Chapter 4

10.4K 323 13
                                    

"Bigla ka nawala kagabi?" sita agad sa kanya ng partner niyang si Serna.

Nagkibit siya ng balikat at inabala ang sarili sa pagcheck ng mga folder sa ibabaw ng desk niya.

"Inaantok na ko kaya umuwi na ko," bored niyang saad.

"Seryoso yun? Alam mo may napapansin ako sayo," anito na kinatingin niya rito.

"Talaga? Gaya ng ano?" mapanghamon niyang saad dito.

Umupo ito sa gilid ng desk niya at mapanuring tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Nitong mga nagdaan linggo parang may nagbago sayo..alam mo yun parang wala ka ng sex drive sa babae ngayon?"anito na sinamahan pa ng pagngisi.

Napailing siya sa sinabi nito. Matagal na sila partner nito sa trabaho kaya kilalang-kilala na siya nito.

" Hindi ba pwedeng maglie low muna ko?"aniya.

"Baka naman heartbroken ka kasi hindi kayo ang nagkatuluyan ng kababata mong si Nhovie?" nakangisi pa rin nitong turan.

Tumalim bigla ang mga mata niya rito.

"Gago ka ba? Bakit ba lagi mo binibigyan ng malisya ang relasyon ko kay Nhovie? Alam ko naman ikaw itong may gusto sa kababata ko,siraulo ka," mariin niyang saad.

Nagtaas ito ng mga kamay na tila  sumusuko.

"Hey,hindi ka na nasanay sakin,lagi naman kita tinutukso sa kanya ah! Ahm,saka..crush ko nga siya.."anito.

"Kapatid ang turing ko sa kanya kaya wag mo na akong mabiro-biro ng ganyan kung ayaw mong tanggalan kita ng ulo sa baba," banta niya rito na kinalaki ng mga mata nito.

"Huwag naman ganun,Boss! " nakangiwi nitong turan.

Ilang katok ang kumuha sa atensyon nilang dalawa at agad na sumaludo sila ng makita ang chief commander nila iyun.

Sumaludo din ito sa kanila pagkaraan.

"May bago akong assignment na ibibigay sa inyo," anang ng matandang chief commander nila.

"Talaga,Sir? Wow,favoritism niyo talaga kami,Sir!" reak ni Serna.

Siniko niya ito.

Nanatili naman seryoso ang chief nila.

"Ipapadala ko kayo sa Aurora para escortan ang isang grupo mula sa isang hospital para maghatid ng tulong sa isang kabundukan roon kaya ihanda mo ang team mo,Vecerel," baling nito sa kanya.

"Sa Aurora po? Di ba meron naman po sila makukuha dun?" reaksyon ni Serna.

Lihim siyang napailing sa hilig nito na mag-usisa sa lahat ng bagay.

Dito naman bumaling ang chief nila.

"Kumpare ko ang may-ari ng hospital at mga doctors at nurses niya ang ipapadala niya roon kaya sa akin siya humingi ng pabor,may reklamo ka pa dun?" seryosong sagot nito kay Serna.

Napailing na lang. Nakita niyang napangiwi ito at sumaludo.

"Wala na,Sir!" anito.

"Vecerel,Mamayang gabi na ang alis niyo kaya lahat ng team  mo ihanda mo na ngayon para sa pag-alis niyo mamaya," maawtoridad nitong sabi sa kanya.

Sumaludo siya rito.

"Sir,yes,Sir!" aniya.

Agad na umalis ang chief nila.

"Wow,sana sa Iraq na lang tayo pinadala mas exciting pa," bored na komento na naman nito.

"Kilos na,tipunin mo na sila para sa briefing,go," utos niya rito bilang leader ng team niya.

"Okay,Boss.." anito na kinailing na lang niya.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon