Chapter 26

7.9K 238 4
                                    

Walang takot na inakyat niya ang matarik na bato paakyat sa ituktok ng talon nangangalahati na niya iyun. Sobrang ganda ng lugar na ito na tinatawag na Sagradong-gubat. Talaga naman na sagrado ang lugar na ito dahil sa sobrang ganda ng paligid.

"Anong ginagawa mo dyan?!" si Amore.

Tumunghay siya mula sa ibaba nakatingala sa kanya ang dalaga.

"Parang ang ganda kasi sa ituktok ng talon!" tugon niya rito.

Hindi ito tumugon kaya nagpatuloy siya sa pag-akyat.

Halos maaabot na niya ang ituktok ng dumulas bigla ang palad niya sa isang bato.

Shit!

Maagap naman siya nakakapit sa isang baging at nakahinga naman siya ng maluwag. Damn,muntik na yun!

Pero akala niya lang yun unti-unti nahatak ang baging at nakarinig siya na parang naputol. At natanto niyang nahuhulog na siya mula sa itaas.

Oh shit!

"Alvin!!!" narinig niyang sigaw ni Amore mula sa ibaba.

Dito pa ata siya mamamatay imbes na mamatay siya sa kamay ng tao na nagbabanta sa buhay niya. Hell! Ayaw niya mamatay sa ganitong scenario. Gusto niya mamatay na lumalaban at higit sa lahat hindi sa harap ng babaeng gusto niya makasama pa ng habambuhay.

Napahigit siya ng hininga nang biglang tumama sa malambot at mabalahibong katawan. Napakurap-kurap siya ng sulyapan niya kung saan siya bumagsak.

Tila huminto ang pagtibok ng puso niya ng makita ang kinabagsakan niya.

Ang malaking hayop na nakita noon sa bundok.

Tigagal siya hanggang sa maibaba siya nito sa lupa. Tulala na nakatitig rito. Napalaki nito. At napakaganda!

"I-ikaw.." usal niya maya-maya.

Nanatili nakatitig lang sa kanya ang malaking hayop.

"I-ikaw yun..ikaw yung nakita ko noon sa bundok," maang niyang saad.

Hinagod ng mga mata niya ang kabuoan nito. Hindi siya makapaniwala na may ganitong nilalang sa mundong ito.

"A-ano ka?" aniya. Naging malikot ang mga mata niya. Hinayon niya ang kinaroroonan ng hinubad niyang T-shirt at sa ibabaw iyun naroroon ang baril niya.

Shit!

"H-hindi mo naman siguro ako sasaktan,di ba? Niligtas mo nga ko eh," aniya na pilit pinapagaan ang sarili mula sa papatubo ng kaba sa diddib niya.

Wala siyang magiging laban rito. Panigurado isang balya lang nito sa kanya malayo ang katatalsikan niya ang masaklap pa dun baka magkabali-bali ang mga buto niya.

"Dito ka ba nakatira?" aniya. Alam niyang mukha siyang tanga na kausapin ito pero paraan niya iyun para makaisip ng paraan kung paano niya ililigtas ang buhay mula rito.

"H-hindi ko alam kung ano klase kang hayop..hindi ako nananakit ng hayop kaya hindi kita sasaktan kaya wag mo akong sasaktan," aniya. Agad na naalala niya si Amore.

"Si Amore.." usal niya at agad na sinuyod niya ang buong paligid.

Nilingon niya ang buong paligid. Bigla nawala ang dalaga at hindi niya gugustuhin na makita nito ang hayop na ito at saktan ang kasintahan niya.

Muli siya bumaling sa malaking hayop pero maliksi itong tumakbo patungo sa kasukalan.

Nakahinga siya ng maluwag ng mawala ito.

"Amore?" usal niya ng makita ito lumabas sa pinagpasukan ng malaking hayop.

Mabilis na lumapit siya rito.

"S-saan ka galing?"tanong niya rito sabay sulyap sa nilabasan nito.

Agad na bumaling siya rito ng hindi ito kumibo.

" I-I'm still alive ..may..may nagligtas sakin,"aniya.

"Alam ko.."mahina nitong usal.

"N-nakita mo? Nakita mo yung malaking hayop? Tama,tama lang na nagtago ka baka..baka saktan ka niya," aniya na may pag-aalala.

Niyakap niya ito ng mahigpit. Ewan niya pero may pakiramdam siya na tila may kung anong hindi sinasabi sa kanya ang dalaga.

Pero ang mahalaga sa kanya hindi sila pareho nasaktan ng malaking hayop na yun.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon