Chapter 18

9K 270 12
                                    

Sabi niya noon. Sa hundred years ng buhay niya sa oras na matagpuan niya o magtagpo man sila ay susulitin niya ang mga oras na magkasama sila. Magdidate sila sa lahat ng lugar na pinupuntahan ng magkasintahan at kakain sa mga fine diners na may romantic ambiance at ang dalawang bagay na iyun na magpapasaya sa kanya ay ibinigay sa kanya ni Alvin.

Kaya naman napakasaya niya na ito ang lalaki itinakda sa kanya. Lahat ng naisin niya walang reklamo itong ibibigay sa kanya. Gaya na lamang ngayon na napagtrip-an niyang kumain ng ihaw-ihaw.

"Doctor ka di ba? Hindi niyo gusto ang kumain ng mga ganito kasi sabi niyo nakakacancer daw?" untag sa kanya ni Alvin habang hinihintay nila ang order nilang isaw,dugo,betamax at ulo ng manok.

Nagkibit siya ng balikat rito. "Depende kung gaano ka kadalas kumain,baby..kung aabusuhin mo may posibilidad na mangyari ..maraming sakit kang makukuha hindi lang cancer," aniya.

Tumango-tango ito. Pareho sila nakaupo sa hood ng kotse nito. Nasa may gate lang ng subdivision ng tinitirhan nito ang nagtitinda ng ihaw-ihaw.

"Sabagay nga naman.."usal nito.

"Boss! Okay na 'to!" pukaw sa kanila ng lalaki nag-iihaw.

Agad na lumapit roon ang binata para bayaran ang mga ihaw.

"Ang dami talaga nito,di ko akalain na kumakain ng mga ganito," anito.

Kinuha niya rito ang plastic.

"Kumakain din ako ng baboy-ramo..bayawak o mga exotic na pagkain,Vecerel," nakangisi niyang saad.

Nanlaki ang mga mata nito.

"Seryoso yun?"

"Hindi lang ako tipikal na babae,Alvin..marami ako kayang gawin na hindi kaya ng mga babae dito sa mundong ito," aniya na binuntutan niya ng pagkindat rito at saka nauna ng sumakay ng kotse nito.

"Wow,that's my baby.."

Narinig niyang saad nito bago siya tuluyan makasakay ng kotse nito saka mabilis itong sumakay na rin sa driver's side.

"How's your family now? Parents and siblings?" untag niya kay Amore habang magana ito kumakain ng inihaw nito.

Natigilan ito saglit at muli nagpatuloy sa pagsubo.

"Nag-iisa na lang ako ngayon at wala akong kapatid," anito.

"Oh,I see.." aniya.

"Ahm,nalaman ko na hindi ka lang basta-basta doktor..you are so rich at kahit magtrabaho ako ng magtrabaho ng maraming taon wala pa rin sinabi ang yaman ko sa yaman mo..doble,no, triple pala ang antas ng buhay mo sakin,"

Nangunot ang nuo nito na napatitig sa kanya.

"Anong pinupunto mo?" anito.

Marahas siyang bumuga ng hangin.

"Na langit ka at lupa ako. Ngayon ko lang narealize yun," aniya.

"Importante ba yun sayo?"matiim nitong saad.

Natitense na sinalubong niya ang matiim nito titig sa kanya.

Shit,bakit ba kasi sinabi pa niya yun. Hell,nitong nakaraan lang umukilkil sa isip niya ang tunay na pagkatao o anong klaseng buhay mayron ang nobya. Nagsearch siya tungkol dito at ginawa niya yun dahil gusto niya maging perpekto siya rito.

" Ayoko nga isipin yun eh,kaso nga lang gusto kong maging perpekto sayo para..para hindi ka na maghanap ng iba na may kakayahan na pantayan ka.."matapat niyang saad.

Bumuntong-hininga ito at napailing. Bigla siya nakaramdam ng pagkapahiya rito.

"Grabe ka sakin,wala akong pakielam kong sa antas-antas ng buhay na yan..hay naku,wag mo ng alalahanin ang bagay na yun,naiinis tuloy ako sa inaasta mong yan," paniningkit ng mga mata nito sa kanya.

Napapahiyang binaba niya ang paningin sa plato niya.

Napaangat siya ng mukha rito ng hawakan nito ang nakakuyom niyang palad sa gilid ng plato niya.

"Ikaw ang importante sakin..mas mahalaga ka kaysa sa yaman ko," matiim nitong saad.

Napangiti siya sa sinabi iyun ng dalaga.

"Okay,napanatag na ko..please,sa akin ka lang," aniya at pinagsalikop niya ang kanila mga daliri.

"Of course and you are mine,too.." anito na may ngiti sa mga labi.

Alright,erase that insecurities,Vecerel!

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon