CHAPTER II - Milo

514 11 0
                                    

Nasa counter ng gym si Lestat habang pinagmamasdan ang mga pictures ng mga fitness model na pina-print niya, tatlong araw pagkatapos niyang ma-meet si Chelsea. Akala niya ay nakumbinsi na niya ito, pero hindi ito bumisita sa gym. Maya maya pa ay lumapit sa kanya si Roger, may kasama itong babae. Nasa 5'-0" ang taas at may kalakihan ang frame ng katawan, Tantsa ni Lestat ay nasa 200 pounds ang bigat ng babae. Di katulad ni Chelsea, mas maaliwalas ang itsura nito.

 Di katulad ni Chelsea, mas maaliwalas ang itsura nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Roger: Idol, kasama ko na ang pinsan ko. LaDahlia, eto nga pala si idol Lestat, 'sya ang may-ari ng gym.

Nagkamay ang dalawa.

Lestat: Tats na lang ang itawag mo sa akin. Ano ba ang gusto mong itawag ko sa'yo Miss LaDahlia? Pwede ba kitang tawaging, miss beautiful o baby?

Napangiti si LaDalhia sa biro ni Lestat.

LaDahlia: Lia na lang sir Tats, matagal ko ng alam na beautiful ako.

Lestat: 'Yan ang gusto ko, confidently beautiful.

Habang nag-uusap sina Lestat at Ladahlia, may lumapit sa kanilang babae. Si nanay Tess, naka-suot ito ng black leggings, rubber shoes at brown sleeveless.

Nanay Tess: Sir Tats, kasama ko ang anak ko, nasa labas 'sya.

Lestat: Papasukin 'nyo po nay, para po makapagsimula na tayo agad.

Sinundo ni nanay Tess ang kanyang anak na halatang nahihiyang lumapit kay Lestat. Naka-sweater ito ng gray at naka-hood ang ulo, naka-black legging at rubber shoes.

Matapos magkakila-kilala ng tatlong babae, pinasunod ni Lestat ang mga ito sa isang kwarto na may whiteboard at poster ng mga tao na may magagandang katawan.

Kinuha ni Lestat ang kanyang tablet at ipinakita ang isang picture ng matabang lalaki.

Lestat: Four years ago, eto po ako.

Naglapitan ang tatlong babae at tinitigan ang picture ni Lestat. Hindi makapaniwala ang tatlo sa kanilang nakita.

Lestat: Four years ago, muntik na akong mamatay. Mataas na presyon ng dugo, mataas na sugar, mataas na cholesterol at mataas na taba ng katawan. Lahat mataas sa akin, ang mababa lang.... ay ang aking moral. Dumanas ako ng sobrang depresyon. Bigo sa pag-ibig, sabayan pa ng mga taong ginagawa akong kakatwa. Parang wala na akong pag-asa sa buhay at gusto ko ng sumuko. Hanggang sa nakilala ko ang isang mabuting tao, si Coach Arnold Cordero. Binago niya ang paniniwala ko at isa sa bilin niya sa akin ay, "Ituro ko sa iba ang mga naituro niya sa akin". Sabi nga po ni Zig Ziglar, "You don't have to be great to start, but you have to start to be great".

Nanay Tess: Ibig sabihin po sir Tats, may pag-asa pa kami?

Lestat: Opo naman nay, pero dedepende po 'yan sa determinasyon 'nyo.

LaDahlia: Wow! Na e-excite na akong sumexy.

Tahimik lang si Chelsea pero nakikinig sa mga sinasabi ni Lestat. Ngayon niya nauunawaan kung bakit ito determinado na tulungan siya.

Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon