CHAPTER VI - Me + You = Kilig

343 6 0
                                    

Maagang nagising si Chelsea kinabukasan. Pagbukas pa lang niya ng kanyang cellphone ay bumungad na sa kanya ang text message ni Lestat. "Good morning Miss Beautiful, sabay na tayong pumunta sa gym mamayang 7:30". Umaga pa lang ay hanggang tenga na ang ngiti ni Chelsea. Masaya siyang bumangon at nag asikaso. Habang nagluluto ay napansin ng kanyang ina ang kakaibang ngiti sa mukha ni Chelsea.

Nanay Tess: Mukhang may hang over pa ang anak ko ah?

Chelsea: Si Mama talaga.. ang aga- aga nang-aasar agad (mababang tono).

Nanay Tess: Nga pala 'nak, kagabi bago ka dumating, nabanggit ko sa Papa mo na gusto mo ulit mag-aral.

Chelsea: Ano pong sagot ni Papa?

Nanay Tess: Ayun! Sobrang tuwa. Basta daw sa exclusive school for female ka mag-aaral.

Chelsea: Si Papa talaga, kulang na lang pag-madrehin ako. Pero wala pong problema kung 'yun ang request ni Papa.

Nanay Tess: Ano bang course ang gusto mong kuhanin?

Chelsea: Iniisip ko po kung Dietician o Physical therapist.

Nanay Tess: Maganda 'yan 'nak. Mukhang pati pagpili ng kurso naimpluwensyahan na din ni Sir Tats ah?

Chelsea: Kayo talaga 'Ma ,lagi 'nyo na lang akong tinutukso kay Coach. Marami din po kasing naituro sa akin si Coach. Pakiramdam ko, ito yung calling ko, 'yung mag-promote ng healthy lifestyle.

Nang matapos kumain ay nag-asikaso na si Chelsea. Suot na niya ang pinamili nila kagabi. Head cap na color pink, white sleeveless shirt na loose at black sando na panloob, gray na leggings at rubber shoes ang suot ni Chelsea.

Paglabas niya sa pintuan ay bumungad sa kanya si Lestat na nakangiti. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang backpack na naglalaman ng pamalit na damit ni Chelsea.

Lestat: Good morning! Aba, suot mo na ang pinamili natin ah?

Chelsea: Nilabhan ko agad kagabi para may maisuot ako ngayon Coach.

Lestat: Maganda, bagay sa'yo.

...Habang naglalakad ang dalawa ay nagtanong si Chelsea.

Chelsea: Coach, 'yung nangyari nga pala kagabi?

Tumingin si Lestat kay Chelsea na parang walang idea sa sinasabi ng dalaga.

Lestat: May nangyari ba kagabi?

Chelsea: Eto namang si Coach.. (Sabay tapik nang mahina sa balikat ni Lestat).

Umarte si Lestat na tumalsik siya nang limang metro kaya natawa si Chelsea.

Lestat: Grabe, ang lakas mo na! Tapik pa lang 'yun pero parang tinulak mo na ako. Paano pa kaya kung tinulak mo pa ako.

Chelsea: Over ka Coach ha? Masyado kang exaggerated umarte.

Ngingiti-ngiti si Lestat nang lumapit kay Chelsea.

Chelsea: Ano Coach? Nag-iintay ako.

Lestat: Papayagan ka ba ni Nanay Tess kung isasama kita sa amin sa Calamba?

Nagtaka si Chelsea kay Lestat. Sa halip na sumagot ay nagtanong din ito sa kanya pabalik.

Lestat: Birthday kasi ng mama ko sa Sabado. Magandang oras na din 'to para mas magkakilala tayo nang lubusan.

Chelsea: Nakakahiya naman Coach sa family mo. Hindi naman ako invited.

Lestat: Ini-invite nga kita. Kung gusto mo isama natin si Nanay Tess kung nahihiya ka.

Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon