Chapter 11

8 0 0
                                    

Kailangan kong maghanap ng mga bagay na maari kong ikonekta sa story na ito. Hihihi. Ayaw kong maging SPG ang mga story ko kaya hanggang bitin na kissing scene lang ako.

__________

Nicola's Pov

Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko, 5 na pala ng umaga, tinignan ko kunh sino ang tumatawag unknown number kaya hinayaan ko nalang pero nag ring ulit ito ng ilang beses.

"H-hello?" Inaantok parin ako na sagutin ito.

"Hello pretty, good morning" isang masiglang tinig ang narinig ko. Napabangon ako bigla.

"G-good morning din" narinig ko ang tawa ng binatang nasa kabilang linya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko,at hindi ko namalayan na napangiti na pala ako.

________________

"Good morning beshy!" Masayang bati ko kay Keir ng nasalubong ko, nabigla yata saakin kaya halos mag dikit na ang dalawang kilay niya.

"Morning" tipid na sagot niya saakin.

"Good morning" nakangiting bati saamin ni Amanda." Blooming yata ang besh ko" habang naniningkit na tumitig saakin.

"Hayy naku, andito kasi si Keir kaya lagi akong blooming" wala akong ibang maisagot, alangan namang sabihin ko na dahil sa kasintahan nitong si Keir kaya ako masaya. Namula naman si Keir sa sinabi ko affected lang. Hihihi.

"Hi" bati saamin ni Calvin, o saakin lang saakin lang kasi nakatingin.

"Tsk" narinig kong pagsisinuplado ni Keir. Napapangiti lang ako sa reaksyon niya, ang cute kasi ng beshy ko. "Anong ngingiti-ngiti mo dyan? Nakita mo lang si Calvin mas lalong sumaya ka dyan?"

"Hindi ahh" tanggi ko.

"Nililigawan kanaba talaga niya?" Tumigil siya sa harap ko para tignan niya ako sa muka ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ano bang problema ng bading na ito? "Layuan mo siya!" Napatingin lahat ng mga estudyanteng nasa paligid namin dahil napalakas ang pagkakasabi niya, mahigpit niya akong hinawakan sa magkabilang braso.

"K-keir b-bitiwan mo ako, masakit"  nagpupumiglas ako pero parang wala siyang naririnig.

"Heyy!!! Keir bitiwan mo na nga si Nicola nasasaktan na siya!" Pinaghahampas siya ni Amanda sa kanyang braso. Binitiwan naman niya ako at tumalikod na siya, iyon iniwan akong nakatulala, hindi alam kung anong gagawin.

"O-okay ka lang besh? Hindi ko maintindihan si Keir, ngayon ko lang siyang nakitang ganyan" nag aalalang tinitigan ako no Amanda. Kung ngayon palang ay ganito na siya kagalit saakin, paano nalanh kaya kung si Jun na ang makakausap ko palagi?

___________

"Ano ba yan ang sakit na ng ulo ko" pagrereklamo ni Amanda, final exam na din kasi namin para ng first sem, nakakaubos ng dugo sa utak ang tuloy tuloy na exam, hindi kasi nasunod ang schedule, buti nalang ay nakapag review ako ng  exam namin para bukas sana.

"Nakakainis ka Keir, sabi ko pakupya lumipat kapa ng upuan, one seat apart tuloy ang test paper ko" pagrereklamo ni Caze. Himala yata andito sila ngayon sa canteen. Kaya pala ang daming mga babaeng nagtitiliin nanaman.

" Buti kapa nga one seat apart ako, ang linis ng papel ko wala akong kasagot sagot, buti nalang naawa pa prof natin at may multiple choice pa---- ouch" - napahawak si Gino sa ulo dahil sa pagkakabatok sakanya ni Luna.

"Paano kaba kasi makakasagot Gino, ehh sa kabilang school ka nag-aaral, hindi namin alam kung kaklase kapa namin ehh" sabay subo ni Luna ng kaniyang Ice cream.

"Ako na pipili besh hanap ka nalang ng mauupuan mukang mahihirapan tayo dahil andito sila, marami ngayong kababaihan dito" alok ni Amanda na nagmadaling pumila, no choice naman ako kaya nagmadali na din akong maghanap ng mauupuan, sa kasamaang palad ang may vacant seat nalang ay ang malapit sa kaliwang pwesto nila.

"Uyy, Hi Nicola kamusta ang exam?" Tanong saakin ni Caze, isang matipid na ngiti lang ang sagot ko sakanya dahil masama nanaman ang tingin saakin ng baklang ito.

Napangiti ako sa nagtxt, nakakakilig talaga ang mokong, pero dapat hindi ako magpadala dito, kasintahan ito ng bestfriend ko, bestfriend ko pa nga ba?

(Hello my pretty, kumain knb? Yayain sana kitang kumain ng lunch)

-andito na kasi ako sa canteen, kasama ko si Amanda na magluch.

(Ahh okay, sayang nahuli ako, but it's okay next tomorrow, pwde na cguro? )

-okay I will.

(What time b?)

-11

(Okay c u tom :). )

"Ahhemmm,! Anong nginingiti ng besh ko?" Nakangiting inilapag ni Amanda ang tray na may lamang pagkain.

"W-wala naman" napayuko nalang ako dahil alam kong namumula nanaman ang buong muka ko.

"No!" Sabay hablot ni Amanda sa Cellphone ko, wala na akong nagawa dahil pumunta siya sa likod ni Keir na pabalik sa mesa nila.

"S-sino tong mr. Handsome na ito? May tawagan pa talaga kayo ms. Pretty?" Natatawang saad ni Amanda. Lagot , masamang tinitigan ako ni Keir bago bumalik sa upuan niya at padabog na inilapag ang tray.

"Woow, carefull bro" pang aasar ni Caze.

___

02
Okay alam kong nagiging boring na siya, hehehe.  Normal na pangyayari.

Astig Na Bestfriend Kong BadingWhere stories live. Discover now