Louie's POVGood morning World! Good morning Universe! Ilang araw na lang eh pasukan na naman ulit. Haissstt! By the way, I am Ian Louie Madrigal and I am a SHS Student this coming school year. Di pa ako nakadecide kung anong strand ang kukunin ko. ABM, STEM, HUMSS, ICT? Haiisssttt! Parang di pa ako ready as a SHS Student. Parang ang hirap. Pero Ravan, para sa ika-uunlad ng ating bayan (Charrr).
By the way, Sa Maxwell High ako nag-aaral. Private school siya.
Bumangon na ako at inayos ko na ang higaan ko.
Naghilamos at nagsipilyo ako. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa kusina. Gutom na kasi ako eh.
"Yaya? Anong ulam?" Di ba ang bongga, may yaya kami (Hahaha). Mayaman kasi kami, mayaman nga pero wala naman kaming oras sa Papa namin. I mean sa akin lang kasi di kami masyadong close ni Papa, mas kaclose sila ni ate.
"Itlog po tsaka tocino, sir!" sagot ni Yaya Dyosa.
Di ba ang bongga din ng name niya. Kabogera si Yaya.
Umupo na ako tsaka kumain.
"Sir, juice po oh!" Ipinagtimpla pa niya ako ng juice. Ang sweet naman. Charrr.
"Thanks Yaya Dyosa."
"Always welcome po sir." sagot naman niya.
"Yaya, di ba sabi ko sayo na wag mo na akong tawaging sir. Louie na lang. Para kasing ang tanda ko masyado."
"Okay po sir.. Este Louie pala. Hehe!" sabi niya
"Yaya, pumasok na ba si Papa?" biglang sulpot ni Ate Leanne. Nandito na pala ang demonyita. Haaiiisssttt!
"Opo ma'am." sagot ni yaya.
"Okay." tipid na sabi nung demonyita.
"Good morning little brother este sister pala. Alam kong pareho tayong babae. Ahhhyy! Di pala kasi tunay akong babae at ikaw piling babae." sabi niya sabay turo sa akin. Kainis talaga 'to! Ang tanda na pero ganyan pa rin ang ugali.
"Ate Leanne?! May problema ka ba sa akin? Eh ano ngayon kung bakla ako? Bakla ako pero atleast wala akong inaapakang ibang tao." sagot ko sa demonyitang 'to.
Kung di lang kita ate eh matagal na kitang chinapchop! Kainis!
"Whatever! Loser! Sige makaalis na nga baka masampal pa kita. Bye!" sabi niya tsaka pumunta na siya sa kwarto niya.
Sana di na lang siya lumabas ng kwarto niya. Ang sarap niya talagang hampasin ng baseball.
Muntik ko ng di matapos 'tong kinakain ko. Kainis kasi yung babaeng yun. Pagkatapos kung kumain eh umakyat na ako sa kwarto ko. Gusto ko kssing i-chat si Joanally. Gusto kong lumabas ng bahay, mabobored lang ako dito.
--------------
Me: Bhes, labas tayo.
Joanally: Saan tayo magwawalwal?
Me: Sa mall na lang siguro. Amboring kasi dito sa bahay eh.
Joanally: Same here bhes.
Me: So? Saan tayo magkikita?
Joanally: Hmmm? Sunduin na lang kita. By the way, pwede ko bang isama yung pinsan ko?
Me: The who?
Joanally: Si Ranzcee, kakauwi lang kasi nila kahapon dito sa bahay. Dito na atta siya mag-aaral eh. So? Payag ka na isama natin siya?
BINABASA MO ANG
My Sister, My Enemy
Ficção AdolescenteIto'y istorya ng dalawang magkapatid na mag-aagawan dahil lang sa iisang lalake. Kung akala niyo ay babae silang dalawa, nagkakamali kayo. Isang babae at isang lalake or should I say a "Gay". At hindi lang yan, magkaaway din sila pagdating sa kanila...