Chapter 5

10.5K 308 13
                                    

Maaga niya inihanda ang team niya para iskortan ang isang grupo ng mga doctors at nurses na maaga din dumating sa pinag-usapan lugar na pagtatagpuan nilang lahat. Nakilala na nila ang mga doctors at nurses pagkatapos sila ipakilala ni Mr.Crus sa mga ito at hindi naiwasan na kiligin ang mga nurses na makita siya.

Well,sanay na siya na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa siyang lalaki na pinagpala ng magandang mukha at katawan plus na lang talino na meron siya.

"Sino na lang ba hinihintay natin?" untag ni Serna sa kanya na tila inip na inip na.

"Sabi yung founder nila," tugon niya habang inaayos ang duffle bag niya na bibitbitin niya sa pag-akyat ng bundok.

"Wow,kinarir ang pagkaimportante niya,siya na lang ang wala eh," sarcastic nitong bulalas.

Tinapik niya ito sa balikat. "Alam mong dalawang araw lang tayo dito kaya magtyaga ka lang makakabalik din tayo sa maynila," aniya.

"Sana mabilis ang oras dito," anito.

Napailing na lang siya.

Sinulyapan niya ang suot na mamahaling sports watch na nasa pulsuhan niya. Regalo iyun sa kanya ni Nhovie Ann. Ang kababata niya na ngayon ay masaya na sa asawa nito.

Masaya siya para sa kababata na natagpuan na nito ang lalaking makakasama nito sa habambuhay.

"Doktora!"

Naulinigan niyang saad ng isa sa mga doctor na lalaki. Hindi na lang niya pinansin dahiL abala siya sa pagbabuckle sa duffle bag niya.

"Boss,ready na..dumating na yung hinihintay nila," paglapit sa kanya ng isa niyang katrabaho.

"Ganun ba,sige..halika na kayo para maaga tayo makarating dun," aniya at saka sinukbit niya sa likuran ang duffle bag niya.

Siniguro niyang nakasukbit ang lisensyado niyang baril sa gilid ng beywang niya at pagkaraan minanduhan na niya ang mga kasamahan niya para umpisahan na ang pag-akyat sa kabundukan.

Nauna ang team niya sa paglalakad habang abala sa kanya-kanya pagkukwentuhan ang mga ito sa likuran nila.

"Damn! Ang ganda nung founder nila!" bigla paglapit sa kanya ni Serna.

"Ha?"

"Sabi ko maganda yung founder na late na dumating,mukhang hindi ako maiinip habang nasa bundok tayo.." nakangisi nitong saad na tila may pinaplano itong hindi kaaya-aya.

Napailing siya sa inaakto nito. Kilala niya ito halos magkapareho lang sila nito ng likaw ng bituka pagdating sa babae. Yun nga lang medyo nagbago siya nitong mga nakaraan na araw.

Agad na iwinaksi niya na maalala ang babaeng iyun habang nasa trabaho siya ngayon. Hindi siya magiging alerto kung nagliliwaliw ang atensyon niya sa isang babae kaysa magpokus siya sa trabaho.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"Magaganda sila pero mas maganda yung huling dumating," patuloy pa rin nitong saad na panay pa ang sulyap sa likuran nila.

"Umayos ka..saka ka na magplano ng kahalayan kapag nakarating na tayo sa taas,safety first muna,"bossing niya saad dito.

" Sige,boss..takot ko lang sayo,"anito na kinailing na lang niya.

Sa DREAME na po siya mababasa.

Visit CallmeAngge in DREAME.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon