Chapter 2

23 11 2
                                    


Louie's POV

Sa wakas nakarating din kami sa destinasyon namin. Nauna akong bumaba at tinanggal ko yung helmet ko tsaka ko ito ibinigay kay Ranzcee.

"Thanks!" sabi ko.

Nagsmile lang siya at ipinarking nila yung mga motor nila at pumunta na ako sa tabi ng pinto ng Mall.

Nakatayo lang ako sa labas ng Mall ng may makita akong isang pamilyar na lalake. Omayghad si Jhon pala, crush ko siya since Grade 10 kami. 18 years old na atta siya ngayon. May kasama kaya siya? Haha! Kaso baka may gf na siya at medyo badboy siya.

"Bhes!" biglang sulpot ni Joanally at kasama na pala niya si poging Brent. Sa parking lot kasi nila ipinarking yung mga motor nila.

"Ohhppp?! Nakakagulat ka naman." sabi ko.

"Tulala kana naman dyan." sabi nitong bestfriend ko.

"Wala! Tara na!"

"Wala raw?! Sige! Tara na nga." sabi ni Joanally. Sabay-sabay na kaming pumasok ng Mall.

"Guys, punta tayo ng National Bookstore." sabi nitong bestfriend ko.

"Okay." sabay naming sagot ni poging Ranzcee tapos nagkatinginan kami at sabay ngiti. Ampogi niya talaga 'pag nakangiti siya.

"Sige! Punta na tayo sa NB." sabi ko sa kanila.

Pumasok na kami ng National Bookstore. Pumunta kami sa book section. Mukhang bibili na naman ito ng Wattpad Books, adik talaga itong bestfriend ko. Mahigit 200 na yung books niya ng Wattpad sa bahay nila. Di ba ang bongga ng bestfriend ko. Adik na adik siya sa Wattpad.

Kung tatanungin niyo kung nagbabasa ako ng Wattpad?! Sorry guys pero di ako nagbabasa ng Wattpad.

"Joana?!" tawag ni poging Ranzcee kay Joanally. Joana siguro nickname niya sa kanila.

"Oh? Ano yun pinsan?" tanong naman nang bestfriend ko.

"Pwede bang ikaw muna ang magbabayad nitong book na bibilhin ko? Konti lang kasi ang dinala kong pera eh." sagot naman ni poging Ranzcee. Omayghad! Nagbabasa rin siya ng Wattpad?! Omayghad! Adik din siya sa Wattpad.

"Okay. Ano bang book yan?" tanong ng bestfriend ko sa pinsan niya.

"Hell University." tipid na sagot ni poging Ranzcee.

"OMG! Maganda yan." sabi nang bestfriend ko. OP ako. Haiissttt!

"I know kaya huwag mo akong i-spoil." sabi naman ni poging Ranzcee.

"Okay. Hmmm.. That Promdi Girl ang bibilhin kong book. Di ko pa kasi nababasa 'to." sabi ni Joanally.

"Alangan naman na bibili ka ng book na nabasa muna." bigla kong sabi.

"Edi wow! Hindi ka kasi Wattpader eh." sagot naman nitong bestfriend ko.

"Di kasi ako naniniwala sa mga Prince charming at forever na yan." sabi ko.

"Napakabitter mo bhes. Daig ka pa nitong pinsan ko, nagbabasa rin siya ng Wattpad books." sabi ni Joanally.

"Whatever!" sabi ko.

"Pinsan, akin na yan. Magbabayad na ako sa counter." sabi ni Joanally at ibinigay agad ni poging Ranzcee yung book sa kanya.

"Sige bhes. Mauna na kai sa labas ah." sabi ko.

"Sige." tipid na sagot nang bestfriend ko. Sabay kaming lumabas ni poging Ranzcee sa NB.

Interviewhin ko kaya 'tong lalakeng 'to. Haha! Pero nahihiya si ako. Anebe?!

My Sister, My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon