November 8, 2015. Nakayuko si Lestat at naimtim na nagdarasal sa loob ng kanyang locker. Ngayon na ang araw ng kanilang pagtutuos ni George. Pagkamulat ng kanyang mata ay huminga siya nang malalim at nag-shadow boxing. Lumapit sa kanya si Coach LA.
Coach LA: Coach Tats, si Attorney Wade, kakausapin ka daw. (Itinaas ang cellphone).
Agad na kinuha ni Lestat ang cellphone kay Coach LA.
Lestat: Hello! Attorney?
Atty. Wade: Coach Tats, pasensya na sa abala.
Lestat: Wala 'yun Attorney. Bakit po kayo napatawag?
Atty.Wade: Pasensya na at hindi ako makakanood nang live ng laban mo. Ibabalita ko lang sa'yo na nakaposte na ang tropa, anytime ire-raid na namin ang bahay ni George Sr.
Lestat: Good news 'yan Attorney. Salamat sa pagbabalita.
Atty. Wade: So paano? Good luck na lang sa laban mo. Galingan mo para kay Chelsea ha?
Lestat: Para kay Chelsea! Salamat attorney. Ingat kayo.
Ibinaba ni Lestat ang cellphone. Pag-ikot niya ay si Attorney Wena naman ang nasa kanyang harapan. Itinaas nito ang isang bond paper at ipinakita kay Lestat.
Lestat: Warrant of Arrest para kay George Manero Jr.?
Nakangiting tumangu-tango si Attorney Wena.
Atty. Wena: Ise-serve na ito Coach Tats. Anong gusto mo, ngayon na mismo o pagkatapos na lang ng laban mo?
Lestat: Maraming salamat po sa tulong 'nyo Attorney (Wena). Tatapusin ko muna ang laban namin. Sayang naman ang trainings kung hindi ko magagamit. Hehehe.
Tumango at sumenyas ng "Ok" si Attorney Wena. Ilang saglit pa ay may lumapit na staff ng Ultimate Combat Championship kay Lestat at sinabi nitong siya na ang lalaban.
Tinawag ang pangalan ni Lestat, sabay tugtog ng kanyang entry song na "We Are One" ng Slapshocks
at nagsimula silang lumakad papunta sa "Octagon (Ring)". Suot ang black loose t-shirt na my logo ng kanilang gym, katabi niyang lumakad sina Coach LA, si Hailey bilang conditioning Coach, isang cutman at si Biglou na kanyang main security.
Nagsisigawan ang mga tao habang pini-play ang kanyang video kung paano niya binugbog si George. Dumadagundong ang buong Arena sa dami ng manonood na halos hindi mahulugang karayom. Lahat sila ay gustong masaksihan ang bakbakang George at Lestat na pinamagatang "Revenge or Regret". Pero patanag si Lestat na lumakad, hindi siya lumilingon sa mga manonood. Ang buo niyang atensyon ay nasa laban nila ni George at ang game plan na pinag-usapan nila ni Coach LA na huwag isipin ang paghihiganti kay George.
Nung nasa loob na ng octagon si Lestat ay agad siyang yumuko at taimtim na nagdasal.
Tumahimik ang buong arena. Ilang saglit pa ay tinawag ang pangalan ni George "The Killer" Manero at pinatugtog ang kanyang entry song na "Mr. P.I.G" ng bandang Greyhoundz.
Naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga manonood habang pinapalabas ang video ng kanyang mga naging laban. Bakas sa mukha ni George ang kumpiyansa. Nagpakalbo ito ng buhok at nagpatubo ng balbas at bigote kaya mas tumapang pa lalo ang pangahang mukha nito. Punung-puno ng tattoo ang katawan nito pero napansin ng mga commentator ang hindi magandang kondisyon ng katawan nito. Malaki ang tiyan, may manboobs at bagsak ang balikat. Six footer si George, may bigat na 202 pounds na pasok sa Middleweight Class.
BINABASA MO ANG
Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)
Romantik"Mataba, Baboy, Balyena, Butanding, Elepante etc"..ilan lang ang mga ito sa mga panunukso kay Lestat ng mga tao para makaranas siya ng matinding depresyon. Hanggang sa nakilala niya si Daisy, na kanyang naging inspirasyon para simulan ang pagpapapay...