Em's Pov
"Ouch!" Ang sakit ng pagkakabunggo saakin mabuti nalang nakapag balance pa ako, kung hindi naitama na ang pwet ko sa semento.
"S-sorry miss, may hinahanap kasi ako kaya hindi kita napansin" paumanhin saakin ng binata. Ang gwapo naman neto. Bulong ko sa sarili ko.
"Miss okay kalang?" Nagtatakang tanong niya saakin. Lagot nakakahiya nakatulala pala ako sakanya at mukang nakanganga pa ako sa kagwapuhan niya.
"Hahaha, you're so cute" mahinang tawa niya at nakangiti saakin. Kaya napasimangot ako.
"S-sorry, did I offended you?" Nag-aalalang tanong niya.
"N-no, pasensya na nagulat lang ako sa reaction mo" at ngumiti ako ng pilit sakanya nakakahiya lang.
"I'm Jun" sabay lahad ng kamay niya.
"N-nicola" nahihiyang tugon ko sabay abot din ng kamay ko.
"Nice to meet you Nicola"
"Ngayon lang kita nakita dito, are you transferee?" Nic
"Nope, may namiss lang akong tao, kaya pumunta ako dito para makita siya" nakangiting tugon niya.
"S-sino? Baka kilala ko para matulungan kang hanapin siya?" Ouch ang sakint may girlfriend na siya. Umasa naman ako. Bulong ko sa utak ko sabay kagat ng ibabang labi ko.
"Keir... Keir Arezalla" sabay ngiti.
"S-si Keir?" Bulalas ko. Napalakas yata kaya napatingin na saakin ang mga ibang estudyante.
"Emz!" Tawag saakin ni Beshy. Hahaha. Mukang kilala ko na kung sino itong lalaking ito sa buhay niya. Pero masakit lang, itong gwapong lalaking ito na mukang nakabihag sa puso ko , love at first sight , pero itong bading na Bff ko pa ang pinatulan. Nakakasakit sa ego ng pagiging babae ko. Arrgghh.
"Let's go, huwag tayo dito" nakasalubong ang kilay na yaya ni keir na nakatingin sa gwapong binata, sabay hila sa kamay ko. Sempre kamay ko hahawakan niya alangan naman kamy ni Jun. Ano yun? Bromance na ang tingin sakanila at mabubunyag ang totoong pagkatao ng bff ko.
____________
Pumunta kami sa malapit na Mcdo sa University.
"Magkakilala pala kayo, is he your lover?" Tanong ko, napaubo naman itong beshy ko. Pakipot pa.
"Yang bunganga mo!" Mahina ngunit may diin na pagbabanta ni Beshy.
"Hahaha" mahinang tawa ni Jun. Ang gwapo niya, kaso natuhog na siya ng beshy ko. Ayy mali wala palang pagtutuhugan parehong may espada ehh." So she knows everything about you?" Tanong niya.
"Not all" tipid na sabi niya at sumubo ng double cheese Burger.
Tahimik nalang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Ane be yen. Iyong isang beshy ko na crush ko at itong lalaking love ko na yata. Hihihihi. Chaperone nalang ba ako dito.
"Luna!" Tawag ko ng makita ang kakambal ng beshy ko.
"H-hi sainyo" nahihiyang bati niya saamin.
"Alex andito ka din pala" bati ni Jun na mukang kakilala ang kasama ni Luna.
"M-magkakilala kayo?" Tanong ni Luna na ang muka ay parang nasukol sa kalokohang ginawa.
"Yup, we're in same department. Nursing" nakangiting sagot ni Jun.
"B-boyfriend mo Nicola?" -Luna.
"Nope, ngayon ko lang siya nakilala" Bf siya ng kakambal mo, gusto ko sanang idagdag, ewan ko lang kong Bf ba o Gf. Hihihi.
"Dito na kayo maupo" yaya ni Jun sakanila. Pero itong Beshy ko tahimik lang. Siguro gusto niyang makapag solo sila. Gihihi.
_______________
Keir's Pov
"'Di bat sinabi kong huwag na huwag kang pupunta sa school!" May diin ngunit galit na saad ko, kay Jun. Nasa condo na niya.
"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!"
"Sinabi ko na sayo, marami akong ginagawa ngayon! Hindi ko pwedeng ipagliban iyon" malungkot kong saad at naupo sa couch. Kailangan kong tumulong sa operasyon ng aking ama sa pagsukol sa mga palihim na nagpapasuk ng ilegal na armas sa bansa, dahil hindi nila ako kilala. Ang masakit pa nito ay ang Lolo ni Jun ang naididiin ayon sa imbistegasyon. Masakit para saakin.
"Naiintindihan ko, matalino ka Keir, ayaw kong bumaba ang grades mo ng dahil saakin" malungkot na sagot niya at naupo sa upuang nasa harap ko.
"Mabuti pang tapusin muna natin ito, Jun" pigil na pag iyak ko.
"N-no! Hindi ako papayag Keir! Mahal kita!" Napahampas siya sa table at napatayo.
"I'm sorry Jun" tumayo na ako at tumalikod. Ngunit hinabol niya ako at niyakap sa likoran ko.
"K-keir huwag mo akong iiwan" wala nang ibang nagmamahal saakin. Ikaw tanggap ako pero ang pamilya ko hindi.
"Parang awa mo na Jun, pakawalan muna natin ang isat-isa" at unti unti kong tinanggal ang mga kamay niyang nakayakap sakin.
Bago ko pa man maisara ang pinto ay muli ko siyang sinulyapan. Hindi ko kaya na mawala siya saakin, ngunit kelangan ko itong gawin, ayaw kong malaman ng ama ko ang kaugnayan ko sakanya, at madamay ang reputasyon ng ama ko.
YOU ARE READING
Astig Na Bestfriend Kong Bading
RandomMatalik na magkaibigan si Nicola at Keir, lahat ng sekreto nila ay sila ang nakakaalam maging ang tinatagong berdeng dugo nito, pero kahit na ganun ay andoon parin ang pagkacrush niya sa binata, hanggang sa mangyari at dumating na umiwas ang binata...