"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapay...
May 3, 2015. Pinapanood ni Lestat ang isang video sa kanyang cellphone nang sumabat sa kanyang likod si Roger. Kaya agad niyang pinindot ang "home button" ng kanyang cellphone.
Roger: Idol! Naka-save pa rin pala 'yang video mo na 'yan?
Lestat: Na-browse ko lang, nakita ko kasi 'yung luma kong memory sa damitan ko kaya tiningnan ko kung anong files ang mga laman.
Roger: Kumusta na kaya si Daisy 'no? Kung makikita ka 'nun ngayon siguradong maglalaway na 'yun sa 'yo.
Lestat: Hahaha. Bilisan mo na lang maglinis 'dyan at mamaya magdadatingan na ang mga customers natin.
Roger: Sinabi ko nga na naka-move on ka na kay Daisy. Eto nga oh, naglilinis na.
Napatingin si Lestat sa kawalan at napa-isip. "Kumusta na nga kaya si Daisy?" Ito ang tanong na tumatakbo sa kanyang isip. Apat na taon pagkatapos siyang ma-basted nito ay wala na siyang nabalitaan sa kaibigan na minsan niyang pinag-ukulan ng pagmamahal. Si Daisy ang isa sa dahilan kung bakit ang dating Two hundred seventy pounds, 5'-10" na binata ay nagsikap i-improve ang sarili. Twenty Four years old na si Lestat ngayon at ang dati niyang anyo ay hindi na mababakas sa kanyang itsura ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Parang Mascot si Lestat na naghubad ng kanyang costume. Hindi na mababakas ang dating itsura nito. Ang dating 45 inches na bewang at naglalawlawang taba sa kanyang tagiliran ay napalitan na ng 30 inches na bewang, six pack abs at lean oblique. Ang dating pisngi na parang puputok at tumutulak sa kanyang mga mata parang maging singkit ay natunaw na. Kaya lumitaw ang kanyang maliit at mabilog na mga mata at manipis na kilay. Lumitaw na din ang kanyang jaw line at cheekbone. Ang baba na dati ay double chin ay lumabas ang original na square shape na mukha. Bumagay pa ang kanyang buhok na unat na undercut ang gupit kaya laging naka-puyod. Ang dating maitim na batok ay makinis na ngayon at pantay na ang maputing kulay ng balat. Ang mga taba na bumabalot sa buo niyang katawan ay napalitan na ng lean muscles. Ang dating matabang bata ay isa ng matikas at maskuladong binata ngayon. Ang siya ding naging dahilan para mapanalunan ang isang contest ng isang sikat na gym at para mapansin ng mga kababaihan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.