Chapter 34

8K 249 9
                                    

"Amore.." puno ng pagsusumamo usal ni Alvin sa kanya.

"Pakiusap,gumising ka..h-huwag mo akong iiwan..mahal na mahal kita!" lumuluha ng turan ng binata.

Wala siyang magawa kundi ang tumitig sa luhaan mukha nito.

"Pakiusap,ayokong mawala ka sakin,huwag mo akong iiwan.."

"Amore,baby..mahal na mahal kita,"usal nito.

"Gumising ka na..huwag mo akong iwan,Amore,baby.."

Napasinghap si Amore at habol ang kanyang hininga.

Awtomatiko na nasapo niya ang dibdib kung saan may kunting kirot siya naramdaman.

"Amore!"

Napatingin siya sa tumawag sa kanya.

Si Amelia kasunod nito si Sana'a na parehas na may suot na white scrub.

"Huwag ka muna magkikilos,mabagal ang paghilom ng sugat mo," si Amelia.

Napatango siya. Kahinaan nila ang matamaan ng bala mula sa baril kaya mabagal ang paghilom sa kanila mga lobo iyun.

"S-si Alvin," masakit ang lalamunan na usal niya na halos hangin lang ang lumabas sa bibig niya.

"He's fine,kaso naghisterical siya gusto ka niya makita kaso maselan ang lagay mo tapos mahina pa siya dahil sa tama niya sa sikmura kaya naman pinatulog na lang siya ni Gian para magamot ko siya,"si Sana'a.

Napabuntong-hininga siya.

" He saw me..nakita niya akong nagbago ng anyo mula sa pagiging lobo ko,"usal niya sa kawalan.

"Malalaman din naman niya ang tungkol doon,Amore..yun nga lang sa ganun eksena pa,"tugon ni Sana'a.

"Mabuti pang magpahinga ka na muna,Amore..may isa o dalawang araw bago tuluyan maghilom ang sugat mo," masuyo saad ni Amelia.

Ipinikit niya ang mga mata. Nanghihina nga siya.

Gustuhin man niya makita si Alvin nais mo na niya makabawi ito sa sarili. Maging malinaw ang pag-iisip nito lalo na sa nasaksihan nito sa tunay niyang katauhan.

"Kami na muna ang bahala kay Alvin," huling salita na narinig niya mula kay Amelia bago siya tuluyan nahulog sa kadiliman.

"Kumain ka ng madami para makabawi ka agad ng lakas,ayaw mong nakadepende ka sa gamot di ba," anang ni Nhovie na siyang nag-aasikaso sa kanya.

"Nhovie.."

Agad ito tumigil sa ginagawa nito ng tawagin niya ito.

"Bakit?"

"Maniniwala ka ba sakin kung..kung sabihin ko sayo na mula sa isang malaking hayop ay naging si Amore?" aniya.

Mabilis na bumalik sa alaala niya ang itsura ng malaking hayop. Ang unang beses na nakita niya ito sa bundok,sa sagradong-gubat at sa tuwina na nawawala ito sa paningin niya bigla susulpot si Amore kung saan nawawala ang malaking hayop.

Nagpatagpi-tagpi na niya ang mga eksena iyun at pinatibay niyun ang masaksihan na magpalit anyong tao ang malaking hayop.

Si Amore. Si Amore ang malaking nilalang na iyun.

Napukaw siya ng maramdaman ang kamay ni Nhovie sa ibabaw ng nakakuyom niyang palad.

"Alvin..isang..isang lobo si Amore..si Gian,si Sana'a..si Dwayne,at ang iba pa na bumisita sayo dito ay mga lobo," matapat na saad ni Nhovie sa kanya.

"A-alam mo..Paano nangyari yun?"

"Nag-eexist sila,Alvin..pero namumuhay sila gaya ng kung paano tayo namumuhay dito..nagmamahal din sila gaya natin at ikaw ay itinakda kay Amore gaya ko na itinakda kay Gian.."

"Masakit ang ulo ko," daing niya sa kababata.

Gusto niya malinawan at panigurado mauunawaan niya iyun kung ipapaliwanag sa kanya ni Amore.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon