Chapter 23

8K 238 2
                                    

"Anong lugar ito?" agad na pagtatanong ni Alvin pagkaraan nila marating ang sagradong-gubat.

"Hindi ko akalain na may ganito palang kaganda lugar dito..worth it ang mahabang nilakad natin," anito.

Mahabang lakarin ang ginawa nila bago nila narating ang sagradong-gubat. Mas ginusto niya na lakarin na lang nila papunta rito kaysa sumakay pa na chopper na pag-aaari ng mag-inang Erin at Erol.

Pinagmasdan niya ito bakas sa gwapong mukha nito ang paghanga sa buong paligid.

"Pag-aaari ito ng magkakapatid na Stonex.." aniya.

Bumaling ito sa kanya. "I think ,isa sa Stonex ay yung biyenan ni Nhovie,tama? Saka talaga bang Mama iyun ni Gian? Sobrang bata kasi niyang tingnan.." mangha nitong turan.

Napangisi siya. Kung malalaman lang nito ang totoo baka nga hindi na ito makapagsalita.

Yeah,sureness na maiispeechless siya kapag nalaman niya na hundred years ka na,doktora..anang ng inner wolf niya.

"Nasa lahi nila ang manatiling bata at maganda," aniya.

Tumango-tango ito. Saka ito tumitig sa kanya ng matiim.

"Hmm,anong tinititigan mo sakin?" untag niya rito.

"Pwede ko bang malaman kung ilang taon ka na?" anito.

Bahagya siya natigilan sa pagtatanong nito.

"Bakit mo tinatanong? Matanda na ba ang tingin mo sakin?" aniya.

Hindi ba? Hundred years ka na kaya,saad ng inner wolf niya.

Lihim siya napasimangot.

"Hindi ah,maganda ka,sobrang ganda. Naitanong ko lang naman," anito.

"Paano kung sabihin ko sayo na one hundred years old na ko?"

Natigilan ito.

She chuckle. "Ganyan pala magiging reaksyon mo sakali nga na totoo yun," usal niya.

"Hindi nga?" untag nito pagkaraan.

Natawa siya muli. Hinaplos niya ang pisngi nito at mahina na tinapik-tapik ang pisngi nito.

"Don't worry,age is doesn't matter naman eh," aniya sabay kindat dito bago niya ito talikuran.

Agad din nabitin ang tangka niya pag-iwan dito ng pumulupot sa kanya ang mga braso nito mula sa kanyang likuran.

Ipinatong nito ang baba sa balikat niya.

"Sana hindi ako tumanda at kumulubot ang mga balat ko sa katawan..gusto ko gwapo pa din at makisig pa rin ako sa mga mata mo," usal nito sa gilid ng mukha niya.

"Huwag mo ng isipin ang bagay na yan,Alvin,hindi naman importante sakin ang pisikal na anyo eh," aniya.

Bumuga ito ng hangin. "Mula ng magkasama tayo hindi ko na maiwasan na magkaroon ng insecurities sa sarili ko..Ewan ko ba parang natatakot ako na mapunta sa ibang lalaki ang atensyon mo,"anito.

She sighed. Pumihit siya paharap dito na hindi naghihiwalay ang kanila ang katawan.

"Hindi mangyayari yun,Alvin..itinakda tayo sa isa't-isa..malalaman mo din kung bakit," aniya na may ngiti sa mga labi niya.

Wala siya balak na patagalin ang tunay na pagkatao niya rito. Matagal na siya sa mundong at matagal na rin niya hinintay na magtagpo silang dalawa. Matanda na siya para umastang duwag. Hindi siya ganun.

"Okay,lagi mo ako pinapanatag ang loob ko kapag nagsasalita ka ng ganyan," nakangiti nitong tugon.

Nginisihan niya ito.

"Hindi ka naman siguro magpapa-under sakin sakali man na maging opisyal tayo?"aniya.

Ngumisi din ito.

" Why not,ngayon pa nga lang under mo na ako,"anito.

Tumatawa na mabilis niya hinalikan ito sa labi.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon