan dahil nagkaroon sila ng relasyon ni Keir, baka bigla nalang bumalik ang kabadingan ni Jun at balikan si Keir, hindi ko parin pwedeng patulan ang ex ng bestfriend kong bading.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
RandomMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...