CHAPTER X - FEAR

314 8 0
                                    

August 3, 2015. Nagkukwentuhan sina Lestat at Roger sa Reception Desk ng gym.

Roger: Parang isang linggo ko ng hindi nakikita si Hailey?

Lestat: Alam mo naman 'yun, masyadong in-demand sa mga beauty contest. Mula sa pag-o-organize, pagte-training, hosting at judging, lahat pinakyaw na.

Habang nag-uusap sina Lestat at Roger ay napansin nila si Coach LA na pailing-iling habang hawak ang dyaryo at napamura pa. Palapit ito sa kanila kaya agad itong tinanong ni Roger.

Roger: Ang aga-aga Coach (LA), mukhang badtrip ka na agad ah?

Coach LA: Paano itong dati kong tinuturuan, nanalo na naman.

Lestat: Patingin nga Coach ng dyaryo mo.

Pinakita ni Coach LA ang balita sa dyaryo. Napaisip bigla si Lestat, parang narinig na niya ang pangalan nito.

Coach LA: "George, The Killer Manero" (Sabay iling). Nagtataka ako kung paano 'sya nanalo, samantalang ang tamad magtraining 'nyan. Pag nagte-training nga kami, ang gusto 'nya ang dapat laging masusunod.

Kinuha ni Roger ang dyaryo kay Lestat at siya naman ang nagbasa.

Roger: Nakasulat dito Coach, knock out lahat ng kalaban sa first round.

Coach LA: Malakas sumuntok 'yan. Nung huling tinuruan ko 'yan, muntik na kaming magkasuntukan. Sinabihan ko kasi 'sya na dahil sa bad attitude 'nya, hindi siya magtatagumpay sa MMA.

Lestat: Naku! Pabayaan mo na Coach (LA), makakahanap din ng katapat 'yang George na 'yan. Magtraining na lang tayo para mailabas mo ang galit mo.

Kumalma si Coach LA.

Coach LA: Mabuti pa nga.

Pumunta sa ring sina Lestat at Coach LA at sinimulan nang mag-warm up.

Kinahapunan ay nagtungo ulit si Lestat sa Marikina para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Chelsea. Last time na nagkausap sila ni Hailey ay sinabihan siya nito na ituloy lang ang pagbibigay ng bulaklak kay Chelsea. Napansin naman ni Lestat na lahat ng iniiwan niyang bulaklak sa pintuan ng dalaga ay hindi na niya nakikita sa basurahan. Kahit hindi pa ulit sila nagkaka-usap ni Chelsea ay masaya na si Lestat dahil kahit papaano ay nakakakita siya ng linaw na muli silang magkakaayos ni Chelsea.

Alas Siete ng gabi, pauwi na sana si Lestat nang tumawag sa kanyang cellphone si Hailey. Dahil nasa Marikina na rin si Lestat, magkikita na lang sila ni Hailey sa isang bar sa Riverbanks. Tinext niya kung saang bar sila magkikita.

Sa River Front Restobar ang napagkasunduan nilang lugar ni Hailey. Malaki ang River Front Restobar, meron itong area na may air conditioner at meron ding open air. Napansin ni Lestat na may event sa air conditioned area nung pumasok siya kaya sa open air siya humanap ng pwesto. May ilan-ilang kumakain at nag-iinuman. Dahil week night kaya kokonti lang ang tao sa Riverbanks. Habang hinihintay ni Lestat si Hailey ay naglaro muna siya ng games sa kanyang cellphone. After 30 minutes, may lumapit sa harap ni Lestat kaya napatingala siya. Si Hailey ang lumapit sa kanya. Pero nagulat siya nang umalis sa kanyang harap si Hailey, nasa likod nito si Chelsea. Kumaway (kamay level ng dibdib) ito at ngumiti. Agad na napatayo si Lestat at mabilis na niyakap si Chelsea. Sa sobrang tuwa ni Lestat na makita si Chelsea ay nabuhat niya ito at inikot-ikot. Nagtinginan ang mga tao sa kanila kaya nagsalita si Chelsea.

Chelsea: Coach, nakakahiya sa mga tao.

Agad na ibinaba ni Lestat si Chelsea. Masaya rin si Chelsea na muling makita si Lestat.

Lestat: Sorry, na-carried away ako masyado. Upo kayo.

Umupo ang dalawang babae. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Lestat.

Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon