Chapter 27

8K 223 1
                                    

Tahimik na pinapanuod niya si Alvin habang abala ito sa pagdidikit ng kahoy na sisindihan nito para gawin bonfire.

Naisipan nila na magtayo ng tent sa bakuran ng bahay ng mga Stonex.

Nakaupo lang siya sa nakabukas na tent. Naalala niya ang nangyari kanina sa may talon.

Ang pagsagip niya sa buhay nito sa anyong lobo niya at agad na naalala siya nito noong una makita siya nito sa bundok.

She sighed. Nagbago ang desisyon niya. Saka niya ipapaalam ang tungkol sa pagkatao niya sa oras na maayos niya ang kaligtasan nito.

Muli siya napabuga ng hangin.

"Para saan naman yun?"sita nito sa kanya.

Agad na pumasok ito sa tent at pumuwesto ng upo sa likuran niya. Isinandal niya ang likuran sa malapad nitong dibdib.

Niyakap naman nito ang mga braso sa kanya.

" Para saan ang buntong-hininga na yun,hmm?"usal nito sa balikat niya.

"Wala naman..wala bang masakit sayo?" pagbabago niya agad ng usapan.

"Hindi ako nasaktan," anito.

Tumagilid siya ng upo at sinandal ang likod sa isang hita nito. Nanatili siyang nakakulong sa mga bisig nito.

"Pasensya na,bigla ako nawala kanina," maingat niyang saad.

"Mabuti na yun ang ginawa mo kaysa makita mo ang malaking hayop na yun," matiim nitong saad.

"Pero niligtas ka niya," usal niya.

"Oo at kahit papaano nabawasan niyun ang pangamba ko na hindi niya ko sasaktan.." anito sa seryosong tono.

"Paano kung magpakita ulit siya sayo,anong gagawin mo?" seryosong niyang tanong.

Napatitig sa kanya si Alvin.

"Ang totoo nakakamangha na makakita ako ng ganun pambihirang hayop..at sinagip niya ang buhay ko," anito.

Napangiti siya sa sinabi nitong iyun.

"Alam mo bang nakita ko na siya sa bundok na pinuntahan natin last time?" bigla nito sabi.

"Talaga?"

Seryoso ito tumango. "Oo,hindi ko maaari kalimutan ang malaking hayop na yun..pero," anito na may kunot sa nuo.

"Nakikita mo din ba siya? Kasi nung mawala siya bigla kang susulpot gaya kanina,sumulpot ka din kung saan nawala ang malaking hayop na yun," anito na may kunot sa nuo pa rin.

Natigilan siya saglit.

Magpalusot ka na lang,usog ng inner wolf niya.

Tumikhim siya. "Ahm,actually hindi,kanina ko lang siya nakita," aniya.

Hinaplos nito ang mukha niya. "Huwag na natin siya pag-usapan,gusto ko kalimutan ang nangyari kanina," anito.

Tumango siya. "Okay," aniya.

Natahimik silang pareho habang magkatitig sa isa't-isa. Sumasayaw ang liwanag ng apoy sa balat nila.

"Ito ang unang beses na kasama kita sa ganitong scenario,"usal ni Alvin pagkaraan.

"Malakas bang makaromantic effect ng bonfire?" aniya na sinamahan niya ng pagngisi.

Tumawa ito. "Oo.."

Tumawa siya. Masuyo nito hinaplos ang mukha niya at nilapit ang bibig nito sa kanya at agad na sinunggaban niya ang bibig nito.

"Heck,I want you so bad," hingal nitong anas ng matapos ang pinagsaluhan nilang halik.

"I want you too,Alvin," saad niya.

"H-ha?"

Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ito muli dinaklot niya ang batok nito at mapusok na hinalikan niya ang bibig nito.

Ito na ang tamang oras para ibigay niya ang sarili sa lalaking itinakda sa kanya.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon