Chapter 32

7.7K 254 12
                                    

Agad na hinanap niya ang lalaking nagbabanta sa buhay niya. Malaki ang tulong na binigay sa kanila ng Siegfred Security Agency tungkol sa inpormasyon kung saan matatagpuan ang subject nila.

Nakatanggap sya ng tawag mula kay Dwayne Siegfred. Kinagulat niya na alam nito ang kaso na inaasikaso niya. Wala siyang idea kung bakit nito iyun alam.

Gayunpaman,hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na kumilos agad siya kasama niya ang mga kabaro niya para dakpin ang leader ng sindikato na nakatakas.

Ngayon sila magtutuos dalawa.

Hindi naman siya nahirapan na makita ito agad.

"Saan ka pupunta?!"agad na pagtutok niya rito ng baril sa papatakas na lalaki.

Natigilan ito at humarap sa kanya.

"Oh? Nice to see you again,Vecerel,"nakangisi nitong turan.

Nanatili nakatutok rito ang baril niya.

" Bakit ka tatakas? Nandito na ako,ako na mismo ang lumapit sayo para makaganti ka,"tiim-bagang niyang saad.

Tumawa ito. "Isa ka talagang matapang na pulis pero sa tingin mo natatakot ako sayo?!" pagdilim ng anyo nito.

"Sino ba natatakot satin dalawa?" madiin niyang saad sa madilim at matigas na anyo rin.

"Mukhang talaga pinadali mo lang ang buhay mo,bata..hindi ka dapat basta-basta lumalapit sa Leon!" anito sabay paputok sa kanya.

Agad naman niya iyun naiwasan at gumanti siya ng putok rito pero nakailag din ito.

Sinugod siya nito at buong tapang na sinalubong niya ito at una niya tinarget ay sipain ang kamay nito na may hawak na baril. Nagtagumpay siya pero nasukol agad siya nito. Malakas na suntok ang tumama sa mukha niya.

Malaking lalaki ito at kasingtigas ng bato ang katawan. Pero hindi siya papatumba rito. Mas mabilis at maliksi siya kumilos kumpara dito kaya may lamang siya kahit papaano.

Agad na inilagan niya ang sarili na tangka siya nito tadyakan. Iniumang niya rito ang baril niya pero sinipa nito ang kamay niya para mabitawan niya ang baril at tumalsik ng ilang metro mula sa kanya.

Shit!

Huli na para tangkain niyang damputin ang baril niya ng tamaan siya ng suntok sa sikmura niya. Napaigik siya sa sobrang sakit.

Fuck!

Halos namaluktot siya sa sakit. Dinaklot nito ang kwelyo niya at isang suntok naman sa mukha ang sunod na ginawa nito sa kanya. Nabuwal siya sa lupa dahiL bigla siya nakaramdam ng pagkahilo.

Nayanig ang utak niya sa lakas ng suntok nito sa kanya.

"Mahina ka,bata!"mapanganib na saad nito habang dinadampot nito ang baril nito.

Pilit sya bumangon para abutin ang baril niya na ilang dipa ang layo sa kanya.

"Magpaalam ka na,magiting na pulis!" malademonyong saad nito.

Bago pa man iputok nito ang baril sa kanya bigla na lamang may malaking nilalang ang sumulpot at binalya niyun ang suspek.

Namulagat siya sa biglaan pagsulpot ng pamilyar na hayop na iyun.

Nakita niya ang pagbalya ng suspek sa pader at walang malay na bumagsak sa lupa.

Niligtas na naman siya ng malaking hayop na iyun!

Paano ito napunta roon?!

Bumaling sa kanya ang malaking hayop. Kumikinang ang puting balahibo nito sa ilalim ng maliwanag na buwan. Nagtama ang kanila mga mata.

"I-ikaw..niligtas mo muli ang buhay ko.." hingal na usal niya.

Nanatili siya nakatitig rito ng humakbang ito palapit sa kanya. Anyo ito ng isang napakabangis na hayop pero hindi siya nakaramdam ng takot para rito.

"S-salamat sayo.."anas niya.

Isang putok ang pumainlanlang at gayun na lang ang pagkabigla niya ng makitang nakatayo ang suspek pero agad din tumalsik ito ng balyahin muli ng malaking hayop ang lalaki.

Agad na tumayo siya kahit masakit ang lahat sa kanya. Nagpaputok ang suspek at sigurado siya na tinamaan ang malaking hayop.

Natulos siya sa kinatatayuan niya ng bigla mabuwal ang malaking hayop.

Hindi. Agad na nakabawi sya sa sarili mabilis na nilapitan niya ito pero gayun na lang ang pagputla at panlalamig ng katawan niya ng masaksihan niya ang unti-unti pagbabago ng malaking hayop.

"Amore!!!"

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon