Chapter 31

7.6K 222 8
                                    

This Chapter dedicating to April Rose Nuyda Sola,happy birthday to you!!!

Greeting from me and your mate Vladimir Riczon✌😊 !

Walang ingay na umapak ang mga paa niya sa lupa mula sa paglundag niya sa mataas na pader. Isang malaking bahay na pag-aaari ng taong nagbabanta sa buhay ni Alvin.

Madilim na ang buong paligid pero naging maingat siya dahil nagkalat sa paligid ang mga tauhan nito.

Isang araw niya pinaghandaan ang plano niya ito. Hindi niya hahayaan na masaktan nito si Alvin. Kung kinakailangan na pumatay siya papatay siya.

Pero hindi tayo papatay ng mahihinang tao..saad ng kanyang inner wolf.

Gaya ng kakayahan. Ihihipnotismo niya lang ito at boom kusa ito susuko sa mga awtoridad at kakalimutan ang tungkol sa paghihiganti nito kay Alvin.

Madali niya iyun magagawa kung magiging maingat siya ngayon gabi.

Tinanaw niya mula sa madilim na bahagi ng bakuran ang terasa. Walang hirap na nilundag niya iyun.

"Ang susunod na target ay ang babae.."

Narinig niya mula sa loob ng silid na iyun.

"Yung nobya niyang doktor?" anang ng isang boses.

"Oo..alam niyang idadamay ko sa galit ko sa kanya ang nobya niya. Siguradong hindi na iyun makakatulog ng maayos," mapanganib na saad ng naunang nagsalita.

Naikuyom niya ang mga palad. Nandito na ako para unahan kayo.

Huwag ka magpadalos-dalos,hintayin mong mapag-isa ang subject,anang ng inner wolf niya.

"Anong gagawin sa babae,boss?"

"Simple lang,kidnapin siya at dalhin siya rito..maganda ang doktor na yun at matagal na rin ng huli ang tumikim ng babae," anang nito na binuntutan pa ng malademonyong tawa.

Nagdilim ang anyo niya sa sinabi ng hinayupak na lalaking iyun.

Yuck ha,as if naman na kaya niya tayo,gigil niya ko ha! Durugin kaya na natin siya!,inis na saad ng inner wolf niya.

Napangisi siya.

So? Sino ngayon ang padalos-dalos satin dalawa?

"Sige,boss! Kikilos na kami..ang huling radyo samin hindi magkasama ang dalawa pero nakita ng tao natin kung saan matatagpuan ang babae," anang ng utusan nito.

Bumukas at sumara ang pintuan. Naghintay pa siya ng ilang minuto bago siya nagpasya na pasukin sa loob ang subject niya.

Bukas ang sliding door sa terasa kaya maingat na binuksan niya iyun pero bago pa man siya makapasok nakarinig na siya ng putok.

What happen?!

Mabilis siya nagkubli sa itaas ng bubungan ng bahay ng bumukas ang sliding door at mula sa itaas dinungaw niya ang may edad na lalaki na nakadungaw sa ibaba.

"Anong nangyari?!"

"B-boss! M-mga pulis!!" natataranta saad ng isang tauhan nito.

"Putang***!"

Nagmamadali pumasok sa loob muli ang lalaki.

Muli nagkaputukan.

"Kasama si Alvin!"

Naalerto siya ng marinig ang pangalan ng kasintahan.

Hindi mo ata alam na susugod ang lalaking iyun ngayon dito?!

Napaangil siya.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon