CHAPTER IV - Inner Beauty

416 6 0
                                    


April 15, 2015. Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng insidente kay Coleen. Sa Gym ni Lestat

Chelsea: Kuya Regor, wala pa si Coach?

Roger: Regor?

Chelsea: Oo Regor, binaligtad na Roger.

Roger: Ah! Cool 'nun ah? Regor.

Nang biglang sumabat si Hailey sa kanilang likuran.

Hailey: Regor.. pero mas maganda kung Igor na lang, parang 'yung sidekick ni Dracula.

Tumawa sina Hailey at Chelsea at napakamot naman ng ulo si Roger dahil napagtulungan siya ng dalawang babae.

Roger: Ikaw talaga mam Hailey! Ako na naman ang napag-tripan mo.

Hailey: Joke lang kuya Igor. Teka, wala ba si Coach Tats?

Roger: May binili lang, mamaya nandito na 'yun.

Hailey: Ah.. Iniintay mo din ba si Coach, Chel (Chelsea)?

Chelsea: Oo eh.

Hailey: Tara, sabay ka na lang muna sa akin. Ano bang program ang pinapagawa sa'yo ni Coach Tats?

Chelsea: 5x5 strong lift na may mix na whole body. Ngayon ay bench press at bent over row ang 5x5 ko.

Hailey: Ok sige, ako na lang ang sasabay sa routine mo.

Habang nag-uusap ang dalawa ay may dumating na tatlong kalalakihan. Payat ang pangangatawan ng mga ito kaya labas ang mga cuts ng muscle.

Sinimulan nina Chelsea at Hailey ang kanilang ensayo. Nasa kalagitnaan na ng training ang dalawa nang mapansin ni Chelsea na parang hindi napapagod si Hailey at napaka- istrikto nito pagdating sa mga proper form, execution at breathing.

Napansin nina Chelsea at Hailey na panay ang tingin sa kanila ng grupo ng mga lalaki at nagbubulungan pa ang mga ito kapag si Chelsea na ang nagbubuhat. Bigla itong nagtawanan nang hindi na kaya ni Chelsea ang exercise na pinapagawa sa kanya ni Hailey. Hindi na nakatiis si Hailey at nilapitan na ang mga kalalakihan.

Hailey: Mga sir, excuse lang. Kami ba ang pinagtatawanan 'nyo?

Sumagot ang isa habang ang iba ay nagbubulungan at nagpipigil tumawa.

Fuckboi 1: Hindi ikaw ang pinagtatawanan namin Miss. Sa ganda mong 'yan, kahit anong gawin mo, mai-inlove kami.

Hailey: So, 'yung estudyante ko ang pinagtatawanan 'nyo?

Fuckboi 2: Nakakatawa naman talaga Miss beautiful. Ngayon lang kami nakakita ng baboy na hingal kabayo.

Sabay- sabay na nagtawanan ang mga kalalakihan at si Hailey naman ay pigil na pigil na at gusto nang pagsasampalin ang mga lalaki. Nakapagtimpi ito at naka-isip ng deal sa mga kalalakihan.

Hailey: Baka naman 'yung pinagtatawanan 'nyo ay mas malakas pang magbuhat kesa sa inyo?

Nagkatinginan ang mga kalalakihan at nagbulungan.

Fuckboi 3: Pustahan tayo. Ano, game?

Hailey: Game! Basta rule ko kung ano ang bubuhatin natin?

Nag-usap usap ang mga kalalakihan.

Hailey: Takot ata kayo sa babae eh!

Fuckboi 3: Sige, anong pusta natin?

Hailey: Makikipag-date ako sa inyo at sagot ko ang gastos pag tinalo 'nyo kami. Kung kami naman ang mananalo, babayaran 'nyo kami ng three thousand, ano bet?

Bakit Gustong Pumayat ng Mataba (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon